Lazada

Sunday, September 7, 2014

Para sayo Kaibigan Ni Alliza Joy Bernardo

Para sayo Kaibigan
Ni Alliza Joy Bernardo



Kaibigang matalik,
yan ang tawag sa atin.
Sa lahat ng bagay ay
Magkasamang tunay.

Sa laki ng mundo,
sa dami ng mga taong
dumating sa buhay ko
Nanatili ka't naging totoo.

Nakakatuwang isiping
may isang katulad mo
ano mang mangyari
andyan at di nagbabago.

Sa panahon ngayon,
ako'y may napagtanto.
Wala sa dami ang basehan
Kundi kung sino ang totoo.

Mahal kong kaibigan
Salamat sa lahat lahat
Nawa'y walang hanggan
ang ating samahan.

4 comments:

  1. Ang isang tunay na kaibigan ay isang sa ating mga natatanging kayamanan bukod sa ating pamilya, pag-aaral, at iba pa. Ang pagkakaroon ng isang kaibigan ay maihahambing sa pagkakaroon ng isang "emotional insurance" -- kahit na anong problema ang dumating sa'yo, alam mong lagi siyang nariyan upang damayan ka.

    ReplyDelete
  2. Bihira lang talaga ang totoong kaibigan. Sila ay tunay na kayamanan. Mahirap matagpuan, ngunit wala namang kasing halaga.

    ReplyDelete
  3. marami mang depinisyon ng isang tunay na kaibigan, ikaw at siya lamang ang makapagpapatunay sa buhay ninyong dalawa kung ano, paano at gaano kahalaga ang isa't-isa sa buhay niyong dalawa. hindi man kayang sabihin ng bibig, pero sa puso'y naroon ang malaking puwang ng isang kaibignang biyaya ng Diyos sa bawat nilalang. ^_^

    ReplyDelete
  4. sa tingin ko ito ang isa sa pinaka magandang depinisyon ng pagkakaibigan; napakagandanag tula, naipapakita nito kung gaano nga ba kasaya ang makasama ang isang tao na naging kasangga mo sa buhay, kahit na hindi kayo magkadugo at magkaibigan lang. ( (y) ._.) (y) napaka astig ng tulang to! :DD

    ReplyDelete