ni Daniel hernandez
Minsan akong naimbitahan sa langit.
Nakakilala ng isang tapat nakaibigan
Itinuring ko na tunay na kapatid
Pinatotoo ng aking puso't damdamin.
Damdamin ko'y nagsimulang manlamig.
Nang ang sanlibutan aynakikipagkaibigan sa akin.
Masasayang sandali ang kanyanghinihimig,
Layaw ng laman ang bukang bibig saakin,
Noong una ang pangako niya,magagalak ako.
Masunod ko lamang ang ninanais niya.
Lumipas ang mga taon sa mundo.
Ang lahat ay nagbunga ngkasinungalinga't pandaraya.
Ako'y nanlumo sa aking ginawa.
Pinagsisisihan ang kamangmangangnasimulan.
Ninais kong baguhin ang aking mgagawa
Pinagdikit dikit ko ang putol nalarawan ng kinabukasan.
Ninais kong bumalik sa akingnakaraan.
Wala akong nakitang bakas ninoman,
Bagkus may isang anino sa akinglikuran.
Ang aking kaibigan na may dalangpagasa at kapayapaan.
Pagmamahal at awa sa sangkatauhan,
Ang nagtulak upang aking mapagtantoang kapayapaan.
Sa bawat alaala ng aking kaibigan,
Nagaalab ang aking puso magpakailanpa man.