Lazada

Friday, September 6, 2013

Ang Problema sa Buhay

Ang Problema sa Buhay
ni Anjanette C. Diaz

Sa ating buhay, hindi tayo nawawalan ng problema. Ang iba'y tungkol sa pera, pag-ibig, paaralan, trabaho o kaya naman ay sa pamilya. Sa bawat problema ay may kanya-kanyang solusyon. Sabi nga nila, hindi tayo bibigyan ng panginoon ng problemang hindi natin kakayanin.
     
Ang problema sa buhay ay parang pagsubok para mabuhay. Sa bawat pagsubok, tayo ay natututo at tumatatag. Ito rin ay nagbibigay sa atin ng mahahalagang aral at ekspiryensa na sa ati'y tumatatak. Ang bawat hamon natin sa buhay ay hindi natin kakayaning mag-isa. Kailangan natin ng pamilya,  kaibigan o taong nagbibigay sa atin ng lakas dahil sa panahon na tayo'y nanghihina, kailangan natin ng sa ati'y susuporta at magtitiwala. Isa pang kasabihan na ang problema, lumilipas din yan. Walang permanente sa mundo dahil ang tanging permanente ay pagbabago. Naniniwala ako na anumang uri ng tao ay may problema sa mundo, mahirap man o mayaman.
     
Ang problema ay hindi dapat dibdibin, ito ay dapat nating harapin. Sa bawat aral na ating nakukuha, gamitin natin ito sa maayos na paraan upang makatulong sa atin. Lahat ay kakayanin kapag ang pamilya at minamahal natin sa buhay ay nariyan sa ating tabi.

No comments:

Post a Comment