Lazada

Wednesday, September 11, 2013

Pagtalikod Sa Nakaraan

Pagtalikod Sa Nakaraan
ni Daniel hernandez



Minsan akong naimbitahan sa langit.
Nakakilala ng isang tapat nakaibigan
Itinuring ko na tunay na kapatid
Pinatotoo ng aking puso't damdamin.

Damdamin ko'y nagsimulang manlamig.
Nang ang sanlibutan aynakikipagkaibigan sa akin.
Masasayang sandali ang kanyanghinihimig,
Layaw ng laman ang bukang bibig saakin,

Noong una ang pangako niya,magagalak ako.
Masunod ko lamang ang ninanais niya.
Lumipas ang mga taon sa mundo.
Ang lahat ay nagbunga ngkasinungalinga't pandaraya.

Ako'y nanlumo sa aking ginawa.
Pinagsisisihan ang kamangmangangnasimulan.
Ninais kong baguhin ang aking mgagawa
Pinagdikit dikit ko ang putol nalarawan ng kinabukasan.

Ninais kong bumalik sa akingnakaraan.
Wala akong nakitang bakas ninoman,
Bagkus may isang anino sa akinglikuran.
Ang aking kaibigan na may dalangpagasa at kapayapaan.

Pagmamahal at awa sa sangkatauhan,
Ang nagtulak upang aking mapagtantoang kapayapaan.
Sa bawat alaala ng aking kaibigan,
Nagaalab ang aking puso magpakailanpa man.

Turn-on at Move-on

Turn-on at Move-on
ni Rosalyn De Guzman

"Nagsimula sa pagmamasid
 Nagtapos sa pagiging manhid
 Hangarin na di mabatid
 Kaya nagsisiksik sa isang gilid.

 Relasyong nagsimula sa Hi
 Kamakaila'y nagtapos sa Bye
 Di maipaliwanag na paghihiwalay
 Dahil lamang sa isang pag-aaway.

 Dati-rati ay kay saya
 Noong di pa kami nagkakakilala
 At ng siya'y aking nakita
 Bakit ba ko napamahal sa kanya?

 Noong una ay kay saya
 Kapag siya'y aking nakikita
 Lagi akong natutulala
 Abot tenga pa ang tuwa.

 Damdaming hindi maipaliwanag
 At ako ay nababagabag
 Bakit ba hindi ako mapanatag?
 Pag-ibig ba itong tinatawag?

 Nang naglaon, nakahanap ng pagkakataon
 Tama ba itong gagawing desisyon?
 Ipagtapat na ang nadarama
 Ng puso kong di maipaliwanag ang kaba.

 At ng siya'y aking makita
 May sinabi siyang kakaiba
 Ganon din ang kanyang nadarama
 Siya ay umiibig din pala.

 Tama ba itong aking narinig?
 Kaya ako ay napatitig
 Bumibilis ang aking pintig
 At di na ko makaayos ng tindig.

 Ang saya sa pakiramdam
 Na sa iyo ay may nagmamahal
 Pag-ibig na sana ay magtagal
 Pinagdadasal ko ito sa Poong Maykapal.

 Ngunit isang araw siya'y nagbago
 Tila umiibig na siya sa ibang tao
 Isang bagay na aking pinagtataka
 Nakita ko siya may kasamang iba.

 Galit at inis aking nadarama
 Dahil ako ay niloloko lang pala
 Pagmamahal ko na binalewala
 Sa huli, Isang tao ang magmamakaawa.

 Bakit pa ba magpapakatanga?
 Sa taong nanloko at iniwan ka na
 Kung mayroon naman diyang iba
 Tunay at lubos na mamahalin kang talaga.

 Dati-rati'y pag nakikita kay turn-on
 Inis at galit ang nadarama ngayon
 Sa padalos-dalos na pagdedesisyon
 Ako ngayo'y nahihirapan magmove-on."

Tuesday, September 10, 2013

Ewan ko ba...

Ewan ko ba...
ni Ma. Blessie Carmel O. Armada

Ewan ko ba kung bakit ako masaya
Ito ba ay dahil sa kanya?
Ewan ko ba kung bakit ako nalulungkot
Kung bakit tila ba ako`y laging takot


Ewan ko ba kung bakit marami akong tanong
Dahil ba ito sa katotohanang tila nakatalukbong?
Ewan ko ba kung bakit ako`y galit
HALA! Ako ba ay mayroon ng sakit?

Ewan ko ba kung bakit ako`y nagungulila
Na para bang paligid ko ay kulay lila
Ewan ko ba kung bakit mundo ko`y kuwadrado
Kung bakit isip ko ay laging sarado

Ewa ko ba kung bakit ayoko sa salitang "Paalam"
Dahil ba sa dala nitong masamang pakiramdam?
Ewan ko ba kung bakit kailangan kong mamroblema
Sa mga bagay na alam kong walang kwenta

Ewan ko ba kung saan patungo itong tula
O kung saan man ito nagsimula
Ewan ko ba… Ewan ko ba…
Basta ito`y tapos na

Maghihintay pa rin

Maghihintay pa rin
ni Ma. Blessie Carmel O. Armada

Gaya ng luntiang punong nalanta
Nalumang mga salita ng isang kanta
Tulang hindi tinapos ng isang makata
Ang luhang gumuguhit sa mga mata

Tinatanaw ang masasayang alaala noon
Na tila ba binubura ng  panahon
Ngunit mananatiling nandoon
At patuloy na umaasang siya pa rin ay naroon

Maaring paghihintay ay hindi na dapat
Ngunit tiwalang siya`y magbabalik ay hindi magiging salat
Dahil magbago man ang lahat- lahat
Hinding hindi ang pag-ibig na tapat

Oras, Araw, Buwan, at Taon man ang lumipas
Makalimutan man ng isip ang nakaraang lumipas
Patuloy pa ring hihintayin ang bukas
Para sa pangakong hanggang wakas

Dadating din ang Panahon

Dadating din ang Panahon
ni Johannah Mae Gorne

Simula nung araw na nakilala ka,
Hindi ka na malimutan aking sinta.
Kung pwede lang na mapasaakin ka,
Pangakong di ka na masasaktan pa.

