Purong Pilipino
ni Karina Crisanta M. Fontanilla
Maaaring kayo nga'y maguluhan
Sa lahing aking kinabibilangan
Hindi man halata sa panlabas na kaanyuhan
Ako'y Pilipino sa aking puso't isipan.
Maraming nagsasabing, hindi daw ako mukhang Pilipina
Mukha daw akong ibang lahi't taga ibang bansa sa Asya
Di ko naman ipagkakaila ang pagkasingkit nitong mga mata
Pagkat ito'y bigay sa akin ng Dakilang Lumikha.
Anu man ang sabihin nila
Wala na akong magagawa pa
Pagkat ako'y sadyang kuntento’t masaya
Dahil sa ako'y purong Pilipina.
Mahal ko ang bayan ko
Ipinagmamalaki sa buong mundo, aking pagka-Pilipino
Isang Pilipinong nais ay kapayapaan
Sa bayang aking sinilangan.
Oh yeah astigggg \m/ Sa tulang ito makikita mo agad ang pagiging Pilipino sa isip salita ng may akda
ReplyDeleteSadyang hindi sa pisikal na itsura makikia ang pagiging Pilipino, kundi sa kung paano mo isapuso ang pagiging Pilipino at kung anong dugo ang dumadaloy sa iyo.
napakahusay ng awtor ng tula , tAma nga naman hindi porket singkit , hindi na Pilipino dahil nasa kilos , gawa , salita at kultura ang pagiging tunay na pilipino .. nararapat lang bigyan siya ng jacket dahil sa magandang tula
ReplyDeleteMaganda ang nilalaman ng tulang ito. Ipinapakita kasi na hindi nakikita sa panlabas na kaanyuan ang pagiging tunay na Pilipino. Kahit na hindi ka man purong pinoy, basta ang iyong ipinapakita sa mga tao ay ugaling pagkapilipino, maituturing ka nang isang Pilipino.
ReplyDeleteang ganda ng tulang ito. dapat ngang ipagmalaki natin na tayo'y mga Pilipino di lang sa pisikal na katangian natin, pati narin sa kultura at lahat lahat na. thumbs up para sa awtor ng tulang ito
ReplyDeleteNakatutuwa sapagkat sa modernong panahon ay may mga kabataan pa rin na naipagmamalaki ang kanyang pagiging Pilipino. Salamat din sa may akda ng tulang ito dahil iminumulat tayo na hindi sa pisikal na anyo nasusukat ang pagmamahal sa bayan. Magaling ang may-akda. Sana'y lahat ng tao ay maging ganito ang pananaw.
ReplyDeleteMarinela A. Camargo
BSA 1-34
isa po ito sa mga nakaagaw ng pansin ko! ang ganda po ng mensaheng nais iparating ng tula mo. hindi naman kasi talaga sa anyo nakikita ang pagiging pilipino eh kundi sa kung paano mo ipagmalaki ang bansang kinalakhan mo. sana po madami ka pang mainspire na ibang tao :) keep it up po :)
ReplyDeleteSharmaine Joy R. Narciso
BSA 1-34