Lazada

Sunday, March 16, 2014

Abilidad (ni Joy Ann Baracena)

Abilidad akda
akad ni Joy Ann Baracena

Kakaibang kakayahan, umaangat sa lahat
Sa kasipagan mo, natutuwa lahat
Ni minsan, hindi ka nagreklamo
Kaya diyan kami bilib sayo

Minsa'y inutusan mamili mag-isa
'Di nag-alinlangan, ika'y nauna
Ngunit tila minalas ka bigla
Nagkaron ng problema, 'di sinasadya

Nag-isip ng napakalalim
Utak mo'y napakatalim
Marami ka mang nililihim
Mananatiling kimkim-kimkim

Panatag pag ika'y nandyan
Para bang walang kinatatakutan
Kakaibang abilidad, kay inam
Karapat-dapat parangalan







Mas Marami, mas masaya ni Joy Ann Baracena

Mas Marami, mas masaya
akda ni Joy Ann Baracena
 
Panibagong kwento ng kaibigan ko
May kapangalang artista, ang apelyido’y Cosio
May magandang ugaling magugustuhan mo
Tiyak yan, ako’y makasisigurado
 
“Ilan na bang lalaki ang naging jowa mo”?
Pag magkasama tayo’y binibiro ko
Lagpas sampu, niRerealtak mo
Sa aki’y wag magalit pagpasensyahan mo
 
Mabait ka, talagang maganda
Mapagbigay, shutay-tomi minsan
Kaloka, iba kang kasama
Bestfriend pa nga kita diba?
 
Iyakin, pero masarap kung yakapin
Payatot, pero masarap kung mahalin
Lahat ng problema kakayanin
Basta sama-sama lahat gagawin

Payong ni Joy Ann Baracena

Payong
ni Joy Ann Baracena

Aking inay oras ay nagdaan
Ngunit bakit parang walang pakialam
Kasalanan ko ba nang ika'y magpaalam?
Umalis at hindi na muling nagparamdam

Naging buhay sa paaralan, ni isa'y wala kang alam
Sa bawat sakit na aking pinagdaanan
Isama na ang bawat puot na pinagdusahan
Sa pangungulila magmula ng ika'y lumisan

Pilit kinalimutan mga ala-ala ng nakaraan
Sa lugar kung saan ako'y iyong iniwan
Naghintay sa pangakong ako'y babalikan
Dala-dala ang payong mong pinaka-iingatan

Mga ngiting nakawawala ng lumbay
Mahigpit na nakahawak sa malambot mong mga kamay
Nakatingala sa payong mong puno ng kulay
Nasambit mula sa bibig "wag ka nang lumisan INAY"



Korona akda ni Joy Ann Baracena

Korona
akda ni Joy Ann Baracena
 
Pangarap na matayog nais makamtan
Reyna ng kagandahan at kasikatan
Kapalit man nito ay ang masaktan
Pagdadalawang-isip di sinubukan
 
Lugar ng kasalanan at kasalatan
Marangyang korona at kayamanan
Pamilyang mahal kinalimutan
Humantong man sa kamatayan
 
Kung ang pagsuot ng koronang ito
Ang magpapabago sa mundo ko
Siguro'y di pa handa sa ginugusto
Ipagpapaliban, masakit man sa puso
Alang-alang sa sarili, irerespeto
 
Puno ng makikintab na palamuti
Kumikinang tulad ng isang bituin
Koronang pinapangarap abutin
Lungkot kapalit ng bawat ngiti
Mabigat na responsibilidad ididiin




Pangarap Lang Kita ni Joy Ann Baracena

Pangarap Lang Kita
akda ni Joy Ann Baracena
 
Sinisipat kahit sa malayuan
Gumagawa ng paraan upang ika’y masilayan
Iba na talaga itong aking nararamdaman
At wag sanang tangkaing ipagtabuyan
 
Inisip kita ng walang humpay
Tinanong sa sarili kung ikaw ba’y tunay
Nagtaka at nakaramdam ng lumbay
Oh aking mahal, Wag sanang mawalay
 
Mga bagay na naiintindihan mo na ang dahilan
Ngunit hindi mo parin maiwasang masaktan
Mahirap mang tanggapin at ipagpilitan
Kailangan lang unawain at magkunwaring natauhan
 
Pangarap man itong aking pinangangalandakan
Alam kong balang-araw iyong pakahahalagahan
Bawat sinambit na katagang pinaghirapan
Ang pagpapakatanga sayo’y aking sinubukan

Bayan naman !! ni Catherine Algario

Bayan naman !!
akda ni Catherine Algario
 
Tapos na ang akda na para sa sarili
Mga usaping pag ibig,tagumpay o sawi
Kasama ng panulat, pahina’y ihawi
Damdaming nag aalab ay hindi mapapawi

Sa gitna ng ilusyon, reyalidad ay uusbong
Tama na ang puso, oras na ng pagbangon
Yakapin ang panahon, umikot gaya ng gulong
Sa bansang sinilangan, araw ay uusbong

Palayain ang sarili sa dating kulungan
Tanawin ang bayang walang kinabukasan
Tumayo, tumindig, magsimula ng himagsikan
Ipaglaban ang tama, ang dapat sa katuwiran

Kalimutan ang pansarili nang panandalian
May pag-asang dala ang araw sa Silangan
Oras na para lumingon sa pinanggalingan
Sabay sabay isigaw Katarungan para sa Bayan!!!


