Lazada

Wednesday, September 4, 2013

"KAIBIGAN" ni Caroline Abejero

"KAIBIGAN" ni Caroline Abejero











Nung una takot akong magkaroon ng kaibigan
Sabi ko sa'king sarili," di ko sila kailangan
Kaya kong mabuhay sa mundong ito ng mag-isa",
At kailanman hindi ako sa kanila aasa

Subalit sadyang mapagbiro ang ating tadhana
Nakilala ko ang mga taong kahanga-hanga
At iba-iba man ang aming mga kinagisnan
Di maitatago ang aming magandang samahan

Dati di ko alam ang kahulugan ng kaibigan
Pero mas higit pa pala sila sa kahulugan
Sila ang makakasama mo sa saya't problema
Lalong lao na sa lungkot na iyong nadarama

Di ko man sila ngayon nakikita at kapiling
Alam kong pare-pareho kami ng mga hiling
Ang magkita-kita at magkasama-sama kami,
Magkwekwentuhan't sabay kakain ng mami.

2 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Sol, Herman L .
    BSED SS 1-1N

    -- Napakaganda ng iyong ginawang tula ,
    habang binabasa ko itoy akoy napatulala .
    Dati ay ganyan din ako , yung iniisip ko na
    di ko kailangan pa ng kaibigan subalit nang kalaunan
    ay nagbago ito , Napagisip isip ko na kay saya pala ng
    buhay kung ikaw ay may mga tunay na kaibigan , Mga Kaibigan na handa kang tulungan sa mga problemang pinagdadaanan at kasama mo sa lungkot at kasiyahan . :))

    ReplyDelete