Lazada

Friday, September 6, 2013

Ang Aking Mga Magulang

Ang Aking Mga Magulang
ni Sharmaine Joy Narciso

Kahit ilan man ang tao dito sa mundo
Wala nang makahihigit sa mama at papa ko
Parehas na nagbabanat ng buto
Upang mapalaki kami parehas ng ate ko.

Talagang kahanga-hanga
Itong aking mama at papa
Pilit pa ring nagsisikap
Para sa aming mga pangarap.

Gusto ko silang mapasaya
At mapawi man lang mga pagod nila
Tanda ng aking pasasalamat
Pagmamahal ko sa kanila.


Kaya aking hiling ay pagbigyan sana
Ng ating Maykapal na siyang Dakila
Gabayan sana palagi ang aking mama at papa
Para makasama ng mas mahaba pa.

7 comments:

  1. Maricar Ceribo, BSA I-36, ganda po :) dedicated for parents.. sana lahat ng magulang sa mundo humaba pa ang buhay para mas magabayan pa tayo ng matagal . Galing niyo po ate :)

    ReplyDelete
  2. Mikkaela LiƱan po from BSA 1-36. sobrang ganda po nitong tula na 'to. sobrang nakaka-inspire po para sa mga parents yung mga ganitong tula :).. God will always be with our parents ate :) ..

    ReplyDelete
  3. Marielle De Guzman from BSA 1-36 ^____^v . Maganda ang tula na ginawa po ninyo. Inspirasyon ito para sa mga kabataang nag-aaral o nagpupursige sa pag-aaral para masuklian nila ang mga paghihirap na ginawa ng kanilang mga magulang para sa kanila.

    ReplyDelete
  4. Princess Danica Mae Lindayag po from BSA 1-36. Ang ganda po ng tulang ito. (: Naipapakita po ang pagmamahal sa mga magulang. (: GodBless po!

    ReplyDelete
  5. Nakapaganda ng tulang ito. Nakaka-relate ako dahil ipinagmamalaki ko rin ang aking mga magulang na siyang nagpalaki sa akin at nagturo ng mga mabubuting bagay.Ang husay niyo pong gumawa ng tula, maraming salamat sa isang inspirasyon. Mabuhay po kayo :)

    ReplyDelete
  6. Alvin Bravo mula sa BSA 1-34
    Nakakabilid naman si Sharmaine, kaklase ko ata yan. Ang ganda ng tula mo. Nakakainggit kasi may papa ka pa ako wala na. Pero para kay mama, magsisikikap ako.

    ReplyDelete
  7. Bryan Chan BSA I-34

    ang galing BOSS!!! napakagandang tula =)))

    ReplyDelete