Kulang pa ba?
ni: Lumoya, Ma. Jesseca T.
Nagsimula tayo sa wala
Hanggang sa magkausap at magkakilala
Naging masaya tayo sa isa't isa
At tuluyang nagkamabutihan na.
Ngunit isang araw ay nagbago ka
Isang beses lang na ako'y pumalya
Tampo ang sa akin ay bumungad na
At paliwanag ko'y di na pinakinggan pa.
Bakit nagkaganito?
Marami nang nagbago sa iyo
Hindi ko lamang napagbigyan gusto mo
Kinukwestiyon mo na ang pagmamahal ko
Lahat naman ibinigay ko
Maging libreng oras ay inilaan sa iyo
Kulang pa ba ito
Upang kahit isang beses, ako naman ang unawain at pagbigyan mo?
HINDI kulang KUNDI sapat na iyon para mapagtanto mo na di siya para sa iyo. Sinusubok kayo ng pagkakataon. Di niya magawang kayanin ito para sainyo. Para sa akin kapag nagmamahal ka dapat napapasaya ka din. Oo may kalungkutan pero di dapat puro kalungkutan nalang.
ReplyDeleteKung hindi na masaya'y palayain na. Walang permanente sa mundo kundi pagbabago. :)
ReplyDeleteLahat ng tao ay nagkakamali. Normal lang sa buhay ng tao ang bagay na ito, Ngunit dapat sa likod ng mga kamaliang ito ay matuto tayong umintindi sa kamalian at kakulangan ng iba upang mapunan natin ang kakulangan ng isa't isa.
ReplyDeleteAng isang taong nagmamahal ay dapat na umiintindi. Sabi nga, "give and take", hindi puro "take" lang. Ang isang beses na pagpalya ay madali namang maunawaan. Ngunit ang madalas na pag-aaway at di pagkakaintindihan ay maaaring indikasyon na hindi kayo para sa isa't isa. Sabi nga, "kung hindi ukol, di bubukol."
ReplyDeleteMahalaga sa isang relasyon ang pang-unawa at pasensya
ReplyDeletepagibig nga naman... iba ang nagagawa
ReplyDeletehuwag mag bigay ng sobra sa taong hindi karapat dapat sa pagmamahal mo.
ReplyDeletelahat ay nagbabago, bagay man o tao. dahil walang permanente sa mundo.
ReplyDeleteminsan sadyang mapaglaro ang tadhana
ReplyDeletesabi nga nila " walang permanente sa mundo. pero minsan kailanagan nting maranasan yan pra as huli, hindi n iyon maulit sa atin
ReplyDeleteSa isang relasyon dapat "give and take". Hindi dapat give lang ng give o take lang ng take. Dapat maintindihan niya na may mga bagay na hindi ka kayang ibigay o gawin, na may mga pagkakataong maari kang pumalya, dahil tao ka, hindi ka perpekto. Kung hindi niya maunawan iyon, hindi siya karapat dapat para sa iyo, Let go.
ReplyDeletesa isang relasyon, dalawa dapat ang kumikilos. kaya naman kung ikaw nalang ang gumagalaw para sa inyong pagsasama, wag mo isiping may pagkukulang ka dahil ginawa mo naman ang iyong makakaya.
ReplyDeleteKailangang dalawa ang kumilos sa isang relasyon. Sapagkat kapag nagpabaya at nagkulang ang isa, maaring magbago ang takbo ng relasyon pati na rin ang tindi ng pagmamahalan.
ReplyDeleteMarahil ay may ibang nakalaan para sa iyo. :)
ReplyDeletehindi lang talaga kayo para sa isa't isa dahil may higit pa sa kanya
ReplyDeleteGanyan talaga ang pag-ibig.
ReplyDeletehindi natin minsan mapipigil ang mga bagay bagay, tandaan hindi lagi masaya .
ReplyDeleteLahat ng bagay nagbabago. Mismong tao rin nagbabago. Maaaring hindi kayo para sa isa't isa o di kaya ay pinagtagpo lang kayo upang malaman mo na ang pag-ibig ay himdi simpleng bagay. May nasasaktan at merong nanakit.
