Pangarap
ni Anjanette C. Diaz
Pangarap ay mithiin,
na sa buhay ay dalangin,
ito ay pinaghihirapang makamit,
upang matamo ang ninanais.
Pangarap na pinaghihirapan,
sana ay makamtan.
Handang magsikap at maghirap,
upang buhay ay gumaan.
Pangarap na gustong abutin,
sana'y maging abot kamay din.
Titulong ninanais,
makakamtan rin.
Tanging hangad ay matupad ang pangarap.
Hindi lang para sa sarili,
kundi para narin sa magulang,
para naring pagpapakita ng paggalang.
Jessa G. Misolas
ReplyDeleteBSA 1-36
09/10/13
Magaling! Lahat naman tayo ay may pangarap na gustong makuha. Sana nga lang pagkatapos ng ilang taon nating pagaaral sa ating kursong kinuha ay matupad ito. Ating pagsikapan ang ating mithiin upang makuha ito :)
Johannah Mae N. Gorne
ReplyDeleteBSA I-36
09/15/2013
Maganda ang iyong tulang ginawa tungkol sa pangarap. Tunay na lahat tayo ay may pangarap, hindi lang para sa sarili natin kung hindi maging sa mga taong nakapaligid din sa atin. Pero tandaan natin na hindi sapat ang mangarap lang, dapat may gawin din tayong mga hakbang para matupad ang mga ito. Ipagpatuloy mo ang paggawa ng mga tula. God bless!!
Nakatutuwang makabasa ng isang akdang tungkol sa pangarap na hindi lamang para sa sariling kapakanan.Nakagagalak isiping talagang napakadami pa din ng mga kabataan na nagnanais na maibalik ang mga sakripisyong ginawa ng kanilang mga magulang para lamang maigapang sila sa pag-aaral.Isang dakilang anak na nangangarap hindi lamang para sa sarili niya kung hindi para na din sa mga taong mahal niya. Handa silang magsikap, magpuyat, mag sunog ng kilay para lamang makapagtapos sa pag aaral, makuha ang titulong inaasam at pangarap na nais makamtan.
ReplyDeleteIpinagmamalaki ka marahil ng iyong mga magulang :)
bilang mga anak ay responsibilidad natin na sundin ang mga gusto ng mga magulang natin,mga bagay na sakanila'y makakapag bigay galak at mapunan ang lahat ng hirap na kanilang ibinuhos para sa iyong mga pangarap .
ReplyDelete