Kung kaya lang ba kitang abutin,
Makasama ka ang aking mithiin.
Hayaan mong puso ay sungkitin,
Hindi maglalapastangan na ito'y basagin.

Sana lang ay pupwedeng mahalin,
Isang pangarap na mahirap maatim.
Pero kahit na ganoon ang sitwasyon,
Ako'y maghihintay ano man ang panahon.
Like

Ang Pangako ng Isa't isa

Ang Pangako ng Isa't isa
ni Johannah Mae Gorne

Nangako akong magiging tapat sayo.
Nangako akong palaging nasa tabi mo.
Nangakong mamahalin, aalagaan at iintindihin ka.
Mga pangakong nilaan para lang sayo.

Nangako ka sa akin na magiging tapat ka.
Nangakong hindi ako ipagpapalit sa iba.
Nangakong ako lang ang tanging mamahalin.
Mga pangakong sa dambana ay nakalimutan na.

Hindi na maniniwala sa pangako.
Sapagkat ito nga'y madalas mapako.
Salitang iniwan na nga niya.
Mga pangakong kay dali nalang isinuko.

Kanyang pangako'y di na mangyayari.
Puso ko ay nagmistulang sawi.
Kailan kaya muli matatanaw ang bahaghari.
Sugat na naramdaman sana ay mapawi.

Pagibig na Kaya?

Pagibig na Kaya?
Ni Ma. Luisa delos Angeles

Mukha ay namumula, animo'y kamatis
Mata'y kumikislap na parang bituin
Mga labing naka-hugis parang sa payaso
Malakas na kabog ng dibdib parang tinatambol.

Masilayan siya'y kumpleto na ang araw
Paano kaya kapag ngumiti pa siya?
Pero may mas sosobra pa rito
Kung siya'y ngingiti sabay lingon sa'yo.

Hiling sa araw-araw siya'y makausap
Subalit suntok sa buwan yata
Kaya naman hiling palagiang may gawain
Tipong pangkat-pangkat upang may tyansa.

Ngunit teka lamang, ano ba itong nararamdaman?
May tuwa sa tuwing makakatabi
Lungkot naman kapag lumiban ka sa klase
Kirot naman kapag may kasamang iba.

Unti-unti habang tumatagal
Pakiramdam na ito'y hindi maipaliwanag
Sinong makapagsasabi? Nagugulumihanan na!
Ako'y may narinig salitang pag-ibig, ano ba iyon?

Tahanan

Tahanan
Ni Daryl Ansano

Hindi lang gamit bilang silungan
Tuwing may kalamidad
Natitirahan araw-araw
Tinatawag itong tahanan

Malaki o kaya’y maliit
Mayroon din sa gusali
Tinatawag dito’y tahanan
Pagkat mayroong pagmamahalan

May mga miyembro ng tahanan
Ama, ina at mga anak
May masasayang karanasan
At iba pang mga emosyon

Maraming pangyayring nagaganap
Masaya man o malungkot
Mga emosyong nailalabas
Sa loob ng tahanan

Pinakamasayang Araw

Pinakamasayang Araw
Ni: Daryl Ansano

Paggisingsa umagang napakaganda
Binabatika ng magandang umaga
Ikaw aynagpapasalamat sa Diyos
At dahilito ay iyong pinangarap

Sa lugarna matagal mo ng ginusto
Nakasama ang gusto at irog mo
Itongayon ang araw na di malilimutan
Angpinakamasayang araw kailanman

wlaakong hiniling pa sa Kanya
Salungkot at ligaya ay kayang kaya
Hanggangkatapusan mamhalin pa rin
At ikaway di na ipagpapalit

Ikaw angibinigay Niya sa akin
Sanaywala sa akin sayo umangkin
Siguro ganuntalaga kapag dumating
Matagalmo ng hinanap na "Pag-ibig"

KALAYAAN?

KALAYAAN?
Ni Daryl Ansano

Sa mga nagdaang taon
Mga mananakop tinutugon
Taga Hapon, Amerika at Espanya
Mga pananakop nila’y ulang walang tila

Ang daming nangyari
Ang dami ring naghari
Inabusong mga Pilipino
Sa panahong maraming namumuno

Ngayon tayo’y makabago
Wla ng nampupugo
Ipagdiriwang ang kalayaan
Ng mga bayani’y napagtagumpayan

Hindi nagmamahal sa sariling wika
Gustomg ,angibang bansa
Sa sinasabing kalayaaan,
Sa tingin mo, mayroon ba talaga tayo niyan?

“Kate Mahal”

“Kate Mahal”
ni Karina Crisanta M. Fontanilla

Natakot ako sakanya nung una
Sa mga sulyap at pananalita niya
Malakas ang boses na tila ba galit
Mga ngiti na aakalain mong pilit.

Iniiwasan kong magtagpo ang landas namin
Baka ako nga’y kanyang awayin
Ngunit sa pagdaan ng mga araw, linggo at buwan
Nakabuo kami ng isang matatag na samahan.

“Ganda” yan ang una naming tawagan
Hindi ko alam ngunit magaan ang aking kalooban
Kay tamis ng kanyang mga ngiti
Halakhak niya’y nakakahawa palagi.

Kapag may problema siya’y madaling lapitan
Hindi ipagkakait ang sandaling ika’y kanyang payuhan
Dahil ang tunay na kaibigan
Makikita lamang sa oras ng kagipitan.

Ako’y Nawawala

Ako’y Nawawala
NI Ma. Luisa O. delos Angeles

Katahimikan ang bumabalot
O liwanag nasaan ka?
Wala akong makita
Kahit isa’y wala, napag-iwanan na ata.

