Lazada

Tuesday, September 10, 2013

Paghanga Lamang

Paghanga lamang
ni Kenneth John Larcena

Ano itong saya na aking nararamdaman
Sa tuwing ikaw ay aking namamasdan
Masdan man ang bituin sa kalangitan
Nangingibabaw pa rin iyong kagandahan

Isang babaeng tunay na masaya
Sa Panginoong Diyos rin ay malapit siya
Sa tuwing siya'y ngumingiti't tumatawa
Ay naniningkit kanyang mga mata

Alam ko namang walang patutunguhan aking nadarama
Mabuti pang ito'y manatili lamang sa paghanga
Ikubli ang aking labis na nadarama
Tanggap kong wala akong magagawa

Ako rin ay labis na nangangamba
Baka sa sarili niya, may gusto siyang iba
Ngunit para sa akin siya lang talaga
Sa puso ko, pagmamahal muling ipinadama

2 comments:

  1. ang galing tama sya. ganyan ako eh. :)

    ReplyDelete
  2. Isang babaeng tunay na masaya
    Sa Panginoong Diyos rin ay malapit siya
    Sa tuwing siya'y ngumingiti't tumatawa
    Ay naniningkit kanyang mga mata

    Ganto din ung nagugustuhan ko ngayon, isa siyang christian and tuwing nangiti siya or tumatawa, naliit ung mata niya hehe :3

    ReplyDelete