Turn-on at Move-on
ni Rosalyn De Guzman
"Nagsimula sa pagmamasid
Nagtapos sa pagiging manhid
Hangarin na di mabatid
Kaya nagsisiksik sa isang gilid.
Relasyong nagsimula sa Hi
Kamakaila'y nagtapos sa Bye
Di maipaliwanag na paghihiwalay
Dahil lamang sa isang pag-aaway.
Dati-rati ay kay saya
Noong di pa kami nagkakakilala
At ng siya'y aking nakita
Bakit ba ko napamahal sa kanya?
Noong una ay kay saya
Kapag siya'y aking nakikita
Lagi akong natutulala
Abot tenga pa ang tuwa.
Damdaming hindi maipaliwanag
At ako ay nababagabag
Bakit ba hindi ako mapanatag?
Pag-ibig ba itong tinatawag?
Nang naglaon, nakahanap ng pagkakataon
Tama ba itong gagawing desisyon?
Ipagtapat na ang nadarama
Ng puso kong di maipaliwanag ang kaba.
At ng siya'y aking makita
May sinabi siyang kakaiba
Ganon din ang kanyang nadarama
Siya ay umiibig din pala.
Tama ba itong aking narinig?
Kaya ako ay napatitig
Bumibilis ang aking pintig
At di na ko makaayos ng tindig.
Ang saya sa pakiramdam
Na sa iyo ay may nagmamahal
Pag-ibig na sana ay magtagal
Pinagdadasal ko ito sa Poong Maykapal.
Ngunit isang araw siya'y nagbago
Tila umiibig na siya sa ibang tao
Isang bagay na aking pinagtataka
Nakita ko siya may kasamang iba.
Galit at inis aking nadarama
Dahil ako ay niloloko lang pala
Pagmamahal ko na binalewala
Sa huli, Isang tao ang magmamakaawa.
Bakit pa ba magpapakatanga?
Sa taong nanloko at iniwan ka na
Kung mayroon naman diyang iba
Tunay at lubos na mamahalin kang talaga.
Dati-rati'y pag nakikita kay turn-on
Inis at galit ang nadarama ngayon
Sa padalos-dalos na pagdedesisyon
Ako ngayo'y nahihirapan magmove-on."
hello po :D
ReplyDeleteang ganda po naman ng ginawa niyong tula, parang pong may pinanghuhugutan. sana po makagawa ka pa ng mas maraming magagandang tula. Good luck :D
heheheh cge po cge po :D salamat po
DeleteAng galing :) naka relate po ako sa tula niyo.. totoong totoo na nangyayari. Godbless po! :D
ReplyDeletenaku...:) own experience ba to? ang galing sana makagawa din ako ng ganito kagandang tula.. Gawa ka pa ng marame....
ReplyDeletemganda po ung tula. mdling mkkrelate ang iba kc nangyayari to s 22ong buhay.. merong ntutunan s nangyri at nlman ang pagkakamali.
ReplyDeletesalamat po :D
DeleteNakakarelate ako ng konti :) konti lang XD
ReplyDeletehaahaha grace XD konti lang XD
Deletemaganda. sobra. ♥
ReplyDeletesana makapagsulat din ako ng ganyan. :)
trulalu po lahat... galing-galing naman po... naipahay niyo po ung gusto niyong iparating sa mga mambabasa... ipagpatuloy niyo lang po pagbibigay ng inspirasyon :) smile lang po :)
ReplyDeleteastig ! reLate much :)))
ReplyDeleteNice One Idol! Gawa ka pa marami. Proud ako sa'yo!
ReplyDeletenice may pinanghuhugutan !!!!! galing !!! sana makagawa rin ako
ReplyDeleteGrabe...... Maraming nakarelate sa tula mo! Ipagpatuloy mo lng yan Girl. Sana maraming inspirational na tula karing magawa! :)
ReplyDeletenice one be . ang lalim ng pinaghugutan mo aa:))
ReplyDeletegrabe pinagdadaanan mo ah??.... masyado ka pang bata para masyadong dibdibin ang ganyang mga bagay :)
ReplyDeleteYuuuuun oh!!!! Galing talaga pag may pinagdadaanan.
ReplyDeleteganyan siguro talaga pag inspired :))
ReplyDeleteang sarap sa pakiramdam kasi lakas maka-relate eh! haha.
congrats rosalyn! Such a great poem. <3
madaming makakarelate sa tulang ito kase halos lahat naman ay umibig at nasaktan. HAHAHAHA waw ang deep.
ReplyDeleteOkay lang yan, let go, smile, and move on :)
ReplyDeletenice one,, mganda at mukhang damang-dama ang pagsulat.. well, yan ang isko ng bayan. ^_^
ReplyDelete-spencer BSed