Lazada

Wednesday, September 4, 2013

Muling Pagbabalik-Loob ni Ni: Lovely Anne Empig

Muling Pagbabalik-Loob

Ni: Lovely Anne Empig

Maraming bagay angsa aki’y gumugulo,
Mga tanong na sa isip ko’y tumatakbo.
Ngunit hanggang ngayo’y mga sagot ay nagtatago,
At tila pag-asa’y  unti-untingnaglalaho.

Gabi-gabi’y bagabag ang sa aki’y‘ di nagpapatulog,
Malalim na iniisip ang sa panaginip ko’y nanaog.
Kalian pa kaya tulog ko’y magigingmahimbing,
Ng sa susunod na umaga’y magigising ng malambing.

Siguro nga’y ang problemang ito ay mananatili,
Hanggang sa dumating ang araw na ‘dina ako mapapakali.
Isang solusyon ang biglang sa isip ko’y  dumating,
Bakit nga ba Siya’y aking ‘di agad pinansin.

Isang pinto ang bumukas,
At ‘di na ako nag atubiling lumakad papasok.
Sa aking palagay dito na magwawakas,
Ang magugulong ideya na sa isip ko noo’y nakapasok.

Sa pag-ibig niya ako’y muling nabuhay,
Mundo ko’y muling lumiwanag at kumulay.
Ang Panginoon ang aking naging gabay,
Upang mga tanong at bagabag sa isipan ko’y mawala ng sabay-sabay.

5 comments:

  1. napalalim ng pinaghuhugutan ng sumulat. Tila ata ay base ito sa tunay na karanasan. Magaling!
    BSA I-36

    ReplyDelete
  2. mahusay ang pagkakagamit ng mga malalalim na salita na naging dahilan upang mas mabigyang buhay at emosyon ang tula. Sakto din ito sa mga taong nakakalimot na sa ating Panginoon upang mabuksan ang kanilang naliligaw ng mga isipan.
    Bermilo S. Bido
    BSA 1-36

    ReplyDelete
  3. Angkop ang pagkakagamit ng mga salita. Ito ay maaaring magbigay inspirasyon sa kabataang tulad ko. Magaling kaibigan! Marami ang humanga hindi dahil sa mga salita kundi dahil sa nilalaman. Maganda ang mensaheng nais iparating.


    -Cris Xena Queling
    BSED MT 2-1N

    ReplyDelete
  4. Maganda ang pagkakagamit ng salita at maganda ang mensahe ng iyong tula.

    Al S. Coching
    BSA I-34

    ReplyDelete
  5. Ang ganda ng ginawa mong tula, ako'y napangiti at napatulala sa kalangitan
    at naisip ko ang mga bagay na dapat ay aking ginawa noon pa man. Ang pagpili ng mga salita ay dumaan sa isang magandang proseso naiparating mo ng maayos ang iyong mensahe.

    ReplyDelete