Tila ang buhay ay wala ng kahulugan
Sa mga panahong dulot ay masama
Nawa’y ‘di magtagal itong pakiramdam
Ako’y ‘di sanay, ayoko nito!

Kung maibabalik ko lamang
Mga panahong nasayang
Nawa sana’y nahanap pa
Liwanag na naibibigay sa kadiliman.

Palpak! Kapos! Palpak! Kapos!
Bakit ako naiwan? Nasaan kayo?
Kaylungkot isipin tanging ako lang
Natagpuan sa katahimikan hanggang balutin ng dilim.

Purong Pilipino

Purong Pilipino
ni Karina Crisanta M. Fontanilla

Maaaring kayo nga'y maguluhan
Sa lahing aking kinabibilangan
Hindi man halata sa panlabas na kaanyuhan
Ako'y Pilipino sa aking puso't isipan.

Maraming nagsasabing, hindi daw ako mukhang Pilipina
Mukha daw akong ibang lahi't taga ibang bansa sa Asya
Di ko naman ipagkakaila ang pagkasingkit nitong mga mata
Pagkat ito'y bigay sa akin ng Dakilang Lumikha.

Anu man ang sabihin nila
Wala na akong magagawa pa
Pagkat ako'y sadyang kuntento’t masaya
Dahil sa ako'y purong Pilipina.

Mahal ko ang bayan ko
Ipinagmamalaki sa buong mundo, aking pagka-Pilipino
Isang Pilipinong nais ay kapayapaan
Sa bayang aking sinilangan.

Kaibigan

Kaibigan
ni Amiel Cabusao

Kayhirap humanap ng taong tulad mo
matapat, tunay at maaasahang pagkatao
bibihira lamang ang ganito
sa kalagayan ngayon ng mundo

Kayhirap humanap ng taong tulad mo
maalalahanin at marunong makiramdam sa'yo
masasabihan ng problema mo't kapighatian
handang makinig anong oras man

Kayhirap humanap ng taong tulad mo
'yong magbibigay ng kasiyahan sa'yo
magpapangiti sa gitna ng kalungkutan
magbibigay liwanag sa kadiliman

O! kaysaya ng aking buhay
nang makilala kitang tunay
'wag lang sana'y agad mamatay
nang malasap ang kaginhawaan ng buhay

Dalaga

Dalaga
ni Kenworth C. Nepomuceno

Sa mga mata mong bilugan,
Ito ay aking tinitignan.
Isang lingon ang iyong binigay.
Mundo ko'y binigyan mo ng kulay.

Ang ganda mo sa suot mong pink na damit.
May mga nagsasabi, ikaw ay pangit.
Masyado lang silang naiinggit.
Gusto ko silang kotongan ng malupit.

Ikaw ay aking hinangaan,
Sa maganda mong katangian.
Hindi ka lang puro kagandahan.
Meron ka pang dagdag kabaitan.

Ang puso ko ay kabadong kabado.
Kapag tinitignan mo ako ng todo.
Pakiramdam ko, ako ay baldado
Dahil pinana ako ni kupido.

Paghanga Lamang

Paghanga lamang
ni Kenneth John Larcena

Ano itong saya na aking nararamdaman
Sa tuwing ikaw ay aking namamasdan
Masdan man ang bituin sa kalangitan
Nangingibabaw pa rin iyong kagandahan

Isang babaeng tunay na masaya
Sa Panginoong Diyos rin ay malapit siya
Sa tuwing siya'y ngumingiti't tumatawa
Ay naniningkit kanyang mga mata

Alam ko namang walang patutunguhan aking nadarama
Mabuti pang ito'y manatili lamang sa paghanga
Ikubli ang aking labis na nadarama
Tanggap kong wala akong magagawa

Ako rin ay labis na nangangamba
Baka sa sarili niya, may gusto siyang iba
Ngunit para sa akin siya lang talaga
Sa puso ko, pagmamahal muling ipinadama

Segundo

Segundo
ni: Kenneth John Larcena

Hindi natin masyadong napapansin
Para lamang butil ng buhangin
Oras natin ay mainipin
Huwag lang sana ito palampasin

Bawat segundo sa buhay ay mahalaga
Huwag lamang sana tayo tumunganga
Gumawa ng bagay na may halaga
Na sa iyo ay makapagpapasaya

Minsan sa oras na masaya ako
Hinihiling oras ay pansamantalang huminto
Alam ko mang imposible ito
Ngunit anong magagawa ko?

Bawat segundo na inaaksaya mo
Di mo batid ay halagang ginto
Sa oras na palampasin ito
Baka pagsisihan sa dulo

Tagahanga

TAGAHANGA
ni Daryl Ansano

Bawatmasasasayang araw
Lagimong napupukaw
Gustolagi kang makasama
Sa arawna mubuti man o masama

Minsanikaw ay iniisip
Ikaw rinpati sa panaginip
Sanaikaw ay makasama
Kahitlamang pansamantala

Lagikang nasisilayan
Walangibang kaya kang pantayan
Gustolanglagi kang masaya
Kahit nakapiling mo ay siya

Tuwingkasama ko mga kabarkada
Wala ngtigil ang bibig sa dada
Dahilnakita kang muli
akotuloy parang kiti-kiting hindi mapakali

Kapagika'y namataan
pisoko'y iyong tinamaan
Paraakong t*nga
Ako'yiyong tagahanga

BASURA at BAHA

"BASURA at BAHA"
ni Kevin Cars M. So

Panahon na ng tagulan
At ang kalye ay mistulang basurahan
Konting ulan baha ang kinahihinatnan
Sandamakmak na perwisyo ang kaganapan

Baha dito, baha doon
Basurang itinapon nakabara ngayon
Eh sino bang may kasalanan?
Magtuturuan pa ba, pare-pareho naman tayong may kinalaman

Sa oras ng pagbaha walang ibang nakikita
Kundi ang gobyernong mali daw ang ginagawa
Hindi mo man lang ba natanong sa sarili
Kung anong kinalaman mo sa mga pangyayari

Mga pag bahang eksena ay di sana mangyayari
Kung disiplina'y pinairal sa sarili
Sana naman ay nagegets mo an nais kong ipaintindi
Dahil para rin naman ito sa ating ikabubuti.

