"Ako'y naiwang mag-isa, walang kasama." Tula ni Leonel Salvador
Damdamin hindi maipaliwanag,
utak ko'y tila naging bulag,
titig sa dahon ng punong nalaglag,
papalayong paglakad bagong sakit ay nadagdag
Hindi lang siya nag-iisa,
nakaraang taon ay idagdag pa,
binaon sa aking mata,
nakakilala na ng iba.
hindi ko alam kung anong nangyayari,
nagkulang ba aking pagtatangi,
nagtiwala higpit ng pisi,
kaibigan, takot ko'y tila nananatili.
Ayoko ng naiiwan,
alam kong batid mo 'yan,
kahit naman ika'y nagpaalam,
hindi, paglingon ko ako'y agad ng nililisan.
Pare-parehas lang naman tayong magkakasama,
ngunit hindi matanggap ng aking mata,
ngayon ay pinipili mo na ang iba.
Ganoon ba talaga?
May mga taong iiwan tayo pero hindi nangangahulugan na ikaw ay mag-isa sa buhay.
ReplyDeleteWalang permanente sa mundo. At lahat ng tao ay nagbabago. Matutong tumayo sa sariling paa at sa ibang tao ay huwag aasa. Magtiwala sa sarili at sundan ang alon ng buhay.
ReplyDeleteSa bawat pag-iisa ay may nakalaang makakasama dahil hindi nilalang ang tao upang mag-isa. Tingin lang sa taas at malalaman mong di ka nag-iisa.
ReplyDelete:)
ReplyDeleteHindi lamang kalungkutan ang nadudulot ng paglisan. Kaakibat nito ang panibagong paparating na kapalaran.
ReplyDeletemayroon mang umalis.. makakasa kang may darating na mas hihigit :)
ReplyDeletehindi ka namin iniiwan neloy, mahal ka namin tandaan mo yan haha.
ReplyDeletepero kung ang tinutukoy mo ay alam mo na? lagi mong tatandaan, may umalis man, may darating din naman. May mga tao talagang pansamantala lang mananahan sa ating tabi :)
Hindi naman ako aalis. Ang drama mo. Hahahahaha. joke lang. Ganun talaga bh3, yaan mo na, what goes around comes back around naman eh.
ReplyDeleteIyan ang mismong magpapalakas sa iyo. Huwag mong ikalumok. Hahaha. kahit na may umaalis may mg dumadating na mas lubos na magpapaligaya sayo. Pagtuunan ng pansin ang Pagaaral katulad ng sabi ng kapatid mong si Janella Salvador.
ReplyDelete(ANG GALING KONG MAGCOMMENT. HAHHA
ReplyDeletemay hugot :) mahusaya ang pagkakalahad ng mensahe
ReplyDeletegayunpaman hindi lahat ng tao ay mananatili sa ating buhay ngunit lahat ng lilisan ay may iiwang alaala na siyang ating panghahawakan habangbuhay :)
May mga tao talagang lumilisan at nakakalimot. Ngunit isa rin itong tanda ng panibagong buhay. Maaaring sila ang tanim upang ikaw ay magkaroon ng mas hihigit pang bagay. Maging masaya palagi.
ReplyDeletewag mong tingnan ang pangit na parte ng pag aalis, mas tingnan mo ang maganda nitong parte. ang mga alaala at aral na natutunan. may dahilan kung bakit sila umalis, pero mas magkaron ka ng dahilan para magpatuloy. maging matatag at masaya palagi.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteBago pa man maging kayo ng kasintahan mo, tandaan mo na mag isa ka lang kaya kahit iwan ka niya alam kong kakayanin mong mag isa
ReplyDeleteMaganda at matalino ang pagkakagamit ng istilo na free verse, kaya lang ay magulo ang persona ng akda. Gayunpaman, magaling!
ReplyDeleteWalang permanente sa mundo kundi pagbabago, Maaring kaibigan mo siya ngayon. Pero hindi mo alam sa susunod na araw. :)
ReplyDeleteHindi ka namin iniwan at hindi binabalak. Sadyang nagkataon lang na kinailangang umalis agad at ika'y saglit na maiwan subalit pagkakaibiga'y baon sa paglisan at dala-dala hanggang muling magkatagpuan.
ReplyDeleteMay ibang nakalaan para sa'yo. Hintayin mong dumating. Mag-aral muna bago ang iba :)
ReplyDeleteLahat ng pangyayari sa ating buhay ay may dahilan. May mga umaalis ngunit hindi ito nangangahulugang tuluyan ka na nilang nilisan. Subukan mong hanapin sa iyong puso. Nariyan pa rin naman sila at 'di mawawala. Hindi ka niya iniwan, sadyang may mga bagay lamang na sumusubok sa ating katatagan na harapin ang gulong ng ating buhay. Isa na ito. Kaya mo 'yan.
ReplyDeleteWalang permanente sa mundo, may mga taong umaalis at bumabalik sa ating buhay. Huwag matakot na maiwan mag-isa dahil ito ang susubok sa iyong pagkatao. Tandaan mo, ang Diyos ay parang buwan, hindi man natin Siya nakikita sa araw, pagdating ng dilim ay sisilay sa iyong landas ang kanyang liwanag :)
ReplyDeleteWalang permanente sa mundo, may mga taong umaalis at bumabalik sa ating buhay. Huwag matakot na maiwan mag-isa dahil ito ang susubok sa iyong pagkatao. Tandaan mo, ang Diyos ay parang buwan, hindi man natin Siya nakikita sa araw, pagdating ng dilim ay sisilay sa iyong landas ang kanyang liwanag :)
ReplyDeleteSadyang ganyan ang buhay. May mga pagkakataong tayo'y nililisan ng mga taong mahalaga sa atin. Natural lamang na tayo'y malungkot sa mga ganitong pangyayari, ngunit huwag itong patagalin sa iyong damdamin. Paglisan nila'y di nangangahulugang ika'y nag-iisa na lamang, sapagkat maaaring ito'y senyales na may bagong paparating. At huwag kalilimutan, kasama mo ang Diyos.
ReplyDeleteMasakit maiwan, pero mas masakit ipagpilitan ang samahang wala ng pagmamahalan.
ReplyDeletesabi ng propesor ko, "walang permanente kundi pagbabago". marahil ay nagbago siya o pinakita na niya ang tunay na siya.. sadyang masakit na tayo'y naiiwan ng iba pero mas masakit ito kung hindi natin malalaman kung bakit ba nila tayo iniwan.
ReplyDelete