 


 


Ligaw-tingin ni Catherine Algario

Ligaw-tingin
akda ni Catherine Algario


Tanaw sa malayo tunay mong ganda
Likas na dilag, maningning mong mga mata
Paghanga sayo'y di maiiwasan
Ipagbunyi ang araw na kita'y nasilayan

Mula sa malayo, tanaw yaong ngiti
Tunay at matamis, walang halong pighati
Mga matang namumungay tulad ng bituin
Nagniningning sa langit, liwanag sa dilim

Mula sa malayo kita'y hinahangaan
Sa payak mong katauhan, ako'y tinamaan
Taglay mong kagandaha'y di pangkaraniwan
Na di mo batid, di mo nalalaman

Pinagbigyan ng tadhana na ika'y malapitan
Lalo pang nabighani nang ika'y matitigan
Sinimulan sa ngiti hanggang sa pagkakaibigan
Kuwento ng pag-ibig akin nang sisimulan

Bantulot ni Catherine Algario

Bantulot
akda ni Catherine Algario

Maraming mga katanungang nabubuo sa isip
Naghihintay ng kasagutan sa buwang sumisilip
Kasabay ng hanging malakas kung umihip
Paglabas ng damdaming kumakawalang pilit

Ipaglalaban ko ba o isusuko na lang ?
Paano ba umibig na di nasasaktan ?
Pagmamahalan natin ay unti-unting nawawala
Maglalaho rin kalaunan na parang bula

Paano ba ang araw pag di ka nasilayan,
Maging ang gabi pag di ka napanaginipan
Alaalang  nagbabalik, muli lang masasaktan
Ayoko ng magmahal kahit na kailan

Sa aking pagkabigo, aking napagnilayan
Sagot sa katanungan na walang alinlangan
Diyos na dakila aking pinasasalamatan
Nagmamahal sa akin ng walang hangganan


Isang ngiti na lang ni Catherine Algario

Isang ngiti na lang
akda ni Catherine Algario

Ngumiti ka at ganoon din ako
Pagbati ng magandang umaga sa’yo
Lunes noon, unang araw ng Mayo
Pagkakataong magkakilala ay di nabigo

Mapupungay mong mata’y muling nasilayan
Martes ng hapon sa inyong bakuran
Ngiting nagtatanggal ng aking kalungkutan
Mukha mong buong araw ay di na malimutan

Huwebes na , panibagong araw na naman
Ngumiti kang muli, ngunit may pag aalangan
Malungkot na balita ay iyong tangan
Na labis na nakapagpabagabag sa’king isipan

Biyernes- araw na di ko nais dumaan
Muli kang ngumiti- ngiti ng paalam
Dalhin yaring puso sa’yong paglisan
Pagkat tinitibok nito ay iyong pangalan

Bago ka umalis, isang pabor naman
Pahingi kahit isang ngiti na lang
Tunay at wagas na aking iingatan
Kung may pagkakataon muli, maari ba kitang ligawan ?


Kanser Ni:Catherine Algario

Kanser
akda ni ni Catherine Algario


Sakit na lumaganap sa buong kapuluan
Walang kamatayan, walang kalunasan
Walang pinipili, mahirap o mayaman
Dapuan ka nito hatid ay kahangalan

Ito’y kanser sa isip na naghahatid
Kadiliman sa mundong hindi mo batid
Pagsamsam sa kayamanan, sagad sa ganid
Pera ng bayan - nilimos, pinahid

Tahanan,gobyerno, lalawigan at bayan
Kahit saan, walang kinikilingan
Ang sakit na kanser ay aking pinangalanan
Tinawag itong kurapsyon sa bayan

Oras na gamutin ay lalong lumulubha
Sakit na ito’y lalo pang nakahahawa
Panawagan ng tao’y wag na sanang lumala
Sigaw ng pagbabago’y sa sarili magmula


Nasaan ka na? ni Catherine Algario

Nasaan ka na?
akda ni Catherine Algario

Panahon ng kamusmusan nang kita'y nakilala
Mga alaalang masaya sa ilalim ng punong mangga
Batang naglalaro na parang walang problema
Musmos na kaisipan, init ay di alintana

Sabay tayong nangarap sa ating paglaki
Kasama sa hinaharap mga bituing minimithi
Nakaupo sa punong mangga, ang munti'y nakangiti
Nagtatawanan, naghahagikhika't nakangisi

Ngayon ako'y malaki na at matagumpay
Muling bumalik sa lugar, sa tabi ng lumang bahay
Maraming nagbago, nasira't tumamlay
Ang lugar na dati ang saya'y walang humpay

Kasabay ng pagkawala ay ang paglaho ng mangga
Puno na dati'y tampulan nating dalawa
Ngayo'y naglaho na pati ang dating saya
Marahil dahil wala ka na, Sinta nasan ka?

Thursday, March 13, 2014

Hintay ni Louisa Garinga

Hintay (ni Louisa Garinga)
Bakit tila ang tagal,
Kapag ako'y naghihintay.
Oras na kay bagal
Parang di na gumagalaw.


Ako'y bagot na bagot,
Naghahanap ng sagot
Anong pwedeng gawin?
Di na ako mapakali.


Lahat ay nagawa ko na
Ang makinig sa musika,
Magteks sa iba,
Pati gumawa ng tula.


Bakit wala ka pa din?
Anong oras na, iho?
Di na kita hintayin.
Mauuna na ako.

