Lazada

Friday, September 6, 2013

Midterm

"Midterm"
ni Bon Weslly G Paguinto

Ang midterms ay nalalapit na
Kaya mga estudyante ay kinakabahan na
Kaydami nanamang dapat gawin
Para mapaghandaan midterm na darating

Kailangan na mag-review ng mga aralin
Ngunit sa sobrang dami ng dapat pag-aralan
Mababanggit mo sa sarili ang isang kataga
Ang katagang"Bakit kailangan pa kasing pag aralan to!

Sandali lang at ano itong aking napansin?
Kaysa mag-aral, mga estudyante ay tila nananalangin
Na sa araw ng midterm,malakas na ulan sana ay dumating.
Upang klase ay masuspinde at di sila(tayo) papasukin.

Bakit di nalang tayo magreview ng mabuti!
Manalangin sa Diyos na tayo'y gabayan
Upang mga pagsusulit ay ating masagutan
At makakuha ng mataas na marka na kaygandang pagmasdan

20 comments:

  1. Nakakatuwang isipin na may isang tula na kagaya nito. Ito ang nakaagaw ng aking pansin ng magbasa ako ng mga pamagat ng tula siguro dahil nagugunita ko ang mga nangyayari tuwing may mga pagsusulit na kagaya ng "Midtern".

    ReplyDelete
  2. hindi dahilan ang ulan pra takasan ang ating gawaing magraal or magreview dahil khit gawin natin matutuloi at matutuloi yun

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. Habang binabasa ko ang tulang ito ay napapangiti ako dahil halos totoong totoo ang mga nakasaad sa tulang ito. Napakaganda ng tulang ito dahil makatotoohanan, tunay ngang napakagaling gumawa ng isang simpleng tula ang mga kabataan mapanoon hanggang ngayon. Sana marami pa ang ganitong tula na nakakaaliw. :)

    ReplyDelete
  5. hahah,nakakakaba naman talaga yung midterm pero kahit gustuhin mong takasan at ma delay yan, matutuloy at matutuloy pa rin yan. Maganda talaga ang tula na ito at sa tingin ko ,ang may akda nito ay minsan itong naranasan na kabahan sa midterm lalo kung hindi ka lubos na handa kung kaya't alam niya talaga ang pakiramdam ng paparating na midterm. Nakakaaliw talagang magbasa ng mga ganito na naiuugnay at nasasalamin mo yung sarili mo sa binabasa mong tula na tulad nitong "Midterm".

    ReplyDelete
  6. Nang mabasa ko ang mga tula, una akong kinilabutan dahil ramdam ko ang pinagdadaanan ng mga karakter na nakapaloob sa tula. Ang pinakanagustuhan kong tula ay una, tungkol sa mga batang lansangan na nakakaawa naman talaga dahil sila'y pinababayaan at namimihasa nang mamalimos sa kalsada. Wala sa kanilang makapag-aasikaso at mag-aalaga :-( ikalawa, tunkol sa midterms na natamaan ako sa mensahe- pinanalanging di matuloy ang midterms. Ngunit mas maganda kung hihinhi ng tuloNg sa Diyos at mag-aral ng mabuti upang makakuha ng mataas na marka :-D
    Masasabi kong napakahusay ng mga may-akdang gumawa ng mga tula. Binabati ko sila!!! :-)

    ReplyDelete
  7. Sobrang insiprado ako sa mga mensaheng nilalaman ng bawat tula. Lalo na ang tulang tungkol sa pagiging magalang ng bawat kabataang Pilipino sa nakatatanda. Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging mabuting tao.
    Ang bawat awtor ay talagang gumamit ng kanilang imahinasyon upang makalikha at makabuo ng kanilang tula :-D

    ReplyDelete
  8. Magaling. Una sa lahat, nakakaakit ang tulang ito lalo na sa mga estudyante. At tsaka pati kamo 'yung simpleng midterm lang nagawan mo ng tula.

    ReplyDelete
  9. tama yan. noong una inisip ko rin na sana walang pasok sa araw ng midterm .. pero napagisipisip ko.. kahit ano namag mangyari matutuloy at matutuloy pa rin ang midterm kaya nagaral na lang ako ng maige. ang galing mo. sana naisip ko ring gumawa ng tula tungkol naman sa finals. :))

    ReplyDelete
  10. nakakatuwang isipin bilang estudyante, kinatatakutan natin ang ilang pagsusulit,, tulad nga ng midterm na isa sa mga major exams na dapat nating kunin,, tama nga nmn ung may akda na lahat na siguro ng pwedeng mangyare ay hiniling na natin wag lang matuloy io, pero habang dumaraan ang araw na dumadaan mas dadami ang ating gagawin, hindi lang naman iisang asignatura ang kinukuha natin ee :)
    sana lagi po tayong maging handa :)
    salamat po sa may akda :)

    ReplyDelete
  11. tama nga naman, mas dapat nalang nating pag tuunan ng pansin ang pag rereview kapag may darating na midterm o kaya naman ay iba pang test imbis na ipagdasal na masuspend ang klase. ako isa ako sa mga taong ganun. na nagdarasal na mawalan ng pasok kapag may midterm lalo na kapag kinakabahan ako. dahil sa tulang ito naisip kong baguhin ang nakagawian ko at pagtuunan nalang ng pansin ang pag rereview. magaling ang may akda ng tulang ito dahil maraming tao ang paniguradong makukuha ang atensyon dahil sa pamagat palang at marami din ang makaka-relate dito.

    ReplyDelete
  12. Di nman kasi maiwasan na maipanalangin na umulan sa darating midterm eh
    marami kasing pag aaralan. Di talaga maiiwas ang mga ganung saloobin ang mga estudyante, katulad ko. Pero maganda ang message ng tula. GALING MO! hahaha yun lang. thank sa pag share ng tula mo :DD

    ReplyDelete
  13. kailangan natin talagang mag aral dahil para sa atin din naman itong ginagawa natin.. kung ipagdadasal natin na sana umulan para masuspinde ang klase natin, bakit hindi na lang natn ipagdasal na sana maging maganda ang resulta na ating pag aaral.? napkaganda na tulang ito para sa ating mga estudyante para matauhan tayo na kelangan puspos ang pag aaral natin.. :)

    ReplyDelete
  14. Title palang maaagaw agad nito ang atensyon mo. Nakakatuwa pa dahil halos nakakarelate ako sa mensahe ng tula XD

    ReplyDelete
  15. WOW! Nakunsensya naman ako :( pero tama nga naman. kagalak-galak ang kanyang nagawang tula. kahanga-hanga! =))

    ReplyDelete