HALIKA’T
GAGAAN ANG LAHAT
ni Paula Meneses
Nakakapagod , totoo namang ganito ang
mabuhay
Paulit-ulit, tunay na lagi at nakakaumay
Gising, aral, ano pa nga ba ang
dahilanan
Araw- araw, ang bigat sa pakiramdam
Mamamatay akong, pag-aaral lamang ang
alam
Nakakapagod, mahalin ang buhay
Magmahal ng kapwa, paulit-ulit at sabay
sabay
Ang sarap tapusin, kung iisipin ang
lahat
Nang Sya’y makilala, ako’y Kanyang
tinawag
Sabi’y, anak, halika’t ako’y lapitan
Tanong sa aki’y, pagod ka na nga bang
magbuhat?
Magpahinga ka, sa Aking kanlungan
Sa Akin ka lumapit at gagaan ang lahat
Problema’y, patuloy na dinadanas
Ngunit, totoong Sya ang kasagutan!
Di dahil nabawasan, ngunit alam na
ngayon ang kadahilanan
Walang aksidente, sa mundong ibabaw
Lahat ay ayon, sa plano ng Maykapal
Ika’y Kanyang anak kaya patuloy na
tutulungan
Makikialam, tutubusin, maligtas ka
lamang
Ika'y Kanyang itatama, ayaw ka Nyang
mabuhay sa kadiliman
Kapit bisig tayo, kasama Sya sa
pagbuhat!
Kapag isinama natin ang Diyos sa lahat ng ating ginagawa, mas magiging madali at maginhawa ang ating buhay.
ReplyDeletePaginuna ang Diyos, lahat nagiging MAAYOS :)
ReplyDeleteAnuman ang ating gawin, kahit gaano karami ang mga gawain, huwag nating kalimutan ang Diyos na nagmamahal sa atin.
ReplyDeleteAmen. Ipagpasa-Diyos natin ang lahat. Paniguradong hindi nya tayo pababayaan.
ReplyDeleteAng Diyos ay laging kasama natin. Lagi niya tayong gagabayan saan man tayo pumunta at ano man ang ating gagawin.
ReplyDeleteKay Lord, may purpose ang lahat ng bagay. Bawat tawa, bawat iyak, basta ibibigay mo sa kaniya, Siya ang bahala. <3
ReplyDeleteSi God lang talaga ang ating consistent na sandalan! Amen! :)
ReplyDeleteTama. Lahat ng bagay ay naaayon sa Kanya. <3
ReplyDeleteSa oras na halos sawang-sawa ka na, nariyan ang Diyos, handang sagipin ka.
ReplyDeleteMagtiwala lamang tayo sa kanya. May plano Siya at may dahilan lahat ng nangyayari sa ating buhay.
ReplyDeleteNapakasarap malaman na lahat tayo ay mahal ng Diyos. Lahat ng bagay ay perpekto Niyang ginagawa. Dumadating siya palagi, lalo na sa panahong kailangan mo siya.
ReplyDeleteAng Diyos lang ang makakapagbigay sa atin ng tunay na kapahingahan.
ReplyDeleteWalang ginawa ang Diyos na hindi mo kayang lagpasan basta tayo lang ay mag tiwala at magbalik loob sa Kanya sapagkat Siya ang lumikha ng sanlibutan.
ReplyDeleteWalang mahirap kung pagtutulungan, ang lahat ay gagaan. Pero wala nang mas gagaan kung ang Diyos ang ating kanlungan.
ReplyDeleteAng Diyos ang lahat, siya ang nagkukumpas kung saan ba tutungo ang takbo ng ating buhay. At sa isang tawag mo lang, sa'yo ay handa Siyang dumamay, minsan nga hindi ka pa tumatawag, nakariyan na ang Kanyang balikat upang iyong masandalan.
ReplyDeleteNoon ganyan din aking nadarama na para bang nauumay sa lahat ng ginagawa. Pero nang Diyos Ama ay dumating sa aking buhay nagkaroon na ito ng kulay at buhay. Nakaramdam ako nang walang hanggang kasiyahan at nagkaroon ako ng "peace of mind". :D
ReplyDeleteKung hindi natin makikilala ang Diyos, hindi natin malalaman na may rason ang mga bagay-bagay. Hindi rin natin maiisip na magaan at kayang-kaya nating buhatin ang mga problema, sapagkat may kasama tayong magbubuhat dito. Nabibigatan lang tayo dati sapagkat hindi natin alam na katuwang natin ang Diyos sa mga pagsubok na kanyang ibinibato sa atin upang maihanda tayo para sa masmahahalagang bagay.Sarap mahalin ng Diyos :)
ReplyDeletemay mga pagkakataon talaga na dumadating tayo sa ganyang sitwasyon at kung minsan gusto na lang natin sumuko, pero dahi sa Kanya lahat ng problema, pag-aalala,at pakiramdam na parang hindi tayo nararapat sa buhay na to at nawawala at nabubura. :)
ReplyDeletemay mga pagsubok talaga na binibigay sa atin pero lahat ng ito ay may dahilan. kailangan lang ng matatag na tiwala at pananalig sa Diyos upang makayanan natin ang lahat ng pagsubok.
ReplyDeleteAng pagsubok nga ay parte na nga ating buhay. Dito matitignan kung hanggang saan ang ating makakaya. Nakakapagod nga kung tutuusin pero sa bawat pagsubok wag kang bibitiw dahil sa bandang huli mgandang resulta ang kalalabasan. Kapit lang sa panginoon wag mawawalan ng pag-asa. Dahil andyan lang siya sa ating tabi di man natin nakikita ngunit atin naman nararamdaman. Mabigat kung tutuusin ngunit lahat ito nito ay gagaan sa pamamagitan ng pagtitiwala sa poong maykapal. Mahal tayo ng diyos at kahit kailan hindi niya tayo papapbayaan. Napakamakabuluhang tulang na hindi natatapos ang paghihirap ngunit lahat nito ay magagawa kung ating ibibgay ang tiwala sa Diyos.
ReplyDelete