Karapatang ipinagkait ni Shaina Nicole Osuna

Karapatang ipinagkait
akda ni Shaina Nicole Osuna

Hindi ba at ang saya makakita?
Ng matatamis na ngiting nagmula sa bata
Panay na laro lamang ang alam
At pati paghahabulan ay kanilang ipapaalam

Ngunit bakit ganito na ang sitwasyon
Ang mabuhay sila ipinagkakait na ngayon
Hindi na sila nabigyan ng pagkakataong
Magtuto, magtuklas at mabigyan ng baon

Bakit nga ba ito ay nangyayari?
Tila dami ng abortion ay dumarami
Nabubuntis ng hindi sinasadya
Nagiging magulang ng hindi pa handa

Ito ay talagang dapat ng iwasan
Dahil ang abortion ay malaking kasalanan
Sa Diyos Amang nagbigay ng buhay
Ngunit iyong ipinagkait at para na ring pinatay

Pag-ibig ni Mary Grace Bustamante

Pag-ibig
akda ni Mary Grace Bustamante

ang pag-ibig ay mahiwaga
hindi mo alam kung kailan magpapakita
wala man lang pahiwatig o babala
magugulat ka na lang anjan na pala

love is blind ika nga ng iba
ang panlabas na anyo ay di mahalaga
basta nagmamahalan kayong dalawa
wala kayong pakielam sa sasabhin ng iba

love is sacrifice ang isa pa
big word hindi ba?
kahit mahirap ay balewala
kakayanin ang lahat para sa sinta

ano man ang meaning ng love sainyo
basta magmahal ng totoo
wag gawing hobby ang panloloko
dahil kay karma lagot kayo

Miracle in Cell #7 ni ni: Jade Cielo

Miracle in Cell #7
akda ni ni: Jade Cielo

Napanood mo na ba ito?
Kung hindi pa nako panuorin mo!
Isang kwentong pinapahalagahan
Ama at anak, kanilang pagmamahalan

Bumuhos ang luha ko
Lalo na sa puntong
Nagpapaalam ang ama sa anak nito
Kelangan na siyang sintensiyahan kahit ayaw nito

May hiwaga sa kwento
Bakit nga ba miracle in cell #7 ang titulo?
Ano ang milagro?
Malalaman kapag napanuod mo na ito

Iiyak ka't tatawa
Waring nababaliw ka
Hahaha Ang saya
Ano pang hinihintay? Panuorin na!

Pagmamahal ng Isang Ina ni Nicole Franz Pastor

Pagmamahal ng Isang Ina
akda ni Nicole Franz Pastor

Kapag ang mundo ko'y parang guguho
ikay nariyan pa rin sa tabi ko
sa buhay aking tagapagturo
parang isang dakilang guro

sa panahon ng aking kahinaan
sa iyo ako humuhugot ng katatagan
pag pagasa ay parang nawawala na
ika'y nariyan pa rin aking ina

lahat ng pagsubok kaya kong lagpasan
dahil lagi mo akong ginagabayan
sa akin palagi kang nakaalalay
tunay na tanglaw ng king buhay

buong pagmamahal iyong ibinibigay
walang pagaalinlangan mo itong inaalay
simula pa lamang ng ako ay magkamalay
pagmamahal mo'y nagbigay kulay sa aking buhay

nais kong magpasalamat sa iyo
dahil inalagaan at pinalaki mo ako
hindi ko man ito palaging maipakita
ngunit ina tunay na mahal kita

Bagsik ng Kalikasan ni Christine Joyce Cortez

Bagsik ng Kalikasan
akda ni Christine Joyce Cortez

Bagsik ng inang kalikasan
lubos na nating nararanasan
hindi na kailangan magsisihan
dahil tayo ang gumawa at dahilan

lindol unos o mga bagyo
na madalas sa atin bumayo
nandito kaman o sa malayo
mga dinanas manatiling na katayo

isang madalas na trahedya
Maykapal ano ang iyong sadya
bakit lagi kami ang natataya
kaligtasan ikaw ay aming inaaya

Panginoon kami ay pinanghihinaan
walang makain at pangkabuhayan
saan na kami kukuha ng pagkakakitaan
galit mo sa amin ito ba ang kabayaran ?

Stephany Sibayan ni John Cedrick M. Dimayuga

Stephany Sibayan
akda ni John Cedrick M. Dimayuga

Ako ay may kaibigan
Stephany ang kanyang pangalan
Mula sa bayan ng Cainta
Siya ay tunay na maganda.

Di man nagkakilala sa maayos na paraan
Dahil sa una pa lang ako'y kanyang natarayan
Unang araw ng klase agad umulan
Inalok niya ako ng payong sabay sinungitan.

Siya ay matangkad at maputi
Maganda ang kanyang ngiti
Pareho kaming may bakal sa ngipin
Chicks talaga siya kung iyong tatanungin.

Palakaibigan siyang tunay
Dahil siya'y masigla't puno ng buhay
Masaya siyang kasama
Palagi kang tatawa.

Sipag at Katalinuhan ang puhunan ni Christine Joyce Cortez

Sipag at Katalinuhan ang puhunan
akda ni Christine Joyce Cortez

Mga tanyag na mga paaralan
ang nagsisipag laban-laban
sa puwesto nag-uunaunahan
usapin sa iba't ibang mga larangan


Pagalingan kung sino ang tinagurian
na magaling maghasa ng kasanayan
Unibersidad na iyong kinabibilangan
hatid sayo'y palakasin ang iyong kahinaan


Pagpunta sa gyera o digmaan
lagi mo sanang pinaghahandaan
bala mo'y tanging sipag at katalinuhan
kalusugan ay wag mong kaililimutan


Pag-unlad mo'y wala sa mga paaralan
na sayo ang paggawa mo ng kapalaran
naway taglayin mo ang kasipagan
dahil hakbang yan sa yong kinabukasan.

Oras ni John Cedrick M. Dimayuga

Oras
akda ni John Cedrick M. Dimayuga

Isang mapaglarong elemento
Kasinghalaga ng pinto
Dapat ay pinahahalagahan
At di dapat sinasayang

Madaling lumipas ang bawat minuto
Di mo mararamdaman ang pag-andar nito
Lalo na kung ang pakiramdam ay masaya
Parang isa lamang kisap-mata.

Oras ay sadyang mapang-asar
Kapag hinihintay ay mabagal ang andar
Kung ikaw naman ay maligaya
Di mo namamalayang kay bilis pala.

