Lazada

Tuesday, September 10, 2013

Segundo

Segundo
ni: Kenneth John Larcena

Hindi natin masyadong napapansin
Para lamang butil ng buhangin
Oras natin ay mainipin
Huwag lang sana ito palampasin

Bawat segundo sa buhay ay mahalaga
Huwag lamang sana tayo tumunganga
Gumawa ng bagay na may halaga
Na sa iyo ay makapagpapasaya

Minsan sa oras na masaya ako
Hinihiling oras ay pansamantalang huminto
Alam ko mang imposible ito
Ngunit anong magagawa ko?

Bawat segundo na inaaksaya mo
Di mo batid ay halagang ginto
Sa oras na palampasin ito
Baka pagsisihan sa dulo

1 comment:

  1. Nakakapanghinayang talaga ang mga panahong nasayang. Pero naniniwala akong darating ang panahon, ako na mismo ang magpapaikot ng sarili kong orasan. At pag dumating ang panahng 'yon, alam kong wala na akong panghihinayangan pa.

    ReplyDelete