Pagtalon sa Pagbabago
Ni: Teofilo G. Colocado III
May isang taong takot tumalon
Sa pag-ibig na kasing lalim ng balon
Minsa’y sinubukan niya ang pagtalon,
Ayun, bali buto’t lumagapak sa balon.
Walang saysay ang unang saknong
Bakit ba binasa mo pa iyon?
Siguro’y napagisip-isip mo na ngayon,
Na hindi nagiisip ‘yung taong tumalon.
Minsan ang puso niya’y muling tumibok
At doon sa balon, gusto niya ulit sumubok
May isang taong hindi na takot tumalon,
Dahil alam na niya kung gaano kalilim ang balon.
Sa bawat pagkakamali, tayo’y natututo
Sa bawat sugat, may aral na natatamo
Tayong lahat ay hindi perpekto
Huwag sana tayong matakot sa pagbabago.
tama dapat hindi tayo natatakot sa anumang bagay o pangyayari sa ating buhay halimbawa na lang kung umiibig ka dapat huwag kang matakot na harapin ang kapalit ng nararamdaman mong ito, kung masasaktan ka iiyak mo tapos kung nagtagumpay ka e di masaya,pag nasaktan ka huwag kang tumigil sa pagmamahal dahil tayo natututo , mula sa ating mga pagkabigo.hindi naman tayo perpekto tulad ng Lumikha pero binigyan naman Nya tayo ng pagasa para sa oras na mawalan tayo ng tiwala sa sarili dahil tayo'y nabigo malalaman nating andyan siya para tayo'y saluhin. Caroline Abejero BSA 1-36
ReplyDeletetama, di dapat tayo natatakot sa mga bagay bagay. kung magkamali man tayo ay ayos lang. Laging tandaan ang karanasan ang pinakamahusay na guro.
Delete-- Jhojarrah M. Razon ng BSA 1-34