Batang Lansangan
ni Bon Weslly G Paguinto
Minsan sa aking pag-uwi galing sa eskwela
mga batang kalye ay aking nakita.
Punit ang mga damit at walang sapin pampaa,
Nagpapalakad lakad sa kalsada.
Nasan kaya kanilang nanay at tatay?
Na sa kanila dapat ay gumagabay.
Tila sila'y pinababayaan na lamang,
Hindi na iniintindi ng kanilang mga magulang.
Silay nagpapasabit-sabit sa mga sasakyan
Tila di alintana ang panganib sa lansangan
Makalimos lamang ng kakaunting barya,
na sa kanila ay napakahalaga.
Ang mga payat at musmos nilang katawan,
ay maagang nabanat ng dahil sa kahirapan.
Kanilang mga karapatan ay tila nawala,
Dahil sa kanilang pagiging dukha!
Tila kaylupit ng ating lipunan,
Para sa tulad nilang mga batang lansangan.
Mga batang maagang nagtrabaho,
Upang mabuhay dito sa mundo!
Keezzia Ivelle N. Catayoc
ReplyDeleteBSEd SS 1-1N
Ang tula ay sumasalamin sa realidad ng buhay sa ating bansa, na ang kahirapan ay walang pinipili, matanda man o bata. Dumarami na ang mga katulad nila ngunit kahit kapwa natin Pilipino ay walang malasakit sa kanila. Imbis na ang magulang ang magtaguyod sa kanilang anak, naiiwan ang responsibilidad sa kanilang anak.
tama ka Joshua
DeleteNazarethe Panganiban
ReplyDeleteBSEDMT2-1N
Isang katotohanan. Nakakalungkot lang isipin na maraming mga bata ang naghihirap sa lansangan habang ang ibang pinuno ay nagpapakasaya gamit ang kaban.ng baya. Tsk
Danica G. Divinagracia
ReplyDeleteBSEDMT 2-1N
Sang-ayon po ako sa naunang nagkomento, na sinasalamin ng tula ang realidad ng buhay. Tunay na kaawa-awa ang mga bata, sa halip kasi na magpakasaya ay ninakawan sila ng kamusmusan at maagang namulat sa mabigat na responsibilidad na magulang dapat ang gagawa.Kung kaya't ganoon na lamang tayo kaswerte at wala tayo sa kanilang kalagayan.
Wag sana silang kadirian bagkus unawain at tulungan na lamang sa abot ng ating makakaya.
Salamat Danica
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteMa. Blessie Carmel O. Armada
ReplyDeleteBSA 1-36
magaling!
hindi ko inaakalang meron pa palang mga taong nakakakita ng mga sakripisyo ng mga batang lansangan...kasi ang iba mas nakikita nila ang mga mali nilang ginagawa...tunay ngang kaawa- awa ang mga ito dahil ni hindi man lang nila alam kung makakain pa ba sila sa isang araw hindi katulad natin na pagdating sa ating mga tahanan ay handa na ang ating kakainin...gusto ko rin sanang gumawa ng tula na kagaya nito , naghahanap lang ako ng inspirasyon...maraming salamat sa gumawa ng tulang ito dahil hindi lang ako nahikayat na gumawa ng mga tula ukol sa realidad subalit nagpamulat rin sa iilan sa ating mamamayan ukol sa tunay na pinagdaraaanan ng mga batang minsan tinatawag nilang mga madudungis na anak ng kalsada..
May talento ka rin naman
DeleteDaniel Hernandez
ReplyDeleteBSA 1-36
Nakakalungkot kung iisipin, pero ito ang realidad ng buhay. Maging hamon sana ito sa mga kabataan na magsumikap sa pag-aaral ng sa gayo'y maging maganda ang kanilang kinabukasan.
Salamat
DeleteZekhaina B. Castro
ReplyDeleteBSA 1-36
Nakakalungkot ang sinasapit ng mga batang walang inaasahang kinabukasan sa panahon na ito.Nakakainis ang mga pulitikong walang habas na ngungurakot sa kaban ng yaman ng bayan.
Salamat sa panahon
DeleteRamil Sumangil
ReplyDeleteBSA 1-36
Sa kalsada ay hindi nawawala ang mga batang lansangan dahil sa kahirapan ng buhay. Di mo masisisi ito sa gobyerno na may mahirap dahil pinili ng mga mahihrap na manatiling mahirap.
Salamat Ramil
DeleteTunay ngang salamin ng nangyayari sa ating lipunan ang mensahe ng tulang ito. Sadyang hindi patas ang buhay at may mga nagdarahop habang ang iba'y sagana at nagpapakasasa sa yaman. Ngunit, wala rin namang dapat sisihin, kinakailangan talagang magsikap upang makamtan ang kaginhawaan. Kaya lang, nakalulungkot din naman talagang isipin na may mga batang kinakailangang dumanas ng kahirapan sa edad na kung saan sila sana'y naglalaro lamang sa halip na namamalimos at nakikipagpatintero sa mga sasakyan. Salamat sa tulang ito, ibinabalik nito ang mambabasa sa katotohanan ng buhay, malayo sa mamahaling mga gamit, sa mararangyang kasuotan at higit sa lahat, inilalapit nito ang mambabasa sa pakikibaka ng tao upang mabuhay.
