Lazada

Thursday, September 5, 2013

MgaAnghel sa aking Mundo

MgaAnghel sa aking Mundo
Ni: Lovely Anne Empig

Sila ang anghel sa aking buhay,
Handang pumrotekta at gumabay.
Lahat ay kanilang ibibigay,
Kahit minsan sila’y aking sinusuway.

Sila’y aking inspirasyon,
Aking sandalan sa lahat ng pagkakataon.
Ang mga taong handa akong ibangon,
Mula sa aking pagkakabaon.

Aagos ang luha sa aking mata,
Lakas ko’y mawawala,
Maglalaho nag pag-asa,
Kapag sa akin sila ay nawala.

Walang papantay sa kanila,
Dahil sila ang aking buhay at saya.
Ang manakit sa kanila’y aking mapapaslang,
Dahil sila ang pinamamahal kong MAGULANG.

1 comment:

  1. Alvin Bravo mula sa BSA 1-34
    Ang ganda ng pagkakagawa. para talaga sa mga anak na nagmamahal sa kanilang mga magulang. Inspirasyon natin sila habang tayo ay nag-aaral nais natin silang maahon sa buhay.

    ReplyDelete