internet
akda ni Meicah Allaine M. Tangliben
Ang internet ay makapangyarihan
Daig pa sa bilis ang kidlat sa kalangitan
Ito’y instrumento ng makabagong teknolohiya
Na malaki ang naitutulong sa masa
Impormasiyong inilagay dito,
Maaaring mabasa ng kahit sino.
Ang internet nga ba ay mabuti o masama?
Nakakatulong o nakakasira?
Ang gumamit nito’y isang malaking responsibilidad
Tayo ay dapat maging maingat
Huwag sanang maglagay ng kung ano ano
Sanay mag-isip naman lahat tayo
Ilagay lamang ang totoo.
Ilagay lamang ang tama.
Huwag maging loko-loko.
Huwag maging mapanira.
Dapat pala’y hindi na bumalik,
Wag nang hanapin ang matamis mong halik.
Iyong mahigpit na yapos ay lilimutin,
Aking yayakapin na lamang ang hangin…
Dapat lamang ay magingat sa mga kinokomento o pinopost sa internet, lalong lalo na sa mga "Social Media Sites" dhil isang pagkakamali lamang ay maaari ng makasira ng buhay ng isang tao. Sana ay maraming makabasa ng tulang ito, at matauhan sa kanilang mga ginagwa.
ReplyDeleteNaging malaking parte ng araw araw na pamumuhay ng mga tao lalo na ng mga estudyante ang paggamit ng internet. Nakakatutulong ito kasi mas napapabilis ang bawat gawain hindi tulad ng dati na mano-mano kung gawin. Pero Kung minsan ang maling paggamit ng internet ay may masamang naidudulot sa atin. Dapat na maging responsable tayo sa lahat ng bagay na inilalagay o ginagawa natin sa internet.
ReplyDeleteKulang sa pansin ang negatibong epekto ng Internet. Ibayong pag-iingat ang kailangan sa paggamit nito :)
ReplyDeleteang epekto ng internet ay dapat talagang sa mabuti lamang gamitin. nasa tao naman kung gagamitin niya ito sa mabuti o masama.
ReplyDeleteSana napalawak ang ideya, madaming maaring ilagay na mas magiging maganda ang pagtatalo ng mabuti at masama
ReplyDelete