Iyong bigyan ng importansya
Bawat segundong iyong nakikita
Sapagkat ang galaw ng oras ay mahalaga
Di na maibabalik kahit mawala ka pa.

Hasler ni Jade Cielo

Hasler
akda ni Jade Cielo

Sa loob ng ilang buwan
Tila hindi nakadama ng kamalasan
Sa bawat araw na binigay ng Diyos
Wala ka ng ibang ginawa kundi maging hasler na lubos

Sa bawat pagsusulit
Napakagaling mong pumuslit
Ni hindi nahuhuli't napapansin
Sadyang hasler ka nga kung tutuusin

Ilang taon mong pinagaralan yan?
Malamang valedictorian ka na nyan
Likas nga ito
Oo tama ka iyan nga ang totoo

Ngunit nagtataka pa rin
Saan mo nakuha angkin mong galing
Biruin mo kahit di ka magreview
Kaliwa't kanan mo napakadali mong iview

Perlas ng Silanganan (ni John Cedrick M. Dimayuga)
Nang sinabog ng Diyos ang kagandahan,
Isang bayan sa silangan ang naambunan
Ng ganda ng mga likas na yaman
Tila nginitian ng araw at buwan.

Iba't ibang klaseng hayop ang naninirahan
Mga isda ang nasa asul na karagatan
Sariwang hangin ay dito malalanghap
Ang paninirahan dito ay payak at kay sarap.

Sinakop man ng iba't ibang lahi
Nagdusa man ang ating lipi
Puro pagpapahirap sa kamay ng mga dayuhan
Patuloy na pinaglaban ang kalayaan.

O Pilipinas na pinagpala!
Sa lahat ng bagay ay mapalad ka
Samahan lamang ng dasal,
Laging nasa tabi mo ang Maykapal.

Ano?

Ano?
akda ni Jelly Beltra

kanina pa tulala,para sa aking tula
wala kasing maisip na magiging paksa
nais ko sana,kayo'y mapahanga
ngunit iyon ay tila imposible ata

ako ay lutang pasensya na
utak ko ata ay nagagala
nilulumot,hirap gumana
teka ako ba ay may problema?

ano? kayo naba ay nagagambala?
sa mga sinasabi kong patutunguhan ay wala?
ngunit bakit patuloy ang iyong pagbabasa ?
sa tula kong kay hirap makuha?

ang tulang ito'y matatapos na
biruin mo yun iyong nakaya?
o siya gawain ay tapusin mo na
habang utak mo ay gumagana

Sunday, March 9, 2014

Tunay Na Ikaw

Tunay Na Ikaw
akda ni Arvin Manhangin

Sa iba’y maganda
Sa iba nama’y pangit
Mayroong purong kabutihan
Mayroon din namang kasamaan

Lahat tayo mayroon nito
Ngunit iba-iba sa bawat tao
Ito’y depende sa karanasan
Sa buhay na kinaginasnan

Ipakita tunay nakulay
Huwag ikubli di kaayaaya
Di masamang magpakatotoo
Sa isang mundong mapanghusga

Mabuti na mahalin ka
Sa kung ano at mayroon ka
Kesa naman sa kung anong wala
At hindi tunay na ikaw

Tagumpay Ba'y Laging Nasa Himpapawid?

Tagumpay Ba'y Laging Nasa Himpapawid?
ni Arvin C. Manhangin

Isang pangarap na mahirap abutin
Isang mithiing laging nabibitin
Kaya pagkakataon aygrabe kung sulitin
Wala nang pakialam buto may banatin

Padalus-dalos man ang desisyon
Isip at puso nama'y puno ng determinasyon
Para sa pamilya na kanyang inspirasyon
Paglipad salangit nakikitang solusyon

Mga dayuhan ang napiling paglingkuran
Sariling bayan ay mukhang tinalikuran
Bagong bayani nga ba ay dapat tularan?
Kung tiwalang uunlad ang bayan ay tinalikuran

Sa ibang bansa nga lang ba?
Walang kakayahan nga ba ang bansa?
Pero pagdating ng oras na ginahasa
Sa sariling bansa ka pa rin magpupunta




Pamilya ay Pamilya
March 5, 2014 at 3:13am
NI: Arvin C. Manhangin

Isang pamilya
Dalawang magulang
Tunay na nagmamahalan
Sa iisang bahay sila nagsasama

Isang magandang biyaya
Pagkakaroon ng isang anak
Pero labing dalawang anak
Ay labis na biyaya at responsibilidad

dapat panatilihin buo sa puso
Dahil ito ang pinagsimulan mo
Lahat ng ikaw ay utang dito
Tagumpay mo ay ialay rito

Mawala man sa landas
Magkaroon man ng sariling buhay
Ang dating pamilya pa rin
Ang nariyan para itaas ka




Nagliliyab na Tindahan
March 5, 2014 at 3:06am
NI: Arvin C. Manhangin

Sa bawat kanto ng kalsada
Makikita maliliit na tindahannasusunog
Naglalabas itim na usok
Dinudumog ng sinumang magdaan dito

Gamit lang ay uling
At pamaypay na panghangin
Para maitim na uling ay magbaga
Upang maluto ang kahit anong nais

Maraming taong tumatangkilik
Sa isaw, barbeque, paa ng manok
Masarap na pampulutan
Pangmiryenda'y masosolve kang tunay

Mga pagkain kontrobersyal sa lipunan
Dahil umano ito'y madumi't masama sa kalusugan
Ngunit mga tao do papipigil
Lalo na kapag naisawsaw na sa sukang may sili




Unang Taon sa Accountancy
March 5, 2014 at 2:57am
NI: Arvin C. Manhangin

Ang lahat ng ating pinagdaanan
Magbubunga na, ilang araw na lang
Isa sa apat na taon ay magwawakas na
Sa kurso nating Accountancy, di pangkaraniwan