ReplyDeletewalang permanente sa mundo kundi pagbabago :) iyan ang laging tatandaan at higit sa lahat ay matutong magtira ng pagmamahal para sa sarili para sa huli hindi pa rin ikaw ang talunan :)
ReplyDeleteAng theme (o tema) ng tulang ito ay malungkot at labis na panghihinayang. Ako man ay lubusang naka-re-relate sa tulang ito dahil naranasan ko na rin ito nang minsan na kong pumasok sa isang relasyon. Ang masasabi ko lang, mapapatunayan mong mahal ka talaga ng isang tao kung pinipilit ka nyang intindihin sa lahat ng pagkakataon. Nawa'y maging magandang lesson sa atin ito na dapat ay tayo ay matutunang mahalin muna ang sarili bago ang iba nang sa gano'y hindi na tayo lubusang masaktan pa. :)
ReplyDeleteUmaasa sa panibagong makabusong lovelife,
Alex
nakaka antig ng damdamin,
ReplyDeleteang sinumang babasa ay maliliwanagan sa lalo na sa parte ng hindi marunong umintindi .
napaka gandang tula, ramdam na ramdam ko ang pinagdaanang lungkot at sakit sa likod ng tulang ito.
ReplyDeletekakagaling ko lang ganitong pakiramdam na naging unfair sa iyo ang taong mahal mo, lalo na kung understanding ka masyado katulad ko, dadami ang pagkakataong abusuhin niya ito.
ReplyDeletePara sa aking komento, masasabi kong hindi kayo para sa isa't isa dahil naniniwala ako na kung totoong nagmamahalan, lahat ng bagay ay kayang gawan ng paraan. Ngunit wag maging malungkot. Darating din ang taong magpapasaya ng buhay mo :)
ReplyDeletesa buhay talaga.. minsan kahit akala mo binigay mo na ang lahat kulang pa pala. Hindi ikaw ang may pagkukulang, hindi ikaw ang may mali, di ka nagkulang sa pagintindi at pagmamahal. Sya, sya ang may problema.
ReplyDeleteAng mga bagay na ibinigay mo sa kanya'y dapat huwag isumbat. Sapagkat ikaw ang may gustong gawin niyan. Di naman niya sinabing gawin mo yan. :)
ReplyDeleteHindi maipapakita ang tunay na pagmamahal sa mga bagay na kaya mong ibigay o gawin para sa taong mahal mo. Dahil minsan, sapat na ang malalim na pag-unawa at pagtitiwala upang maipaalam mo sa kanya ang tunay mong nadarama.
ReplyDeleteAng mahalaga ginawa mo ang parte mo, kung hindi man niya nasuklian yun, balang araw maiisip niya din kung anong pinakawalan niya. :)
ReplyDeletePag-unawa. Ito ang kailangan sa isang relasyon upang ito'y tumagal.
ReplyDeleteHindi lahat ng relasyon nagiging masaya kailangan itigil na kung ayaw niya talaga
ReplyDeletePakiramdam ko, hindi ka niya mahal. Parang mata lang 'yan eh, mahirap kung isa lang ang nakakakita. Parang katawan, mahirap kapag kalahati lang yung gumagalaw. At para ding utak, hindi pwedeng isa lang ang gumagana. Sa isang relasyon kasi dapat dalawang tao ang kumikilos.
ReplyDeleteMahalaga sa isang relasyon ang pagunawa mo sa iyong minamahal, ngunit hayaan mo magparaya nang malaman niya ang halaga nang pagmamahal mo sakanya. Isa lamang din ang ipinapahiwatig niya hindi ka na niya mahal siguro nga masakit ngunit sa pagmamahal kailangan may pasensya at pagunawa marahil makaroon ng pagaaway ngunit dapat alam niyo sa isa't-isa ang pagmamahal ay laging mula sa puso hindi sa kahit anong bagay ang meron siya. Tandaan kung para kayo sa isa't-isa kayo at kayo din ang magkakatuluyan sa bandang huli.
ReplyDeleteMarahil sobra ang binibigay mong oras sa kanya, may mga tao kasing kailangan ng oras para sa sarili at may oras para sa iyo. O sa kabilang banda naman ay marahil hindi mo pa talaga siya lubusang kilala kaya paglipas ng panahon, unti-unti na niyang pinapakita kung sino siya.
ReplyDeleteNgayon dapat maging matalino ka sa mga desisyon mo sa pagibig, para di ka na masakatan
ReplyDelete