KALAYAAN?
Ni Daryl Ansano
Sa mga nagdaang taon
Mga mananakop tinutugon
Taga Hapon, Amerika at Espanya
Mga pananakop nila’y ulang walang tila
Ang daming nangyari
Ang dami ring naghari
Inabusong mga Pilipino
Sa panahong maraming namumuno
Ngayon tayo’y makabago
Wla ng nampupugo
Ipagdiriwang ang kalayaan
Ng mga bayani’y napagtagumpayan
Hindi nagmamahal sa sariling wika
Gustomg ,angibang bansa
Sa sinasabing kalayaaan,
Sa tingin mo, mayroon ba talaga tayo niyan?
MACALALAD, Miko B.
ReplyDelete"Sa tingin mo, mayroo ba talaga tayo niyan?"
Natapos na ang pagsakop sa atin ng mga Espanyol, Hapon, Amerikano, ngunit pakiramdam ng sumalat at pakiramdam ko rin ay hindi pa rin tayo lubusang malaya. Ito na ang tinatawag na makabagong pananakop o "neo-kolonisasyon". Di man tayo tuwirang sinasakop ng mga makapangyarihang bansa, sa tingin ko ay nakaiimpluwensya pa rin sila sa desisyon ng ating pamahalaan na dapat ay kapakanan ng mga Pilipino lamang ang iniisip. Nariyan na rin ang pangungultura at mga dayuhang pautang. Nakaalis man tayo sa kalupitan ng mga mananakop, hindi pa rin natin lubusang natatamasa ang kalayaan na siyang ipinaglaban ng ating mga bayani at kababayan hanggang sa kanilang kamatayan.