Di pa pala magtatapos
Sapagkat summer sem pa ay humahabol
Dagdag na subject para sa atin ay tulong
Kaunting tiis pa pala kung gayon

Mga alaalang nagpaluha satin dapat manatili
Tulad ng 58 na marka sa quiz
Markang ngayon lamang naranasan
Idagdag pa ang 69 at 78 sa mga long test

Pagkakataon may tayo'y ibinabagsak
Satin dapat ay para maging wala lang
Dahil hindi pa tapos ang lahat
Sa Marso 12 pa ang huli paghahatol




Mama Mamaw
March 5, 2014 at 2:47am
NI: Arvin C. Manhangin

Sa hatinggabing paguwi
Sasalubong sayo mga matang nanlilisik
Matinding takot unti-unting babalot
Sasabayan pa ng ingay na nakapangingilabot

Yung pala'y si Inay
Na kanina pa naghihintay
Gising pa para sa simba
Ikaw lang ang makikinig

Ikaw na ang mali
Ikaw pa may ganang magalit
Kapakanan mo lang ang iniisip
Dahil kalsada ay puno ng lagim

Matutong sumunod at makinig
Sapagkat siya'y marami ng karanasan
Siya ang nakaaalam ng makabubuti
Sabi ng nila'y 'Mother knows best'




Paglalakbay ng Buhay
March 5, 2014 at 2:36am
NI: Arvin C. Manhangin

Natuto na magbasa
Maundo'y tinutuklas na
Nangangarap na para sa kanya
Nakikisama't makikisalamuha pa

Darating na mga tagumpay
Bunga ng pagsunog ng kilay
Lahat ng nais ay binibigyang kulay
Pagkat ito'y simula pa lamang ng buhay

Lahat ay para sa sarili
Paghihirap sa mga pag-ani
Para rin sa kanyang lahi
Ipagpatuloy ang buhay ng may kahati

Biglang lahat ay guguho
Sarili't lahat ng binuo
Nalugmok na kasama ang baso
Hinahanap dahilan bakit napako

Walang mapuntahan
Sapagkat walang pinupuntahan
Nariyan pamilya't kaibigan
Taga-pagtanggol mo sa kahirapan

Di mawawala ang sunog
Kung walang bomberong tutulong
Di aandar ang gulong
Kung walang hahawak ng bilog





















Handa Ka Ba sa Handaan?
March 5, 2014 at 2:20am
NI: Arvin C. Manhangin

Ngiting abot langit ang sasalubong sayo
Lahat ng tao ay nagaawitan
Ang hapag-kainan ay puno ng masarap
Para sa araw na kanilang inaabangan

Ilang beses lamang kung maghanda
Para sa kaarawan, binyag o kasal man
Sa tagumpay man sadyang pinaghirapan
Lahat ay nandyan bilang taga-suporta

Isang espesyal at mahalaga pagtitipon
Lahat ng tao ay nililipon
Mapa-simple o malaking handaan man
Walang tatanggi basta imbetado

Labis na pinaghahandaan
Sapagkat nagpapakita ng kabutihan
Sa mga kapitbahay na tunay
Kulturang naitatak na sa ating bayan



Magulang Ko'y Bintana
March 5, 2014 at 2:07am
NI: Arvin c. Manhangin

May dalawang klaseng bintana
Ang isa ay malinaw
Isa naman ay malabo
Magkaiba man ng katangian pero bintana pa rin

Sa malinaw na bintana
Totoong mundo'y pinapakita
Ipinaparanas ang tunay na kapaligiran
Maganda man o pangit

Bintanang malabo naman
Paligid ay itinatago sa tao
Para na rin proteksyon
Laban sa kalupitan ng mundo

Dalawang klase sila'y ituring
Ngunit pareho lamang ang ninanais
Para sa kabutihan ng taong naninirahan
Na sila rin ang may gawa




McDO = Jollibee
March 5, 2014 at 1:56am
NI: Arvin C. Manhangin

Bata palang sa kanila'y naakit na
Pati ang pag-aaral ay apektado na
Mataas na marka sila'y makukuha
Kaya nag-aaral mabuti para sa kanila

Ang McDO labis kong minahal
Sa sundae pa lamang ay ayos an ayos na
Ipares pa sa fries na mainit at mahaba
Dahil sa kanila araw ko'y buong-buo na

Isa pa ang Jollibee
Na may malutong na chickenjoy
Itabi pa sa spaghetti punung-puno ng sauce
Di mapigilan magbabaon pa ng hamburger

Dahil sa kanila
Kabataan ko ay sumigla
Kaya dala hanggang sa pagtanda
Sila pa rin ang nagpapasaya




Sarili sa Kapwa
March 5, 2014 at 1:45am
NI: Arvin C. Manhangin

Ang bawat tao ay may kanya-kanyang pag-iisip
Di na kailangan alamin kung sino man ito
Basta dapat talagang unang unawain
Na lahat tayo ay magkakaiba ng takbo ng isip

Kung di mo uunawain
Ito'y problema sa pagitan mo at ng iyong kapwa
Dahil kung ipipilit mga sariling ideya sa sitwasyon
Dulot ay magulong usapang matira ang matibay

Subukang ilagay ang sarili sa lugar ng kapwa
Upang malaman mga maaaring epekto
Ng mga salitang lalabas sa bibig mo
Iisa ka lamang sa bilyun-bilyon

Magkakaibang isipan satin ibinigay
Upang matutong magkaroon ng pakialam sa iba
Pagunawa sa kanilay mahirap man
Kailangan ito para sa pakikisama




Pangarap Kong Matindi
March 5, 2014 at 1:28am
Ni: Arvin C. Manhangin

Sa paghahanap ng magandang palabas
Ako ay napadpad sa mga nagtatakbuhan
Na nakakuha n aking atensyon
Karera ng tao'y nakabibilib

