Lazada

Tuesday, September 10, 2013

Dadating din ang Panahon

Dadating din ang Panahon
ni Johannah Mae Gorne

Simula nung araw na nakilala ka,
Hindi ka na malimutan aking sinta.
Kung pwede lang na mapasaakin ka,
Pangakong di ka na masasaktan pa.

Kung kaya lang ba kitang abutin,
Makasama ka ang aking mithiin.
Hayaan mong puso ay sungkitin,
Hindi maglalapastangan na ito'y basagin.

Sana lang ay pupwedeng mahalin,
Isang pangarap na mahirap maatim.
Pero kahit na ganoon ang sitwasyon,
Ako'y maghihintay ano man ang panahon.
Like

1 comment:

  1. Ang ganda ng tulang ito. Sa totoo lang ay kumurot siya sa aking damdamin. Napakaganda po niya. Sana a dumami pa ang mga kagaya nio po na gagawa ng ganitong klaseng tula,

    ReplyDelete