ReplyDelete- Marilou Bomediano
BSEDMT 2-1N
Ngayon natin maiintindihan kung gaano tayo kaswerte na mayroon tayong pamilya ta bahay na mauuwian, pagkain na makakain sa araw-araw at kakayahang makapasok sa paaralan. Kaya sana ay huwag nating sayangin ang pagkakataon na ito ng sa gayon balang araw ay makatulog tayo sa mga batang ito.
ReplyDelete- Almira Fullado
BSED SS 1-1N
Josephine Lourdes DG. Abarquez
ReplyDeleteBSA 1-34
Ang mga sinabi dito ay puno ng katotohanan, ito ang realidad sa bansa natin. Tunay na malupit ang ating lipunan dahil sa murang edad pa lamang ng mga batang ito ay marunong na silang magtrabaho, wala silang paki kung delikado man ang kanilang ginagawa basta't ang mahalaga para sa kanila ay kumita ng pera para sa panggatos nila sa kanilang mga pangangailangan. Bata pa lamang sila pero para na rin silang mga magulang na may napakaraming ginagampanan na responsibilidad. Kaya naman maswerte pa rin talaga tayo, hindi na dapat tayo naiinggit sa ibang tao dahil ang mas mahalaga naman ay nakakapag-aral tayo, may nakakain at may tinitirhan.
Joannah L. Singian
ReplyDeleteBSA I-34
Napakaganda ng nais nitong ipahiwatig. Tila isang katotohanan na hinding-hindi natin maikakaila. Maswerte pa rin ang marami sa atin na nabibigyan ng pagkakataon ng ating mga magulang upang makapag-aral. Kaya gawin natin ang mga batang lansangan na ito bilang inspirasyon upang pahalagahan ang tsansang ipinagkatiwala sa atin. Sa tuwing nakikita ko ang mga batang ganito, tila napupuno ng tanong ang aking isipan- Nasaan ang kanilang mga magulang? nasaan ang ating pamahalaan? Kung kaya't dapat nating pahalagahan ang bawat sentimo o pera na meron tayo, dahil ang iba ay naghihirap magkaron lamang ng isa nito.
Joygie Legaspi
ReplyDeleteBSA 1-36
Kung iisipin, madalas karamihan sa atin ay dinadaan-daanan lang ang mga batang lansangan, ni hindi natin sila binibigyan ng pansin o tinitingnan ngunit ang sumulat ng tulang ito'y gising sa katotohanan at iminumulat tayo sa katotohanang ito na patuloy na nagaganap sa mundo--- ang kahirapan.
tama ang ipinapahatid ng tula sa ating mga pilipino. madaming bata na nasa lansangan lamang at hindi sila binigyang pansin ng mga taong dumadaan sa kanilang harapan. ngunit itoy kasalanan ng mga magulang ng mga batang lansangan dahil sila dapat ang nagtatrabaho para sa kanilang mga anak ngunit kung ating titignan walang pakialam ang kanilang mga magulang pinababayaan lamang sila sa lansangan. nakakalungkot isipin na madaming taong makasarili at walang pakealam sa iba...
ReplyDeletetunay ngang di ikakaila mga batang lansangan ay mapapansin. Nakakalungkot isipin ang kanilang mga kalagayan. Kung kaya't tayo ay magpasalamat tayo ay di nila katulad.
ReplyDeleteMaganda ang tula, dahil sa tulang ito mapapagtanto natin na tayo ay maswerte dahil may mga magulang tayo na nag-aalaga, umaaruga at bumubuhay sa atin, nakakapag-aral tayo ng maayos at siguradong magkakaroon ng magandang kinabukasan. Sana ay maisip natin kung paano tayo kapalad kumpara sa mga "Batang Lansangan".
ReplyDeleteArnold Belchez
- BSED 1-1N
isang masalimuot na katotohanan sa ating lipunan !!
ReplyDeleteIsa itong bagay na napakalaking problema sa ating lipunan. Problema na kailanma'y hindi pa nasusulosyonan,at hindi ko alam kung ito ba'y pinapahalagahan. Napakayaman ng Pilipinas ngunit bakit ganto parin? Mga musmos na wala pang muwang ay sumasabak na sa kung anong kaparaanan upang makalikom lamang ng pera na sapat na pangkain para sa kanilang pamilya. Malayang bansa natin ay hindi nila ramdam dahil sa kahirapan, kahirapan na dapat na unang napapansin. Kay lungkot lalo na kung lumaki silang ang buhay ay masalimuot.
ReplyDelete