Dito nagsmula ang interes ko
Sa iba't ibang isport
Wala man sakin ang katawan
ala naman masama sa pangangarap

Nais kong mauna sa takbuhan
Pati paglangoy gustong pasukin
Sa badminton nais makapag-smash
Makasungkit ng medalya'y inaasam

Mukhang di maaari pero posible
Makasali sa Olympics ang nais
Medalya'y para sa Pilipinas
Isang magandang tagumpay saki'y panaginip




Ugali sa Labas
March 5, 2014 at 1:15am
NI: Arvin C. Manhangin

Sa harapa ng marami
Nais natin tayo'y mabuti
Upang magustuhan ng lahat
Yan ang hinahangad

Tayo'y mga tao
Kailangan ng kakampi
Kaya barkada gusto nasa tabi
Tunay na ugali may ikubli

Di alam na sa sarili ay may mali
Sa kagustuhan ng kasikatan
Sarili ay itinago
Sa mabuting imaheng di naman totoo

Sa mundong puno ng tao
Hindi na mahalaga sino at ano ka
Siguraduhin lang na malinis ang intensyon
At magiging ayos ka sa lahat




Isang Munting Hiling
March 5, 2014 at 1:06am
NI: Arvin C. Manhangin

Isang munting hiling
Sana ako ay di magmimintis
Sa gustung-gusto kong makamit
Kapalit nito'y paghahandang di natitigil

Isang munting hiling
Sana ako'y di magkasakit
Kalusugan ko ay maging mabuti
Kapalit nito'ymasustansiyang pamumuhay

Isang munting hiling
Sana ikaw ay makapiling
Sa pagtanda tayo'y magkatabi
Kapalit nito'y tapat kong pagmamahal sayo

Sa bawat bagay na hinihiling
Walang mangyayari kung puro hingi
Ang kapalit ng bawat nais
Sakripisyo, iyong susi




Para sa Dalawa
March 5, 2014 at 12:58am
NI: Arvin C. Manhangin

Sa mga taong mag-kaaway
Na ang dahilan ay mga salitang di alam kung saan nagmula
Pagkakaibigan ay binalewala
Para sa kanya-kanyang pride na nagpapataasan

Mahirap na kapag nagsalubong
Dahil parang magsasabong
Walang pakialaman na parang wala sa mundo
Sa tindi ng away ang iba ay nadadamay na

Humingi man ng tawad
Sitwasyon di nauunawaan
Para sa taong napagsalitaan ay mahirap limutin
Kaya oras ay pagbigyan

Huwag pakasiguradong wala na talaga
Wala ka pang ginagawa kaya walang magaganap
Kung gustong ibalik pagkakaibigan
Kumilos ka't wag magparinig lang




Tubo Lang Nang Tubo
March 5, 2014 at 12:41am
NI: Arvin C. Manhangin

Puno ng Narra'y minsan tumubo
Sa gitna ng gubat puno ng kapareho
Unti-unting unuusbong mumunting puno
Hanggang sa tumayo't tumibay ng todo

Dumating ang malakas na unos
Maraming napatumba, ilan ay naubos
Ngunit sila ay nanatili sa ayos
Kahit nalahat ng dahon ay naagos

Sila'y tulad na mga taong matitibay
Nadaanan man ng bagyong nakamamatay
Lakas ng loob pa rin ay sumsabay
Sa pagragasa ng tubig na tumatangay

Lahat ng pagmamay-ari ay nawala
Maging ilan sa pamilya ay lumuluha
Nabuhay at unti-unting tatayo
Sapagkat buhay ay di pa tapos para sayo




Turo Ni Ama
January 6, 2014 at 1:20am
Ni: Arvin Manhangin

Malaking utang na loob ang maisilang sa mundo
Na mayroong ama’t inang nagmamahalang totoo
Lahat para sa kanila’y ibibigay buong puso
Lahat ng magandang bagay ay ituturo sa iyo

Ngunit nananatili ba tong pagibig na pangpamilya
Kung si ama’y mayroonng kinagigiliwang iba
Nilalaanan ng oras, ginagastusan ng pera
Bisyong kanyang sinasamba kami’y pinagpalit niya

Pagpapausok ay wala,sa paglaklak ibinuhos
Sa kanya ay pampatulog, sa amin naman ay sakit
Hindi siya natutulog at di rin nagpapatulog
Puro sakit sa damdamin puro pighati’t pahirap

Kaya naman bata pa lang alak wala nasa isip
Buhay ko’y ayaw matulad sa kanyang hindi pagunlad
Nawala pagiging ama pamilya’y naging mahina
Bisyo’y di tunay na saya, turo to ng aking ama




Pagsubok ay Para Sa Sarili
January 6, 2014 at 1:25am
Ni: Arvin Manhangin

Isang anak na nilisan ng ina
Isang matandang nilimot ng pamilya
Isang inang nawalan ng bata
Isang asawang pinagpalit sa iba

Sakit na dulot ay di malimot
Yung parang gusto mo na magpugot
Lahat ng alaala ay kumikirot
Buong mundo’y tumigil sa pagikot

Buhay ng tao’y di ganoon kadali
Problemang ito’y hindi ka pinili
Sinusubok nito katatagan ng sarili
At kakayahang bumangon muli

Sa buhay, sarili ang unahin
Sapagkat hinding hindi ka nito lilisanin
Pamilya’t kaibigan may nariyan para ika’y mahalin
Di mo alam hanggang kalian nila ito kayang gawin




Si Pangako Pako
January 6, 2014 at 1:27am
Ni: Arvin Manhangin

Patawarin mo na ako
Di na mauulit pangako
Mga salitang madalas mapako
Ng nagkasalang dapat ilagay sa sako

Ilang beses ba dapat patawarin
Sa kasalanang siya’y nagging salarin?
Pagpapatawad ba’y dapat sulitin?
Saysay ba ay di na dapat isipin?