Friday, September 6, 2013

Batang Lansangan

Batang Lansangan
ni Bon Weslly G Paguinto

Minsan sa aking pag-uwi galing sa eskwela
mga batang kalye ay aking nakita.
Punit ang mga damit at walang sapin pampaa,
Nagpapalakad lakad sa kalsada.

Nasan kaya kanilang nanay at tatay?
Na sa kanila dapat ay gumagabay.
Tila sila'y pinababayaan na lamang,
Hindi na iniintindi ng kanilang mga magulang.

Silay nagpapasabit-sabit sa mga sasakyan
Tila di alintana ang panganib sa lansangan
Makalimos lamang ng kakaunting barya,
na sa kanila ay napakahalaga.

Ang mga payat at musmos nilang katawan,
ay maagang nabanat ng dahil sa kahirapan.
Kanilang mga karapatan ay tila nawala,
Dahil sa kanilang pagiging dukha!

Tila kaylupit ng ating lipunan,
Para sa tulad nilang mga batang lansangan.
Mga batang maagang nagtrabaho,
Upang mabuhay dito sa mundo!

Midterm

"Midterm"
ni Bon Weslly G Paguinto

Ang midterms ay nalalapit na
Kaya mga estudyante ay kinakabahan na
Kaydami nanamang dapat gawin
Para mapaghandaan midterm na darating

Kailangan na mag-review ng mga aralin
Ngunit sa sobrang dami ng dapat pag-aralan
Mababanggit mo sa sarili ang isang kataga
Ang katagang"Bakit kailangan pa kasing pag aralan to!

Sandali lang at ano itong aking napansin?
Kaysa mag-aral, mga estudyante ay tila nananalangin
Na sa araw ng midterm,malakas na ulan sana ay dumating.
Upang klase ay masuspinde at di sila(tayo) papasukin.

Bakit di nalang tayo magreview ng mabuti!
Manalangin sa Diyos na tayo'y gabayan
Upang mga pagsusulit ay ating masagutan
At makakuha ng mataas na marka na kaygandang pagmasdan

Sampung Taon

Sampung Taon
ni Alvin Bravo

Sa haba ng paglalakbay
Sipag at tiyaga aking inalay
Edukasyon ang magiging tulay
Sa ikalawang yugto ng aking buhay

Pamilya ko ang inspirasyon
Payo nila aking baon-baon
Sila ay aking iaahon
Apat na taon mula ngayon

Matamis na prutas aking kukunin
Sa puno nito ay pipitasin
Sarap nito'y aking lalasapin
Bibilhin ano mang naisin at gustuhin

Itatayo magandang pangalan
Alvin Bravo na may karangalan
Sa bansang aking kinalakihan
Ibubuhos aking kagalingan

Likas Na Magalang

Likas Na Magalang
ni Sharmaine Joy Narciso

Ugali na ng mga bata
Ang humalik sa kamay ng mga matatanda
Lalo na pag matagal nang di nagkita
Bilang paggalang na din kina Lolo at Lola.

Madalas mo din itong makita
Kapag dumating mga tito’t tita galing sa misa
Kamay ay agad hinihila
Upang mabendisyonan din mga munting bata.

Ang paghalik sa kamay ng mga matatanda
Ay pagpapakilala ng kabutihang asal
Turo ito ng ating mga magulang
Upang tayo’y maging magalang.

Ang ganitong kaugalian
Siguradong sa Pilipinas lang makikita
Dahil tayong mga Pinoy
Ay likas na magalang tuwina.

Ang Aking Mga Magulang

Ang Aking Mga Magulang
ni Sharmaine Joy Narciso

Kahit ilan man ang tao dito sa mundo
Wala nang makahihigit sa mama at papa ko
Parehas na nagbabanat ng buto
Upang mapalaki kami parehas ng ate ko.

Talagang kahanga-hanga
Itong aking mama at papa
Pilit pa ring nagsisikap
Para sa aming mga pangarap.

Gusto ko silang mapasaya
At mapawi man lang mga pagod nila
Tanda ng aking pasasalamat
Pagmamahal ko sa kanila.


Kaya aking hiling ay pagbigyan sana
Ng ating Maykapal na siyang Dakila
Gabayan sana palagi ang aking mama at papa
Para makasama ng mas mahaba pa.

Ang Pangarap Ko

Ang Pangarap Ko
ni Sharmaine Joy Narciso

Lahat naman siguro tayo
Ay may mga pangarap na gusto
May mga taong gustong makapagtrabaho
Yung iba nama’y ang libutin ang mundo.

At sa sitwasyon ko
May isa akong pangarap na gusto
Ang makakanta sa harap ng madaming tao
At maipakita ang aking talento.

Simula kasi noong bata pa ako
Isang patimpalak pa lang ang nasasalihan ko
At sa minsang iyon na nasubok ko
Ay naranasan ko ang una kong pagkatalo.

At simula nga noong natalo ako
Unti-unting mga pangarap ko’y naglaho
Pero sabi nga ng ibang mga tao
Huwag sumuko at Diyos na ang bahala sa mga pangarap mo.

Pagtalon sa Pagbabago

Pagtalon sa Pagbabago
Ni: Teofilo G. Colocado III

May isang taong takot tumalon
Sa pag-ibig na kasing lalim ng balon
Minsa’y sinubukan niya ang pagtalon,
Ayun, bali buto’t lumagapak sa balon.

