Lazada

Tuesday, September 10, 2013

Pagibig na Kaya?

Pagibig na Kaya?
Ni Ma. Luisa delos Angeles

Mukha ay namumula, animo'y kamatis
Mata'y kumikislap na parang bituin
Mga labing naka-hugis parang sa payaso
Malakas na kabog ng dibdib parang tinatambol.

Masilayan siya'y kumpleto na ang araw
Paano kaya kapag ngumiti pa siya?
Pero may mas sosobra pa rito
Kung siya'y ngingiti sabay lingon sa'yo.

Hiling sa araw-araw siya'y makausap
Subalit suntok sa buwan yata
Kaya naman hiling palagiang may gawain
Tipong pangkat-pangkat upang may tyansa.

Ngunit teka lamang, ano ba itong nararamdaman?
May tuwa sa tuwing makakatabi
Lungkot naman kapag lumiban ka sa klase
Kirot naman kapag may kasamang iba.

Unti-unti habang tumatagal
Pakiramdam na ito'y hindi maipaliwanag
Sinong makapagsasabi? Nagugulumihanan na!
Ako'y may narinig salitang pag-ibig, ano ba iyon?

7 comments:

  1. Luisa:

    Aba teka!!!
    Luisa alam mo ganda ng tula mo. Alam ko kung sino ang tinutukoy mo at kung sino ang pinagseselosan mo XD hahaha joke lang

    Pero mabuhay ka ang ganda talaga...

    ReplyDelete
  2. hehe parang alam ko kung sino to ah..
    Ang ganda at ang kulet ng tula na ito.napapangiti ako habang binabasa ko to..ipagpatuloy mo lang po ang paggawa ng tula.

    ReplyDelete
  3. Ang ganda at kulit po ng tula mo. Sobrang makakarelate po yung mga kabataan ngayon na di alam na pag-ibig na pala yung nararamdaman nila. Sobrang galing. Parang sa reyalidad lang talaga. :)

    ReplyDelete
  4. Ang galing po ng tula mo. Sigurado po akong marami ang makaka-relate sa ginawa mong tula :)

    ReplyDelete
  5. Sapul sa kabataan . Maganda ang pagkakagamit ng mga salita :) . Simple ngunit Kahanga-hanga :)))
    -Lovely Empig BSA 1-34

    ReplyDelete
  6. Sobrang relate haha :) napapanahon at saka buong buo yung salitang mga ginagamit , makatotohanan at makulay :)
    - Lyra Abenido BSA 1-36

    ReplyDelete
  7. Napapangiti ako habang binabasa ko ito kasi alam ko na nararanasan rin ito ng marami sa atin lalong-lalo na ang mga kabataan :D Napakaganda ng nilalaman at tunay na malikhain ang isipan ng may akda :)

    -Patrisha Garado BSA 1-34

    ReplyDelete