ni Sharmaine Joy Narciso
Lahat naman siguro tayo
Ay may mga pangarap na gusto
May mga taong gustong makapagtrabaho
Yung iba nama’y ang libutin ang mundo.
At sa sitwasyon ko
May isa akong pangarap na gusto
Ang makakanta sa harap ng madaming tao
At maipakita ang aking talento.
Simula kasi noong bata pa ako
Isang patimpalak pa lang ang nasasalihan ko
At sa minsang iyon na nasubok ko
Ay naranasan ko ang una kong pagkatalo.
At simula nga noong natalo ako
Unti-unting mga pangarap ko’y naglaho
Pero sabi nga ng ibang mga tao
Huwag sumuko at Diyos na ang bahala sa mga pangarap mo.
Mara Jamaila A. Pamfilo, BSA1-36 ;) Ang inyo pong tula ay nakapagbibigay inspirasyon lalo't maraming tao na ang sumusuko sa unang pagkatalo pero binigyan tayo ng Diyos ng kani-kaniyang talento na dapat nating ipagmalaki. Maganda po ang inyong tula ;))
ReplyDeleteAshley Alarcon, BSA 1-36
ReplyDeleteAng tula ay angkop sa lahat ng estudyante lalong lalo na sa mga taong halos walang lakas ng loob. May mga pangarap ang bawat tao pero madalas nahihiya silang gumawa ng paraan para maabot eto. Pero sa tulong ng Diyos. Walang mahirap abutin at nakakahiyang pangarap
Hope Mari O. Capistrano BSA 1-36
ReplyDeleteNakakahumaling po ang inyong tula dahil sa simpleng mensaheng gustong iparating sa magbabasa at huwag susuko sa pagkamit sa ating mga pangarap. Lagi lamang tatandaan na kasama natin ang Diyos sa paglalakbay tungo sa katagumpayan.
Malay mo ate makasali ka sa isang singing contest at manalo gaya ng pangarap mo. :))) Pagbutihin po ang paggawa ng tulang nagbibigay ng inspirasyon sa lahat ng taong nangangarap. Pagpalain ka ng Diyos. :D
Nerissa B. Canullas
ReplyDeleteIsang tula na nag-iiwan ng napakagandang mensahe sa mga mambabasa. Mahusay po :)
Lahat tayo ay may kanya-kanyang pangarap. Malaki man o maliit na pangarap, ninanais pa din natin iyong makamtam. Walang imposible kung patuloy tayong mangangarap. Nabigo man tayo sa unang pagkakataon, ang mahalaga hindi tayo tumigil sa patuloy na pangangarap na maabot natin ito. Walang imposible sa pangangarap basta't sasamahan ng sipag at tiyaga pati na din ng pagtitiwala sa sarili.
So sad :( parehas kami ng pangarap . HUHUHU! kelan kaya ? dahil handa nakong dumating ang araw na iyon at umusbong ang dapat na ako :(
ReplyDeleteLahat ng tao may mmga kanya kanyang pangarap.pero sa pagabot natin ng ating mga pangarap madami pagsubok ang ating pagdadaan kaya naman kialangan natin maging matatag at magsumikap para maabot natin ang ating mga pangarap sa buhay.
ReplyDelete