Walang saysay ang unang saknong
Bakit ba binasa mo pa iyon?
Siguro’y napagisip-isip mo na ngayon,
Na hindi nagiisip ‘yung taong tumalon.

Minsan ang puso niya’y muling tumibok
At doon sa balon, gusto niya ulit sumubok
May isang taong hindi na takot tumalon,
Dahil alam na niya kung gaano kalilim ang balon.

Sa bawat pagkakamali, tayo’y natututo
Sa bawat sugat, may aral na natatamo
Tayong lahat ay hindi perpekto
Huwag sana tayong matakot sa pagbabago.

Mahirap Umasa

Mahirap Umasa
Ni Teofilo G. Colocado III

Datinating wagas na pagmamahalan,
Nagingpagdurusa sa iyong paglisan.
Umaliska ng hindi nagpapaalam,
Nasaanka? Walang natanggap na kasagutan.

Lumuluhaang nadiskaril kong puso
Nalulungkot,nalulumbay at nagdurugo
Ako’yumaasa sa pagbabalik mo
Ngunithanggang kalian ang pananabik na ito?

Angaking pagmamahal sa kanya,
Aykanya lamang binalewala
Ako’ynananalangin at umaasa
Damdaminko’y ayaw ng bumitaw pa.

Anglahat ng pagmamahalan ay may hangganan
Ngunitang sa atin ay magagawan pa ng paraan
Pakiusapko sa iyo’y ‘wag munang tuldukan
Dahil ang puso’ylabis ng nasasaktan

Ang Problema sa Buhay

Ang Problema sa Buhay
ni Anjanette C. Diaz

Sa ating buhay, hindi tayo nawawalan ng problema. Ang iba'y tungkol sa pera, pag-ibig, paaralan, trabaho o kaya naman ay sa pamilya. Sa bawat problema ay may kanya-kanyang solusyon. Sabi nga nila, hindi tayo bibigyan ng panginoon ng problemang hindi natin kakayanin.
     
Ang problema sa buhay ay parang pagsubok para mabuhay. Sa bawat pagsubok, tayo ay natututo at tumatatag. Ito rin ay nagbibigay sa atin ng mahahalagang aral at ekspiryensa na sa ati'y tumatatak. Ang bawat hamon natin sa buhay ay hindi natin kakayaning mag-isa. Kailangan natin ng pamilya,  kaibigan o taong nagbibigay sa atin ng lakas dahil sa panahon na tayo'y nanghihina, kailangan natin ng sa ati'y susuporta at magtitiwala. Isa pang kasabihan na ang problema, lumilipas din yan. Walang permanente sa mundo dahil ang tanging permanente ay pagbabago. Naniniwala ako na anumang uri ng tao ay may problema sa mundo, mahirap man o mayaman.
     
Ang problema ay hindi dapat dibdibin, ito ay dapat nating harapin. Sa bawat aral na ating nakukuha, gamitin natin ito sa maayos na paraan upang makatulong sa atin. Lahat ay kakayanin kapag ang pamilya at minamahal natin sa buhay ay nariyan sa ating tabi.

Pangarap

Pangarap
ni Anjanette C. Diaz

Pangarap ay mithiin,
na sa buhay ay dalangin,
ito ay pinaghihirapang makamit,
upang matamo ang ninanais.

Pangarap na pinaghihirapan,
sana ay makamtan.
Handang magsikap at maghirap,
upang buhay ay gumaan.

Pangarap na gustong abutin,
sana'y maging abot kamay din.
Titulong ninanais,
makakamtan rin.

Tanging hangad ay matupad ang pangarap.
Hindi lang para sa sarili,
kundi para narin sa magulang,
para naring pagpapakita ng paggalang.

Pagpupugay

Pagpupugay
Ni: Cris Xena Queling

Isang pangyayari ang nag-udyok sa akin
Upang ang tulang ito'y aking likhain
Di man ninyo lubos na malirip
Magnilay-nilay sa pamamagitan ng isip.

Isang babae ang siya kong nararapat ipagpugay
Handog niya'y pagmamahal sa akin ng dalisay
Pag-ibig niya'y walang kabalintunaan
Patuloy niyang ipaglalaban ang aking kapakanan.

Busilak ang puso'y waring isang bulaklak
Kinabukasan ko'y di hahayaang mawakawak
Hindi hahayaan na ako'y dustain
Bagkus walang inatupag kundi ako'y kalingain.

Siya'y ilaw sa aking buhay
Kasa-kasama sa bawat hakbang  ng paglalakbay
Nagbibigay liwanag sa bawat kapighatian
Payo niya'y susi 'pang pagsubok ay malakdawan.

Para siyang araw na sumusungaw-sungaw
Kapag ako'y lumalaki sa layaw
Di alintana ang pagpapagal
Sa kanyang adhikaing maging marangal.

Siya'y anghel galing sa langit
Sinisilayan ako maging sa pagpikit
Mula sa pagkabata tungo sa pagtanda
Katangian niya'a dapat kong maging halimbawa.

Tunay ngang ang pagiging ina'y mabigat na tungkulin
Na hindi ko dapat maliitin
Nanay, Mama, Ina
Sa buhay ko'y ikaw ang nag-iisa.

Thursday, September 5, 2013

MgaAnghel sa aking Mundo

MgaAnghel sa aking Mundo
Ni: Lovely Anne Empig

Sila ang anghel sa aking buhay,
Handang pumrotekta at gumabay.
Lahat ay kanilang ibibigay,
Kahit minsan sila’y aking sinusuway.

Sila’y aking inspirasyon,
Aking sandalan sa lahat ng pagkakataon.
Ang mga taong handa akong ibangon,
Mula sa aking pagkakabaon.

Aagos ang luha sa aking mata,
Lakas ko’y mawawala,
Maglalaho nag pag-asa,
Kapag sa akin sila ay nawala.

Walang papantay sa kanila,
Dahil sila ang aking buhay at saya.
Ang manakit sa kanila’y aking mapapaslang,
Dahil sila ang pinamamahal kong MAGULANG.

