Kapirasong Buhay
ni Aira Charloth Padua
Hirap ng buhay sa
lansangan
Mga kapos at kaaway
natikman
Mga paghihirap nila'y
'di masisisi
Uhaw at gutom 'di na
mawari
Kabutihan ng iba sa
pagtutulungan
Kalapastangan ng iba'y
'di matawaran
Iyan ay iyong
maoobserbahan
Ang mga kapos ay iyong
kalagayan
Naghahari na ba ang
kasakiman?
Tila walang buhay kung
tapakan
Tila walang dignidad
kung yurakan
Gaano na katindi ang
kasamaan?
Tinapay mo sa iyong
bulsa
Pumatid ng kumakalam
na sikmura
Abang pulubi man sa
iyo lumuha
Walang magawa kaya sa
iyo'y balewala
Sana'y hindi magpatuloy ang ganitong gawain sa lipunan dahil lahat tayo'y may pakialam.
ReplyDeleteSa oras ng kahirapan, tayo'y magbayanihan.
ReplyDeleteMapalad na ang mga taong hindi nakatira sa lansangan, kaya dapat ay ituring nila na kapwa tao din nila ang nakatira dito.
ReplyDeleteTayo ay mga Pilipino, sa oras ng kagipitan tayo tayo rin ang magtutulungan.
ReplyDeletePagpapatunay na pangunahing problema pa rin ang kahirapan sa ating lipunan. Masakit man tanggapin sapagkat dapat sila ay tinutulungan ngunit madalas ay kinaaawaan na lamang.
ReplyDeleteHanggang may magagawa tayo, 'wag sanang ipagkait ang tulong na kailangan nila.
ReplyDeleteMadalas ay hindi iniintindi o kaya naman hinihiwalay sa lipunan ang mga mamamayan na ganito ang estado. Ngunit kapag sila ay nabigyang pansin at gabay ay makakatulong din naman silang lubos sa lipunan.
ReplyDeleteTayo'y mapapalad at may pagkain tayo sa hapag ngunit huwag kalimutan na sa panahon ng pangangailangan, hanggang sa abot ng ating makakaya ay tumulong sa kapwa. Magsikap upang magkaroon ng masaganang buhay.
ReplyDeleteHuwag nating kalimutan ang mga tao na sa ati;'y nakapaligid, magpasalamat tayo dahil, dahil sa kanila nadarama na tin kung gaaon tayo kaplad. kaya naman huwag nating iparamdam sa kanila na sila ay mga salot lamang. Ipakuta natin na sila man ay may magagawa para sa atin.
ReplyDelete