Lahat tayo’y tao lamang
Nagkakamali rin ang magalang
Pangalawang pagkakataon ay igalang
Kaya iba’y nagpapatawad na lang

Sino man ang nagkasala
Karapatang manghusga’y wala
Pagbabago ay isang himala
Lahat tayo’y pwedeng muling magsimula




Tao Ka Pa Nga Ba?
January 6, 2014 at 1:22am
Ni: Arvin Manhangin

Puno’t halaman,bunga’t bulaklak
Tubig at araw tunayna galak
Tayo ay tuod, kaya aywala
Sariwang hanginhandog sa madla

Baka’t baboy, isda’tmanok
Tubig at dahon tunayna galak
Kaya ay kulang,salita’y wala
Karneng masaraphandog sa madla

Matanda’t bata,asawa’t anak
Pera’t materyal tunayna galak
Talino’y taglay,lahat pasado
Dumi’t polusyonhandog sa mundo

Delubyo’t bagyo parusa’tganti
Sangkatauhangmakasarili
Isipang ganid,isipang salat
Mundo’y di satin, ito’ysa lahat




Tunay Na Ikaw
January 6, 2014 at 1:11am
Ni: Arvin Manhangin

Sa iba’y maganda
Sa iba nama’y pangit
Mayroong purong kabutihan
Mayroon din namang kasamaan

Lahat tayo mayroon nito
Ngunit iba-iba sa bawat tao
Ito’y depende sa karanasan
Sa buhay na kinaginasnan

Ipakita tunay nakulay
Huwag ikubli di kaayaaya
Di masamang magpakatotoo
Sa isang mundong mapanghusga

Mabuti na mahalin ka
Sa kung ano at mayroon ka
Kesa naman sa kung anong wala
At hindi tunay na ikaw







Pangako

Pangako
ni Arvin Arguelles

Kayraming umasa
Kayraming binigo
Sa simpleng pangakong
Lahat ay napako

Mahal pangako man
Ika'y di iiwan
Hanggang ang hininga'y
Malagot tuluyan

Araw ang nagdaan
Buwan ang lumipas
Ang simpleng salita'y
Tila kumukupas

Taong nasasaktan
Tanong sa isipan
Mahal ko, mahal ko
Pangako'y nasaan





Pananabik

Pananabik
ni Arvin Arguelles


Sa tagal ng paghihintay
Araw, oras laging bilang
"Konting pagtitiis na lang"
Ang syang bulong sa isipan

Sabik nakong masilayan
Ama't ina kong mahal
Na walang ibang insip
Kundi aming kapakanan

Sabik na muling malanghap
Dampi ng hanging sariwa
Sa tuwing mararamdaman
Tyak pagod ay maiibsan

Sabik na muling madinig
Ingay ng puno't halaman
Na animo'y isang tinig
nitong inang kalikasan

Sunday, March 2, 2014

Pilipino ka ba?

Pilipino ka ba?
Akda ni Meicah Allaine M. Tangliben

Pilipinas, aking bayang sinilangan
Mayamang kultura aking nakagisnan
Dugong Pilipino saki’y nananalaytay,
Ito’y aking dadalhin sa habambuhay.

Pagiging pilipino’y ano nga bang batayan?
Ano nga bang pamantayan o sukatan?
Gaano ka nga ba ka-Pilipino?
Minsan ba'y naitanong mo sa sarili mo?

Kung ako ang inyong tatanungin,
Mga dahila’y mahirap hanapin…
Hindi dahil moreno ka'y Pilipino ka na.
Hindi dahil nag-ta-tagalog ka'y Pilipino ka na.

Ang pagiging Pilipino ay nasa puso…
Hindi sukatan ang panlabas na anyo…
Ang pagiging Pilipino ay ang pagmamahal sa iyong bayan…
Ang pagmamahal sa ating bansa, ang PILIPINAS.

internet

internet
akda ni Meicah Allaine M. Tangliben

Ang internet ay makapangyarihan
Daig pa sa bilis ang kidlat sa kalangitan
Ito’y instrumento ng makabagong teknolohiya
Na malaki ang naitutulong sa masa

Impormasiyong inilagay dito,
Maaaring mabasa ng kahit sino.
Ang internet nga ba ay mabuti o masama?
Nakakatulong o nakakasira?

Ang gumamit nito’y isang malaking responsibilidad
Tayo ay dapat maging maingat
Huwag sanang maglagay ng kung ano ano
Sanay mag-isip naman lahat tayo

Ilagay lamang ang totoo.
Ilagay lamang ang tama.
Huwag maging loko-loko.
Huwag maging mapanira.
Dapat pala’y hindi na bumalik,
Wag nang hanapin ang matamis mong halik.
Iyong mahigpit na yapos ay lilimutin,
Aking yayakapin na lamang ang hangin…

Gumuhong Paraiso

Gumuhong Paraiso
akda ni Meicah Allaine M. Tangliben

Pag-ibig ay natutunan dahil sa’yo
Naramdaman sa’yo, pamamahalang totoo.
Saya ay tila ba walang hanggan…
Tunay na pag-ibig, ikaw ang nagbigay kahulugan…

Bawat segundo aking tinatamasa,
Tila nasa paraiso pag ika’y aking kasama…
Kahit ilang bundok aking aakyatin,
Upang sa iyong tabi, ako’y makarating…

Aking akala, lahat ay perpekto na.
Ngunit wala nga palang perpekto, ika nga nila…
Ika’y naglaho sa isang iglap…
Para bang ako’y nilaglag mula sa mga ulap

Masakit. Mahapdi. Sakit ay 'di nawawala…
Madalas nahuhuli ang sariling nakatulala…
Pait ng kahapon ay dama hanggang ngayon
Mula sa pagkalugmok ay kailan kaya makakaahon?