Wednesday, September 4, 2013

Muling Pagbabalik-Loob ni Ni: Lovely Anne Empig

Muling Pagbabalik-Loob

Ni: Lovely Anne Empig

Maraming bagay angsa aki’y gumugulo,
Mga tanong na sa isip ko’y tumatakbo.
Ngunit hanggang ngayo’y mga sagot ay nagtatago,
At tila pag-asa’y  unti-untingnaglalaho.

Gabi-gabi’y bagabag ang sa aki’y‘ di nagpapatulog,
Malalim na iniisip ang sa panaginip ko’y nanaog.
Kalian pa kaya tulog ko’y magigingmahimbing,
Ng sa susunod na umaga’y magigising ng malambing.

Siguro nga’y ang problemang ito ay mananatili,
Hanggang sa dumating ang araw na ‘dina ako mapapakali.
Isang solusyon ang biglang sa isip ko’y  dumating,
Bakit nga ba Siya’y aking ‘di agad pinansin.

Isang pinto ang bumukas,
At ‘di na ako nag atubiling lumakad papasok.
Sa aking palagay dito na magwawakas,
Ang magugulong ideya na sa isip ko noo’y nakapasok.

Sa pag-ibig niya ako’y muling nabuhay,
Mundo ko’y muling lumiwanag at kumulay.
Ang Panginoon ang aking naging gabay,
Upang mga tanong at bagabag sa isipan ko’y mawala ng sabay-sabay.

"KAIBIGAN" ni Caroline Abejero

"KAIBIGAN" ni Caroline Abejero











Nung una takot akong magkaroon ng kaibigan
Sabi ko sa'king sarili," di ko sila kailangan
Kaya kong mabuhay sa mundong ito ng mag-isa",
At kailanman hindi ako sa kanila aasa

Subalit sadyang mapagbiro ang ating tadhana
Nakilala ko ang mga taong kahanga-hanga
At iba-iba man ang aming mga kinagisnan
Di maitatago ang aming magandang samahan

Dati di ko alam ang kahulugan ng kaibigan
Pero mas higit pa pala sila sa kahulugan
Sila ang makakasama mo sa saya't problema
Lalong lao na sa lungkot na iyong nadarama

Di ko man sila ngayon nakikita at kapiling
Alam kong pare-pareho kami ng mga hiling
Ang magkita-kita at magkasama-sama kami,
Magkwekwentuhan't sabay kakain ng mami.

Thursday, August 8, 2013

Mga Tula ng mga Eskolar ng Bayan



KASAMA KA
ni Maricar Ceribo


Saan nga ba pupunta?
Kung ikaw at ako ang magkasama?
Hawak kamay tayong dalawa
maglalakbay upang magsaya.

Saan nga ba pupunta
kung ksama ka?
Sa karagatang masigla o
sa harding nakakahalina?

Sa ibang bansa't makipagsapalaran o
sa bayang pinagmulan?
Sa piyestang nagkakasiyahan o
taimtim na magdasal sa simbahan?
  
Lasapin ang hangin o
panuorin ang bituin?
Sabay maghabi o
makinig sa musika ng magkatabi?

Kasi kung tayong dalawa ang magkasama?
Masasabi ko lang na,
kay sarap nga namang mabuhay
kung kasama kita HABANG BUHAY.


Unang Pagibig
ni  Marscello Tripulca

I
O! Kay tamis nang unang pagkikita
Mga labi ko'y punung-puno ng mga pagsinta
Laging gustong aninagin ng mapupungay na mata
Ang iyong alindog na nakalantad sa madla

II

Nais kong amuyin ang samyo ng iyong buhok
Upang maihalintulad sa mga rosas sa bundok
Kahit pukpukin ng martilyo sa aking taluktok
Ikaw ay hahanapin saan mang pook

III

Saan ko ba maihahambing ang gayuma mo hirang?
Sa bulaklak bang namumukod tangi sa parang
O sa isang talang nakahimlay sa likod ng kalangitan
Ano kaya'y sa perlas sa gitna ng karagatan

IV

Anupat ang sarili'y napabayaan,
Dahil sa iyong kariktan na aking nababanaag
Kayat nawa'y itong aking handog ay kalugdan
Dahil sa paghanga sa iyo ng lubusan

V

Dila ko'y tila namimilipit,
Hinahatak nang aking hiya tulad ng isang kalawit
Sa aking kaba doo'y naiipit
Kahit nakasuot pa ng isang magarang damit

VI

Kaya't dilidilihin mo , O aking Mahal
Ang unang pag-ibig na ikinubli ng pagpapagal
Kayat iyong tanggapin sapagkat sa akin ay sakdal
Ang puso kong nabihag na tila sinasakal


Munting Paraiso
Ni  Marilou Bomediano

Bago ako matulog
Muntik pang mauntog
Sa silid na kay kipot
Ako’y namamaluktot

Ang higa’y di tuwid
Mga paa ay nakapinid
Bawal ang magaslaw
Ang di sanay ay aayaw


Ito ay aking paraiso
Tinanggap ng buong puso
Ito man ay walang sinabi
Hindi ko isasantabi

Di man ito kagandahan
Wala mang pamantayan
Ito ang aking tahanan
Mahal ko’t ipaglalaban


Yeng
Ni: Marilou Bomediano
  
Ang kanyang buhok ay kulay pula
At ang boses niya ay kay ganda
Yeng Constantino ang ngalan niya
Ang paborito kong manganganta
  
Mga awiting kanyang naisulat
Magaganda at dapat ikalat
Kung ang paghanga ay di pa sapat
Handa akong harangin ang sibat

Taglay niya ang tinig na magpapakabog
Sa pusong mahimbing na natutulog
Tunay ngang kakaiba alay niyang tunog
Kay suwerte ng kanyang iniirog

