Sampung Taon
ni Alvin Bravo
Sa haba ng paglalakbay
Sipag at tiyaga aking inalay
Edukasyon ang magiging tulay
Sa ikalawang yugto ng aking buhay
Pamilya ko ang inspirasyon
Payo nila aking baon-baon
Sila ay aking iaahon
Apat na taon mula ngayon
Matamis na prutas aking kukunin
Sa puno nito ay pipitasin
Sarap nito'y aking lalasapin
Bibilhin ano mang naisin at gustuhin
Itatayo magandang pangalan
Alvin Bravo na may karangalan
Sa bansang aking kinalakihan
Ibubuhos aking kagalingan
Allen Joy M. Dimacali, BSA 1-36 :)
ReplyDeleteNapakaganda ng kahulugan ng tulang ito. Dapat itong maging motivation ng lahat ng estudyanteng katulad ko. College man o high school.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteMelbert Japitan , BSA1-36
ReplyDeleteIsa sa mga magagandang tula na aking nabasa.Sana'y mabasa din ito nang ibang tao dahil sa napakagandang aral nito..Muli ay binabati ko ang sumulat nito ..
salamat po
DeleteMahusay at napakaganda ng tulang ginawa. Napakaganda ng mensaheng pinapabatid para sa lahat ng kabataan. Mensaheng magbibigay motibasyon na mag-aral ng mabuti. MAlUgod na pagbati para sa lumikha ng tulang ito na nakakapanghikayat upang tayo ay magpursige sa buhay...
ReplyDelete-CLARICE H. VERGARA
-BSEDMT 2-1N
Napakaganda ng iyong tula. Isang instrumento at motibasyon para sa kabataan ang iyong isinaad sa iyong tulang ginawa. Magandang modela lalu na para sa mga kabataan. Naway magsilbing inspirasyon ka sa lahat. Napakahusay mo!
ReplyDeleteIsa pong masayang pagbati sayo. Ang husay ng pagkaka-gawa ng iyong tula, yung mga salitang ginamit ay magkakatugma, nakakahanga kapag binabasa at napakaganda sa pandinig. Maganda rin ang kabuuang mensahe, akmang-akma sa kabataan ng kasalukuyang henerasyon. Sana nga lang ay magkaroon ang lahat ng pagkakataon na makabasa ng ganitong uri ng tulang magbibigay ng inspirasyon sa lahat upang mapahalagahan nang lubos ang kanilang pag-aaral. Sana'y ipagpatuloy mo pa ang paggawa ng magagandang likha tulad nito.
ReplyDeleteMagaling ang pagkakagawa. Isang tula na sumasalamin sa ating mga kabataan na nag aaral. Nagbigay ng isang motibasyo at inspirasyon sa akin. Kay sarap isipin na sa bawat yugto ng ating pakikipagsapalaran sa araw araw ay hindi ito mawawalan ng saysay. O kay ganda ng tula na nagpalakas pa lalo sa aking kalooban.. Mabuhay ka!
ReplyDeleteJohn Rey Peña mula sa BSA I-34,
ReplyDeleteSa aking palagay, maganda ang tula na iyong ginawa. Sabe nga ng iba bihira lang ang magkaroon ng sapat na edukasyon. Lalo na at sampung taon at higit pa ang igugugol mo para makamit ang hangarin mo .. ang tulang ito ay nagpapaalala sa atin na kahit anung hirap o kahit anung haba pa ng panhaon ang ating gugugulin ... sa pamamagitan ng sipag at tiyaga .. makakamit natin ang ating tagaumpay na pinapahiwatig mismo sa tulang ito .. Salamat sa tula mo at nabuhayan ang iba na mag-aral :)
Alvin Bravo mula sa BSA 1-34
ReplyDeletePabago po ng titulo. Apat na taon po talaga yan.