Likas Na Magalang
ni Sharmaine Joy Narciso
Ugali na ng mga bata
Ang humalik sa kamay ng mga matatanda
Lalo na pag matagal nang di nagkita
Bilang paggalang na din kina Lolo at Lola.
Madalas mo din itong makita
Kapag dumating mga tito’t tita galing sa misa
Kamay ay agad hinihila
Upang mabendisyonan din mga munting bata.
Ang paghalik sa kamay ng mga matatanda
Ay pagpapakilala ng kabutihang asal
Turo ito ng ating mga magulang
Upang tayo’y maging magalang.
Ang ganitong kaugalian
Siguradong sa Pilipinas lang makikita
Dahil tayong mga Pinoy
Ay likas na magalang tuwina.
Chriza Louise E. Cruz BSA 1-36 Maganda po ung tula .. Sa pamamagitan nito napapaalala satin na dapat nating panatilihin ang ating pagiging magalang sa mga nakakatanda at sa ating kapwa. :D
ReplyDeleteDivina Shiane D. Pastores BSA1-36
ReplyDeleteAng tulang 'to ay isa sa nakapukaw na aking atensyon. Maganda ang mensahe ng tulang ito. Sa tulang ito ipinakita ang kaugalian ng mga Pilipino. Ang pagiging magalang ay tatak ng mga Pilipino kaya dapat natin itong panatilihin at huwag kakalimutan. :)))