 Iyan ang aking iniidolo
Mahusay umawit at totoo
Bagaman ako ay ordinaryo
Siya ang bida sa puso ko


Pagkakataon
Ni: Marilou Bomediano
  
Tunay ngang nasa huli ang pagsisisi
Hirap ding tanggapin ang pagkakamali
Magsaya sa umpisa at mawili
Sa bandang huli, sa hikbi nauwi
  
Sabi nga’y huwag magmamadali
Tumubong sungay agad sanang mabali
Sapagkat ang batang di mapakali
Sa pagkasugat tiyak mauuwi
  
Hindi lahat ay umaamin
Sa kanilang sala na nasa rin
Silang mahilig magpasaring
Ay tiyak nagkakasala rin
  
Tayong lahat ay may pagkakataon
Na sa pagkakamali ay bumangon
Huwag nating sayangin ang panahon
Di sa lahat ng oras ay umaambon


PARA SA KABATAAN
ni: Camille Ann L. Vistan
  
Kabataan ay pag-asa ng bayan
‘Yan ang noon pa sati’y iminulat
Ating dinala hanggang sa kasalukuyan
Paghubog ba ay naging sapat?

 Hindi mo kailangan sisihin ang sinuman
Ikaw lamang ang may hawak ng iyong kabuuan
Ikaw rin ang magsisimula nitong pagbabago
Para sa lahat, para rin sa iyo
  
Ikaw nga ba’y pag-asa nitong ating bayan?
Nagawa mo nga ba iyong dapat gampanan?
Ikaw ba’y magiging produktibong mamamayan?
O iaasa na lamang ang bukas kay Batman?

Sana ika’y magising hangga’t maaga pa
Maging inspirasyon at huwaran sa iba
Ikaw lamang ang susi tungo sa iyong tagumpay
Dahil ikaw ang namamahala ng iyong sariling buhay.


 
SA LOOB NG SILID
ni: Camille Ann L. Vistan

Mayroong mga maiingay
Mayroon din nman mga tahimik
Bawat isa’y may kani-kaniyang buhay
‘Di pa rin matitiis ang hindi umimik

Sa loob ng iisang silid
Espasyo sa isa’t isa’y kikitid
Oras na kayo’y magkakwentuhan
Pakikitungo sa isa’t isa’y gagaan
  
Iisang klase, iisang seksiyon
Nag-aaral at natututo ng iisang leksiyon
Dumating man mga takda at proyekto
Kakailanganin ang bawat isa, matapos lamang mga ito
  
Mga panahon ay lilipas
Sa inyong samaha’y wala nang tutumbas
Hindi mamamalayan bawat dadaang oras
Kayo na pala’y tutungo sa kani-kaniyang landas


KAMI’Y MULA SA PUP
ni: Camille Ann L. Vistan
  
Iskolar ng bayan,
‘Yan ang bansag sa amin
Buwis ng sambayanan
Malaking tulong para sa amin

Bahay at paaralan,
‘Yan lagi aming ruta
Buhay na ito’y isang sanayan
Para sa tulad naming maralita
  
Pinahahalagahan bawat oras at Segundo
Makatapos lamang sa paaralang ito
Anuman ay aming pagsisikapan
Para din ito sa aming kinabukasan

Mura man ang aming matrikula
Mayroon din naman kaming maibubuga
Mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
Pamantasang Utak ang Puhunan, kailanma’y ‘di kukupas.


Hanggang sa susunod na Bukas (para kay Jenny Rose Nagpiing)
ni: Camille Ann L. Vistan

 Ikaw ang naging ingay sa katahimikan
Kasiyahan sa mga kaguluhan
Ikaw ay laging nariyan lamang
Walang lugar sa ‘tin ang puwang

Sa ating unang pagkikita
Sa isa’t isa’y naging linta
Sabi nila’y ‘di na tayo naghiwalay
Aba syempre! Kaibigan kitang tunay

 Ni minsa’y ‘di pa naging mapait
Bawat araw ko’y saya ang kapalit
‘Pagkat sa klase tayo ay magkasangga
Pag-aaral pa rin ang ating inuuna
  
Alam mo naman aking mga sikreto
Ating samaha’y tapat at totoo
Salamat sa lahat ng ating mga oras
Sana’y magpatuloy pa hanggang sa susunod na bukas.


ULAN
ni: Camille Ann L. Vistan

Andyan ka na naman
Nagtatatalon sa aming bubungan
Umiiyak ka na naman kaibigang langit
Tanong ko lamang sa ‘yo at bakit?
 
Sa tuwing ika’y dumarating
Nais kong sabihin nadarama’t mga daing
Doon sa sulok ng aking kwarto
Kay raming nais sabihin sa iyo

Sa piling mo, ako’y ligtas
Pagluha lamang, tangi kong paraan
Bigat ng damdami’y nais ilabas
Sa iyo’y ramdam ko itong paghagkan

Dating tuwa’t saya ay nagbabalik
Sarili’y nagising, tila may pumitik
Liwanag ata sa bintana ay dumungaw
Kasama pala muling pagsikat ni Haring Araw.


Para kay Kate
ni: Camille Ann L. Vistan

 Akala ko masungit ka
Akala ko’y isang isnabera
Nang ika’y biglang nakasalamuha
Mali pala aking hinuha

Kung minsa’y di maintindihan
Dahil dito, nabuksan aking isipan
Higit pa sa kaibigan itong aming turingan
Siya’y naging kapatid na aking maaasahan

Hindi sapat sa akin ang minsan
Sakto na ang walang hanggan
Isang tawag, isang kalabit
Ako’y narito, kahit walang kapalit

 Salamat sa iyo, salamat sa lahat
Mahal kong kapatid, wala kang katapat
Tunay na saya, sa iyo’y aking nadama
Pangako’y hanggang dulo, ako’y  iyong makakasama.



Monday, July 1, 2013

Pilipinas or Filipinas?


