Lazada

Saturday, September 27, 2014

Kaysarap Sigurong Magkapak-pak? Ni Ruby Jane M. Tanamor

Kaysarap Sigurong Magkapak-pak?
Ni Ruby Jane M. Tanamor

Hawak ang bolpen at kapirasong papel,
Habang nakatingala sa ulap na kahel.
Labis na namamangha sa mga ibong maya,
Tila walang pinoproblema’t tunay na malaya.

Parang napakasarap lumipad,
Kampay ang pak-pak saan man mapadpad.
Tila isang eroplano sa kalawakan
Binabaybay ang himpapawid ng walang hanggan.

Minsan ko ngang pinangarap maging si Darna,
Kaysarap sigurong mamasyal hanggang sa mga tala?
Tila wala ring wakas ang paglipad niya,
Pagod lang siguro ang kalaban niya.

Gusto ko ring maging isang paru-paro,
Maglalakbay lamang buong buhay ko.
Makakakita ng magagandang kulay,
Larawan ng kagandahan ng buhay.

Kaysarap sigurong magkapakpak?
O kaya’y super powers na walang palpak.
Mamuhay kasama ang mga bituin,
At lumipad kasama ang mga lawin.

Ngunit tila sa panaginip na lamang ito posible,
Hindi ko man maabot ang ulap ay ‘di na bale.
Hindi man makaupo sa tabi ng buwan,
Sapat na marahil ang imahinasyon kong tangan-tangan.

Sapagkat, wala man akong mga pakpak,
Isa lang ang sa aki’y tiyak.
Ipikit ko lang ang aking mga mata,
Saan ma’y pwede akong makapunta.

Ngayon nga’y para na ‘kong nasa himpapawid,
Ulap ay aking tinatawid.
Ngunit teka lang! Nawala ang aking mga pakpak!

Waa! Tiyak na sa sahig ako’y lalagapak.

20 comments:

  1. Dadalhin tayo ng ating imahinasyon kung saan man natin gustuhin.

    ReplyDelete
  2. Pangarap ko ding magkaroon ng pakpak. Paglipad sa iba't ibang lugar ay gustong gusto kong gawin. Upang makita ang mga tanawin na pinagmamalaki ng bawat tao. Ngunit alam kong kailanma'y hindi ako magkakapakpak kaya tinutumbasan ko na lamang ito ng pagbbyahe gamit ang mga paa. Sa ganitong paraan, nakakalipad ako ng walang pakpak.

    ReplyDelete
  3. Yaan din aking pangarap ang magkaroon ng pakpak at makalipad sa himpapawid ng malaman ko kung gaano ba talaga kalaki ang mga bituin. :)

    ReplyDelete
  4. Akin din minsang pinangarap ang magkaroon ng pakpak upang aking marating mga ninanais na paroonan ng walang trapikong dinaranas. :)

    ReplyDelete
  5. Gusto ko narin tuloy magkaron ng pakpak ng mabasa ko to hehehe :)

    ReplyDelete
  6. Ang galing. :) Hahaha, pangarap ko din makalipad eh, para kasing ang laya laya mo kapag kaya mong pumunta sa mga lugar na gusto mo. :)

    ReplyDelete
  7. dahil sayo mas lalo ko gustong magkapakpak! salamat sa imahinasyon kahit papano natutupad. :)

    ReplyDelete
  8. sadyang napakalawak ng iyong imahinasyon :)

    Hanggang may nakikita tayong mga bituin patuloy tayong mangarap :)
    huwag limitahan ang ating sarili hayaang lumipad at lumago ang ating mga kakayanan hanggang madala tayo nito sa tuyatog ng matamis na tagumpay :)

    ReplyDelete
  9. napaka husay napaka galing ng pagkakagawa.

    ReplyDelete
  10. ako din, nais kong magka pakpak para marating ko ang gusto kong marating gamit ang himpapawid pero ok lang din dahil sa dami na ng narating ko sa buhay para narin akong nagka pakpak

    ReplyDelete
  11. Mahusay. Wais at masining ang paggamit ng mga metapora, at organisado ang mga detalye. Magaling!

    ReplyDelete
  12. Minsa'y naisip ko na rin kung gano kasarap ang magkaroon ng pakpak. Maari kang makapunta sa mga lugar na hindi mo mapuntahan dahil sa ito ay malayo. Ngunit naisip ko din na napaka hirap lumipad. Lalo na kung umuulan. Kaya nagbago ang aking isip :)

    ReplyDelete
  13. Ang ganda! Napangiti ako sa iyong tula! Puno ng pangarap, kalayaan at pag-asa :) Sana'y patuloy ka pang gumawa at magbigay ng ngiti at pag-asa sa iba :) Mahusay ruby!

    ReplyDelete
  14. Ito rin ang aking pangarap noong ako ay bata pa. Ang tulang ito ang nakapukaw ng aking atensiyon at nang magsimula na akong magbasa, parang ako'y nagbabasa ng akda ng isang magiting na manunula dahil napakaganda ng paglalahad. :)

    ReplyDelete
  15. Magaling ang pagkakagawa ng tula. Ang emosyon ng tula'y napakasaya, at pati ako'y gusto na ring magkapakpak. Libre lamang ang mangarap, at maganda ang mangarap lalo na kung ito'y nagbibigay satin ng ligaya't pag-asa.

    ReplyDelete
  16. Mahusay ang pagkakagawa ng tula. Malawak ang imahinasyon ng sumulat :)

    ReplyDelete
  17. gusto ko in magka pakpak ngunit hindi para lumipad, kundi para maabot ko pa ang pangarap ko. mahusay ang tula na ito

    ReplyDelete
  18. Ang ganda :) Ang saya basahin ng tula na 'to. Gusto ko din kasi magka pakpak, kasi gusto ko maging malaya. Yung makakalipad ka, makakapasyal, makakapunta ka kung saan mo man gusto, makikita mo yung buong mundo gamit yung pakpak mo.

    ReplyDelete
  19. ang ganda ng tula, punong puno ng emahinasyon!
    lahat tayo gustong lumipad! mangarap lang malay natin, ito'y matupad.

    ReplyDelete
  20. Maganda ang tula at nakatutuwang basahin. Dito'y napapakita ang malawak na imahinasyon ng sumulat ng akda. Minsan din akong nangarap na magkaroon ng pakpak at maranasang lumipad.

    ReplyDelete