Lazada

Tuesday, September 10, 2013

Ang Pangako ng Isa't isa

Ang Pangako ng Isa't isa
ni Johannah Mae Gorne

Nangako akong magiging tapat sayo.
Nangako akong palaging nasa tabi mo.
Nangakong mamahalin, aalagaan at iintindihin ka.
Mga pangakong nilaan para lang sayo.

Nangako ka sa akin na magiging tapat ka.
Nangakong hindi ako ipagpapalit sa iba.
Nangakong ako lang ang tanging mamahalin.
Mga pangakong sa dambana ay nakalimutan na.

Hindi na maniniwala sa pangako.
Sapagkat ito nga'y madalas mapako.
Salitang iniwan na nga niya.
Mga pangakong kay dali nalang isinuko.

Kanyang pangako'y di na mangyayari.
Puso ko ay nagmistulang sawi.
Kailan kaya muli matatanaw ang bahaghari.
Sugat na naramdaman sana ay mapawi.

6 comments:

  1. Samniel G. Otayde
    BSED MT 2-1N
    09/11/13

    Uhmm... Ang galing lang po ng inyong nagawa, halo- halong emosyon po ang aking naramdaman, siyempre nkarelate din po aq sa inyong nagawa tungkol sa mga pangakong ganyan. Kaya ang masasabi ko lang po talaga ay ipagpatuloy niyo lang po ang inyong pagiging malikhain at iyong maipabatid din sa ibang tao ang iyong talento.. :))

    ReplyDelete
  2. MARIELLE M. DELA CRUZ
    BSA 1-34
    09/13/13

    Ang ganda po ng gawa nyo :)) ang ganda ng message na gustong iparating. Feel ko yung nararamdaman mo, yung feeling na iniwanan. At naniwala sa mga pangakong pinako. Pagpatuloy nyo lang po yang ginagawa nyo. It seems na may pinagdadaanan po kayo sa lovelife :)))) Maganda na po yung inilalabas natin yung mga sama ng loob natin sa pamamagitan ng pagsulat. Nagustuhan ko po yung gawa nyo. Godbless ^^

    ReplyDelete
  3. Joshua P. Mendoza
    BSA 1- 34
    09/19/13

    Ayos po ang inyong gawa, at nagustuhan ko ito dahil naranasan ko din na mapangakuan pero sa bandang huli ay hindi rin naibigay, masakit pero kailangang tanggapin pero dadating din ang arawna may magbibitaw sa atin ng pangako at tutupadin ng buong puso <3

    ReplyDelete
  4. awts... ayoko sanang maranasan yan, may pinaghahawakan din po kasi akong pangako ngayon... sa tingin nya, ako ang mang-iiwan pero pakiramdam ko, ako ang maiiwan...
    lagi na po ito sa isip ko... salamat po sa paalala :) smile lang po :)

    ReplyDelete
  5. Maganda po yung gawa mo :) nagustuhan ko, tsaka naka.relate ako. tama, madalas naman talaga sa mga pangako, napapako nalang, hindi na natutupad.. mga paasa. masakit isipin na ganun yung nangyayari. kaya ako ayoko talaga nung mga taong puro pangako lang eh. mahirap kasi umasa, masaktan at iwanan.

    ReplyDelete
  6. Tandaan, walang permanente sa mundo kundi pagbabago, masakit mapangakuan ng napapako at mas lalong masakit ang umasa

    ReplyDelete