Ako’y Nawawala
NI Ma. Luisa O. delos Angeles
Katahimikan ang bumabalot
O liwanag nasaan ka?
Wala akong makita
Kahit isa’y wala, napag-iwanan na ata.
Tila ang buhay ay wala ng kahulugan
Sa mga panahong dulot ay masama
Nawa’y ‘di magtagal itong pakiramdam
Ako’y ‘di sanay, ayoko nito!
Kung maibabalik ko lamang
Mga panahong nasayang
Nawa sana’y nahanap pa
Liwanag na naibibigay sa kadiliman.
Palpak! Kapos! Palpak! Kapos!
Bakit ako naiwan? Nasaan kayo?
Kaylungkot isipin tanging ako lang
Natagpuan sa katahimikan hanggang balutin ng dilim.
Ramdam kita na ikaw ay nag-iisa, walang kumikibo, walang kumukumusta. Hanap ay kaibigan na masasandalan, pamilya na nagmamahalan sa paligid na balot ng takot at dilim, ang kailangan ay yakap at halik na magniningning...
ReplyDelete**wala eh, magkaugnay na magkaugnay, hehe** chos!
P.S.(paumanhin kung mali man ang aking pagkakaintindi)
Ang mas masaklap pa, hindi ka lang nababalot ng kadiliman, nakakulong ka pa sa kadiliman dahil sa mga pagkakamaling nagawa mo sa nakaraan. Kaya kahit sarili mo'y hindi mahanap, kaya nakakaramdam ng pag-iisa.
ReplyDelete