Lazada

Sunday, March 2, 2014

Pilipino ka ba?

Pilipino ka ba?
Akda ni Meicah Allaine M. Tangliben

Pilipinas, aking bayang sinilangan
Mayamang kultura aking nakagisnan
Dugong Pilipino saki’y nananalaytay,
Ito’y aking dadalhin sa habambuhay.

Pagiging pilipino’y ano nga bang batayan?
Ano nga bang pamantayan o sukatan?
Gaano ka nga ba ka-Pilipino?
Minsan ba'y naitanong mo sa sarili mo?

Kung ako ang inyong tatanungin,
Mga dahila’y mahirap hanapin…
Hindi dahil moreno ka'y Pilipino ka na.
Hindi dahil nag-ta-tagalog ka'y Pilipino ka na.

Ang pagiging Pilipino ay nasa puso…
Hindi sukatan ang panlabas na anyo…
Ang pagiging Pilipino ay ang pagmamahal sa iyong bayan…
Ang pagmamahal sa ating bansa, ang PILIPINAS.

11 comments:

  1. Tunay kang Pilipino kung maipagmamalaki mo ang lahi.. Kaya napakaganda ng iyong mensahe.. Marami na sa atin ang hindi kumikilala ng sariling kultura.. Magpatuloy pa sana ang ganyang pananaw natin.. Pilipino tayo!! Magalak Ka!! :D

    ReplyDelete
  2. "Ang pagiging Pilipino ay ang pagmamahal sa iyong bayan", napakagandang linya ngunit iilan lang ang kayang panindigan. Dahil karamihan sa mga pilipino ay madaling mapukaw ang interes lalo't mula sa dayuhang bansa ay mas tatangkilikin. Sana'y marami pang Pilipino ang maging bukas ang diwa sa totoong pagmamahal at pagpapahalaga sa bayang sinilangan tungo sa kaunlaran.

    ReplyDelete
  3. SOBRANG RELATE,GAGAWA RIN AKO NG TULA TUNGKOL SA TUNAY NA PAGKAKAKILANLAN NG PILIPINO.HINDI ITO TUNGKOL SA LAHI KUNDI SA PAGSASABUHAY NG KULTURA NG NASABING LAHI.MARAMI NA ANG MGA DAYUHAN ANG TUNAY NAMANG PUSONG PINOY.MAYROON DYAN PILIPINO NGA KUNG MAKAASTA NAMANG MAY LAHI AY WAGAS

    ReplyDelete
  4. Sa panahon natin ngayon, mas gusto ng iba ang ibang lahi kaysa sa sarili nilang lahi. Napakaganda ng mensahe sa iyong tula. Kung maipapabasa pa ito sa iba siguradong mapagtatanto nilang mahalaga ang pagiging Pilipino na mas masaya ang lahing ito. Salamat sa paggawa ng tulang nakakahikayat na mas mahalin ang bansang Pilipinas at ang pagiging pilipinong tunay sa puso, sa salita at sa gawa. Salamat :)

    ReplyDelete
  5. Ang akda ay makapukaw-damdamin para sa isang Pilipino. Dapat lamang na iyong ipagmalaki ang ating lahi. Ang akda ay hindi tungkol sa pagmamalaki ng iyong lahi kundi sa tunay na laman nito tulad na lamang ng mga kulturang patuloy nating isinasabuhay. Ang tunay na Pilipino ay ang tunay na pagmamahal sa iyong bayan.

    ReplyDelete
  6. Sumasang-ayon ako sa tulang ito. Marami nga ang mga Pilipino ngunit kung susuriin mas mahal pa nila ang ibang bansa.. mga tinatangkilik ay hindi sa atin

    ReplyDelete
  7. agree... pero sa panahong ngayon marami na sa atin ang pilipino lang dahil dito sila pinanganak hindi dahil mahal nila ang pilipinas..

    ReplyDelete
  8. Sang-ayon ako dito. Pero sa panahon kasi ngayon marami nagsasabing Pilipino sila pero kung umasta akala mong banyaga.

    ReplyDelete
  9. Maganda ang iyong likha! Marami sa Pilipino ngayon ay hanggang pangalan na lamang, dahil sila'y naiimpluwensyahan na ng mga banyaga

    ReplyDelete
  10. Ang pagiging tunay na Pilipino ay nasa isip, puso at gawa! :)

    ReplyDelete
  11. Isang napakagandang akda na naglalayon na hamunin ang bawat Pilipino na ipagmalaki at mahalin ang sariling lahi.
    Ang pagiging Pilipino ay nangangahulugang pagiging taas noo at kayang isigaw sa buong mundo ang lahi mo. Napakaraming paraan upang maipahayag ang pagiging Pilipino ngunit hindi lahat ay kayang panindigan ito. Katulad ng nasabi sa akda, hindi batayan ang panlabas na anyo para masabing ikaw ay Pilipino. Ang pagiging Pilipino ay makikita kung bukas sa loob mong ipagmalaki ang iyong lahi.Maipapakita din ito sa pamamagitan ng pagmamahal sa bayang kinagisnan. Gaano man kalayo ang iyong lugar na narating, huwag kalilimutan na bansang Pilipinas ang iyong bayan at ito ang iyong pinagmulan.

    ReplyDelete