"BASURA at BAHA"
ni Kevin Cars M. So
Panahon na ng tagulan
At ang kalye ay mistulang basurahan
Konting ulan baha ang kinahihinatnan
Sandamakmak na perwisyo ang kaganapan
Baha dito, baha doon
Basurang itinapon nakabara ngayon
Eh sino bang may kasalanan?
Magtuturuan pa ba, pare-pareho naman tayong may kinalaman
Sa oras ng pagbaha walang ibang nakikita
Kundi ang gobyernong mali daw ang ginagawa
Hindi mo man lang ba natanong sa sarili
Kung anong kinalaman mo sa mga pangyayari
Mga pag bahang eksena ay di sana mangyayari
Kung disiplina'y pinairal sa sarili
Sana naman ay nagegets mo an nais kong ipaintindi
Dahil para rin naman ito sa ating ikabubuti.
Sa ating panahon ngayon pinakikita lamang ng tula na ito na walang ibang may kasalanan sa mga nangyayari ngayon sa ating kapaligiran kundi tayong mga tao rin mismo. Sino ba ang nagkakalat?Sino ba ang gumagawa ng polyusyon? Hindi naman sana magkakaroon ng baha at di maipintang kundisyon ng panahon kung ang bawat isa ay mayroong disiplina. Marami ang naninisi sa gobyerno sa mga nangyayari dahil di umano sila ang may kasalanan at hindi nila inaaksyunan agad. Bakit kaya hindi tayo mismo ang magsimula ng pagbabago at huwag laging umasa sa gobyerno kung may maitutulong naman tayo at kaya nating simulan? Sa ating mga sarili mismo magsisimula ang pagbabago. Sabi nga sa huling linya ng tula " Dahil para rin naman ito sa ating ikabubuti."
ReplyDeleteAngelique Gonzales
BSA 1-34