Ang dating paraiso ay biglang nagdilim…
Dating mga bulaklak, ngayo’y naging tinik…
Sa tuwing ito’y babalikan, ako’y nasasaktan…
Bumabaon mga tinik na aking naaapakan…

Ako'y May Dalawang Anghel sa Langit

Ako'y May Dalawang Anghel sa Langit
akda ni CATHERINE JARDELIZA

Tama ako, na darating ang araw na ito,
mistulang babalik ang mga pangyayari
Tama ako, na minsa'y maaalala
ngunit wala rito ang mapagkekwentuhan

Dalawang taong naging parte ng mundo,
ng mundo ko, ng mundo namin,
Hindi inaasahan, hindi man parating kausap sila noon
Bakit napapaiyak nila ako ngayon

Pasensya kung malabo, hindi naiintindihan,
dahil sadyang may mga bagay na tanging sarili lang,
ang makakaintindi
tanging sarili lang


Ako'y may dalawang anghel sa langit,
na parang kailan lamang sa lupa, ay naglalaro ng sipa,
araw-araw na nakikita,
ngunit ngayo'y imposible na yata

Dangal Ma’y Nasusugatan Din

Dangal Ma’y Nasusugatan Din
akda ni Jimlas Giddel R. Pacia

Pilit ninyong inangkin
Lupa at teritoryo namin
Kung inyong mamarapatin
Kami’y mga tao rin

Lubos na pagpapahirap
Ang aming hinarap
Labis na kahihiyan
Ang aming naranasan

Nalipol ang karapatan
Nang dahil sa kapangyarihan
Inabuso ng may kakayahan
Ang may kababaan

Hinagpis ng nakaraan
Dulot ng mga dayuhan
Minsang nasugatan
Dangal ng mamamayan.

Saturday, March 1, 2014

Ang Buhay

Ang Buhay
akda ni Catherine Algario

Ang buhay na minsang hinangad ng iba'y perpekto
Isang pantasyang nabuo mula sa kanya-kanyang kuwento
Inaasam na minsa'y maging isang himala
Ang makaahon sa kanilang kinasadlakang dusa

Ang buhay ay hindi lamang nauukit sa tala
Na sa tingin mo'y malayo't mahirap makita
Ang buhay ay nasa iyo at ang buhay ay ikaw
Sa iyo nakasandal ang pundasyon sa bawat araw

kung tutuusin ang buhay ay di ganoong kagulo
Ikaw lang ang sumisira kaya't naging kumplikado
Mahalin mo ang buhay sapagkat ikaw ay iyan
Magpasalamat sa biyayang ika'y pinalad bigyan

Ang buhay na minsan ay di napahahalagahan
Ang buhay na minsan din ay kinasisihan
Ang huminga at mamumuhay na kinikilala SIYA
Ay ang buhay sa piling ng mahal at nagmamahal sa kanya

Ang Pamana

Ang Pamana (ni Catherine Algario)

Higit sa koronang ipinapatong sa ulo
Ay ang karangalang dala ng ipinamana sa’yo
Taglay ang ngalang malinis na ipinangalandakan
At katumbas na dignidad na matagal iningatan

Pamana ng ama’y dugtong ng kanyang ngalan
Apelyidong noon pa ma’y pinangangalagaan
Upang huwag mabahiran ni patak ng dumi
Yamang ipapasa ng susunod na salinlahi

Ang sa ina nama’y ang ginintuang kamay
Na siyang mag-aalaga at patuloy na gagabay
Haplos na banayad, may mahikang taglay
Pamanang aariin ko habang nabubuhay

Kami ma’y nagdarahop ay may kayamanan din
Gintong malinis, sino ma’y di kayang nakawin
Hindi palasyo, sasakyan, pera o karangyaan
kahit diyamante’y di kayang matumbasan

Kalye'y Tahanan

Kalye'y Tahanan
akda ni Arvin Arguelles

Sa araw ay sa lansangan
Lata ay nasa harapan
Nanlilimos sa dumaraan
Sagot sa pagkalam ng t'yan

San man abutin ng gabi
Sa kalsada ay tatabi
Ilalatag kartong dala
Lamig ay di alintana

Ingay ng mga sasakyan
Pati na rin ng dumadaan
Kahit anong himbing ng pagtulog
Walang hindi mabubulabog

Kahit simpleng tahanan
Ito'y piliting makamtan
Upang pamilya'y may kanlungan
Sa araw araw na nagdadaan

Ulila ng kahapon

Ulila ng kahapon
akda ni Catherine Algario

Minsang ikinabuhay ang puno'y itumba
Gagamitin ang salapi pangbuhay sa pamilya
Ibebenta panggatong sa bayan sa ibaba
Uling, o kahoy ma'y panggamit din kaya

Pag akyat sa bundok ay naging madalas
Tangan ang tabak, malaki't matalas
Pagkita'y ko'y luminis, araw na minamalas
Wala ng matanaw, wala ng punong magapas

Dumating ang araw na siya kong kabayaran
Napakalakas na bagyo kami'y tinamaan
Nadatnan ang pamilya, hininga'y nalagutan
Saksi ang mata ko sa delubyong naranasan

Labis na nangulila at nagsisi bigla
Buhay pala ang kapalit ng aking nagawa
Ang pamilyang inalayan ko ng aking lahat
Ngayo'y nawala sa isang segundong iglap

Ako'y muling bumalik sa dating tagpuan
Hindi para sumira kundi upang tamnan
Ang bundok na minsan kong sinira't pinatay
Pagtatanim na ang bagong ikinabubuhay