“Kate Mahal”
ni Karina Crisanta M. Fontanilla
Natakot ako sakanya nung una
Sa mga sulyap at pananalita niya
Malakas ang boses na tila ba galit
Mga ngiti na aakalain mong pilit.
Iniiwasan kong magtagpo ang landas namin
Baka ako nga’y kanyang awayin
Ngunit sa pagdaan ng mga araw, linggo at buwan
Nakabuo kami ng isang matatag na samahan.
“Ganda” yan ang una naming tawagan
Hindi ko alam ngunit magaan ang aking kalooban
Kay tamis ng kanyang mga ngiti
Halakhak niya’y nakakahawa palagi.
Kapag may problema siya’y madaling lapitan
Hindi ipagkakait ang sandaling ika’y kanyang payuhan
Dahil ang tunay na kaibigan
Makikita lamang sa oras ng kagipitan.
No comments:
Post a Comment