Tahanan
Ni Daryl Ansano
Hindi lang gamit bilang silungan
Tuwing may kalamidad
Natitirahan araw-araw
Tinatawag itong tahanan
Malaki o kaya’y maliit
Mayroon din sa gusali
Tinatawag dito’y tahanan
Pagkat mayroong pagmamahalan
May mga miyembro ng tahanan
Ama, ina at mga anak
May masasayang karanasan
At iba pang mga emosyon
Maraming pangyayring nagaganap
Masaya man o malungkot
Mga emosyong nailalabas
Sa loob ng tahanan
Mapalad ako dahil ako'y nasa isang tahanan. Habambuhay ko itong ipagpapasalamat dahil hindi lahat ay nakakatira dito. Dumadami na ang nakatira sa bahay. At ang mas nakalulungkot ay naipapasa pa ito sa susunod na henerasyon. Hindi natututo ang ibang tao na pahalagahan ang pamilya.
ReplyDelete