Maghihintay pa rin
ni Ma. Blessie Carmel O. Armada
Gaya ng luntiang punong nalanta
Nalumang mga salita ng isang kanta
Tulang hindi tinapos ng isang makata
Ang luhang gumuguhit sa mga mata
Tinatanaw ang masasayang alaala noon
Na tila ba binubura ng panahon
Ngunit mananatiling nandoon
At patuloy na umaasang siya pa rin ay naroon
Maaring paghihintay ay hindi na dapat
Ngunit tiwalang siya`y magbabalik ay hindi magiging salat
Dahil magbago man ang lahat- lahat
Hinding hindi ang pag-ibig na tapat
Oras, Araw, Buwan, at Taon man ang lumipas
Makalimutan man ng isip ang nakaraang lumipas
Patuloy pa ring hihintayin ang bukas
Para sa pangakong hanggang wakas
maganda ang pinahihiwatig ng mensahe,makatotohanan
ReplyDeletemaganda ang tula at nanggaling ito sa puso ng lumikha :)
ReplyDeleteAng lupet ng tula kasi medyo tinamaan ako sa mga sinabi nya. sa totoo nga eh sapul talaga. ang galing:) pero kahit siguro hindi ako tamaan eh maganda pa rin ung pagkakagawa:)
ReplyDeleteMahusay po ang pagkakagawa ng tula, makatotohanan at mararamdaman mo yung mensahe kaya saludo po ako sa may akda ^_^
ReplyDeleteRamdam ko yung pinahihiwatig. Ang sarap talaga magbasa ng mga ganto ramdam mo yung wakas na pag-ibig :)
ReplyDelete