Philippines! Philippines! Philippines!

Pilipinas! Pilipinas! Pilipinas!

Filipinas! Filipinas! Filipinas!

If you will be given a chance to choose what is the best name of our country, Philippines, Pilipinas o Filipinas?

History will answer the question.

Before you decide, please read this article from the respected National Artist for Literature Virgilio S. Almario

Patayin ang ‘Pilipinas’

MAY tatlong pangalan ang ating bansa: “Filipinas,” “Philippines,” “Pilipinas”: lbinasbas sa atin ang una ng kolonyalismong Espanyol at siya nating opisyal na pangalan sa loob ng tatlong siglo. ltinatawag naman sa atin ang ikalawa ng imperyalismong Amerikano at opisyal nating pangalan ngayon sa Ingles. Bersiyong Tagalog ng una ang ikatlo at batay sa orihinal na titik ng lumang abakada.

Palagay ko, sintomas ng ating pambansang pagkalito ang pagkakaroon ng tatlong pangalan ng ating bansa. Hindi tayo magkaisa kahit sa pagtawag himang sa ating sarili.Ang panukala ko, panahon na para magkaroon tayo ng opisyal na pangalan para sa ating bansa’t republika, at tulad ng inumpisahan ng Diyaryong Filipino, dapat tayong kilalanin sa buong mundo bllang “Filipinas.”

Unang dapat burahin ang “Philippines”. Tatak ito ng patuloy na pag­ iral sa ating utak ng pananakop ng Amerikano. Hindi nila ito nagawa sa Puerto Rico, Cuba, Mexico, Chile, at ibang dating kolonya ng Espanya. Bukod pa, may mga bansang nakapagpipilit ng kanilang sariling pangalan sa UNO sa kabila ng lningles na tawag sa kanila.

Ngayon, bakit hindi “Pilipinas”?

Una, sapagkat mas una at orihinal ang “Filipinas.” Ito ang ibininyag sa atin ni Villalobos noong 1543 at pinairal ni Legazpi noong 1565. Sa loob ng nakaraang tatlong siglo ay kilala tayo sa Europa bIlang”Filipinas” at sa ganitong pangalan ipinroklama ang kalayaan ng ating bansa noong 12 Hunyo 1898. Higit nating maiintindihan ang ating kasaysayan mula sa watak-watak na pula tungo sa isang pinag-isang kapuluan sa pamamagitan ng pangalang “Filipinas.”

Hindi ginamit kailanman ang “Pilipinas” kahit ng ating mga bayani sa panahon ng Rebolusyong Filipino. “Filipinas” ang isinulat ni Plaridel maging sa kaniyang mga tulang Tagalog. Ang lagi namang ginagamit ni Bonifacio ay “Katagalugan”-na maaring bunga ng pangyayaring kilala rin tayo noon sa ibang bansa bllang “Tagalog” o “Tagalo.”

Lumitaw lamang ang “Pilipinas” sa mga akda ng mga kapanahon ni Lope K. Santos nitong bungad ng ika-20 siglo at kaugnay ng pagpapalaganap nila sa lumang abakadang Tagalog (na walang titik F). Opisyal itong ginamit sa panahon ng Hapon at lumaganap nitong dekada 50 kaalinsabay ng pagtawag sa wikang pambansa bilang “Pilipino.” Noon din kumalat ng alamat ni Jose Villa Panganiban na ang “Pilipino” ay hindi Tinagalog na “Filipino” at sa halip ay mula sa pinag-ugpong na pili at pino. (Nakalimutan niyang ang pino ay galing din sa Espanyol na fino kaya imposibleng maging sinaunang katangian ng ating lipi.)

lkalawa, sapagkat kakatwa na ang wika natin ay “Filipino” samantalang ang bansa ay “Pilipinas.”

Modernisado na ang ating alpabeto at kasama sa mga dagdag na titik ang “F.” Kaya hindi na “Pilipino” kundi “Filipino” ang ating wikang pam bansa. Sagisag ng diwa ng modernisasyon at pagiging pambansa ng wika ang pagbabago ng unang titik mula sa “P” tungo sa “F.” Kaya’t sagisag din ng patuloy nating pagdadalawang-isip at pagbabantulot palaganapin nang puspusan ang “Filipino” ang patuloy pa nating paggamit sa “Pilipinas.”

lkatlo, sapagkat ang pagkakaisa na “Filipinas” ang itawag sa ating bansa ay makapagpapagaan din sa pagtuturo ng wastong ispeling sa mga bagay na kaugnay ng ating katangiang pambansa.

Halimbawa, sa ngayon ay dalawa ang paraan ng pagsulat sa ngalan ng mamamayan sa ating bansa. “Filipino” sa Ingles at “Pilipino” sa ating wika. Tinatawag nating “Filipino” ang ating wika pero “Pilipino” ang pambansang bandila. Maiiwasan natin ang problemang ito kung”Filipinas” ang magiging opisyal na pangalan ng ating bansa. Lahat ng ating katangiang pambansa-mamamayan, halagahan, (values), kultura, pilosopiya, atbp­ ay isusulat sa iisang pangalan (“Filipino”) sa Ingles man o katutubong wika.

Siyempre, may kaugnay sa gastos ito para baguhin ang “Pilipinas” o “Philippines” sa pera, karatula, letterhead, atbp. Medyo makaaasiwa ring bigkasin ang magiging inisyals ng “University of Filipinas.” Kaya’t dapat maging sistematiko’t unti-unti ang pagbabago.

Anuman ang gastos, mas malaki pa rin ang mga praktikal at historikal na pakinabang natin kapag nagkaisa tayo sa “Filipinas.” lsang hakbang ito pasulong, isang susi para ipakita ang ating determinasyon, lalo na ngayong ipinagdiriwang natin ang ika-100 anibersaryo ng kaLayaan at nasyonalismong Filipino.


DIYARYO FILIPINO, 1992