Lazada

Sunday, September 7, 2014

Pasasalamat kay Inay ni Elaine H. Cortez

Pasasalamat kay Inay
ni Elaine H. Cortez

Inay, magmula noong unang pagmulat ng aking mga mata,
ay ikaw lamang ang aking ninanais na unang makita.
At gusto ko lamang ay ikaw ang laging makasama.
Aalagaan kita't kahit kailanma'y hindi magsasawa.

Aking mahal na Inay, masuwerte ako sa iyong gabay,
at dahil na rin sa iyong mahiwagang kamay.
Ang aking buhay ay para lamang sa iyo,
mahal kita, araw-araw kong uulitin sa iyo.

Nandito lamang ako para sa'yo at magsisilbing tungkod,
lalo na kapag puti na ang iyong mga buhok.
Aking Ina ito lang ang masasabi sa iyo,

salamat ako ay iyong inaruga.

17 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Pagkat ang pag-aalaga ng isang ina ay walang kapantay at pagmamahal ay walang anumang kapalit na hinihintay.

    ReplyDelete
  3. Nararapat lamang na ang ating mga ina ay pasalamatan dahil sila ang gumagabay at humuhubog ng ating pagkatao simula pa noong nasa sinapupunan.

    ReplyDelete
  4. Kay buti ng Panginoon at pinagkakalooban ang bawat isa ng inang sa kanila'y maghuhubog at mag-aaruga. Pinagpala tayo. Marapat lamang na atin silang pasalamatan.

    ReplyDelete
  5. Sila ang humubog sa ating asal at gumabay sa ating paglaki kaya dapat lamang na sila'y pasamalamatan.

    ReplyDelete
  6. Siya'y dakilang biyaya mula sa Panginoon. Kay bilis ng panahon kaya't huwag sayangin ang pagkakataon. Salamat sa mga dakila nating Ina.

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. Dapat talaga nating pasalamatan ang ating mga ina. Kahit na ang ginagawa nila ay walang kapalit, suklian natin ang pagmamahal at pag-aarugang ibinigay nila sa atin.

    ReplyDelete
  9. Nararapat lamang talaga na ating pasalamatan ang ilaw ng tahanan ng ating tahanan, ang mga ina. Habang sila pa ay kasama natin sa mundong ginagalawan, ating iparamdam sa kanila ang ating pagmamahal at pasasalamat.

    ReplyDelete
  10. Ano pa man ang mangyari, siguradong ang ating mga ina ang mananatili sa ating tabi. Ganyan mag mahal ang mga ina.

    ReplyDelete
  11. Ang ating ina ang gumabay sa atin simula nang tayo'y isinilang, Sila ang humubog sa ating pagkatao at nagturo sa atin ng maraming mga bagay. Marapat lamang na sila'ly ating pasalamatan.

    ReplyDelete
  12. utang natin ang ating mga buhay sa kanila dapat lamang natin itong suklian.

    ReplyDelete
  13. mahal na mahal tayo ng ating ina. kaya naman dapat din natin iparamdam ating pagmamahal sa kanya. laging pangitiin, at laging alagaan.

    ReplyDelete
  14. walang makakatumbas sa pagmamahal at kalinga ng isang ina :)

    ReplyDelete
  15. Napakagandang tula :) Siguradong matutuwa ang iyong ina kapag ito ay kanyang mabasa. Natutuwa ako dahil pinahalagahan mo ang iyong ina. Utang natin ang buhay natin sa ating mga nanay kaya nararapat lamang silang pasalamatan at dakilain. :)

    ReplyDelete
  16. Nakakatuwang isipin ang paggawa mo ng tula bilang pasaalamat para sa'yong nanay. Sa panahon kasi ngayon, bihira na lang ang kabataang nagpaparamdam ng pasasalamat na idinadaan sa tula. Nawa'y ito'y kanyang mabasa. Mabuhay ka!

    ReplyDelete
  17. Napaka-swerte ko sa aking nanay. Siya ang tumayong nanay at tatay ng buong pamilya lalo na noong nawala na ng tuluyan ang ama ko. Ginagawa niya lahat para lang sa aming kapakanan kahitna minsan ay di kami magkaintindihan. Mahal ko ang nanay ko at walang makakapagbago dun kahit lumipas ang panahon ❤️

    ReplyDelete