Buhay
Iskolar
Ni Ma. Erika M. Florencio
Sa aking pag gising twing umaga
Kagustuhang muling pumikit ay di inalintana
Kumain, maligo at mabilis na nagbihis
Siniguradong walang nakaligtaan sa pag alis
Tulad ng inaasahan, ako ang una sa silid
aralan
Nagbukas ng libro upang utak ay mapunan
Nang mga leksyong sinabi ng guro’y ngayon
naming pag-aaralan
Upang hindi mahuli kapag kami ay nagtalakayan
Sa pagdating ng guro, handa na ang aking gamit
Pagsulat ng napakahaba ay nagdulot nga ng
sakit
Ngunit di pinansin at nagtuloy padin
Maraming bagay ang dumagdag sa mga dapat
alamin
Sa aking pag uwi ay may baong ngiti
Sapagkat sa aking mga magulang na nagpagod ng
sarili
Isang magandang kinabukasan ang aking
maigaganti
Kaya buhay Iskolar kailanma’y di isasantabi.
Ganito ang buhay ng mga eskolar ng bayan. Ngunit sa panahon ngayon sana ay dumami kami at hindi mabawasan. Pagkat ang iba ay ginagamit ang katagang "eskolar ng bayan" bilang isang titulo na lamang at hindi ito pinaninindigan. Nakalulungkot isipin ngunit totoo.
ReplyDeletePag nabasa ito ng iyong mga magulang ay tiyak matutuwa sila dahil ang pagiging iskolar ng bayan ay binubuhay mo sa salita at sa gawa.
ReplyDeleteIto ang tunay na eskolar ng bayan! Ipagpatuloy ang ganyang gawi at maging magandang ehemplo sa iba.
ReplyDeleteNakasisiyang Isipin na ikaw ay tunay na matatawag na ESKOLAR NG BAYAN!
ReplyDeleteAng Buhay ng Iskolar ay hindi madali dahil bilang isang Iskolar ng bayan ikaw ay may malaking ginagampanan sa lipunan hindi ka lang isang mag-aaral na nais matuto kundi ika'y isang mag-aaral na ehemplo sa kapwa mo estudyante kaya't itong tula na ito ay napakaganda at totoo ang nilalaman.
ReplyDeleteKung mayroon man akong sobrang maipagmamalaki sa lahat, iyon ay ang pagiging isang Eskolar ng Bayan. Mahirap, oo, dahil sa sobrang dami ng responsibilidad mo bilang isang mag-aaral. Tunay ka ngang eskolar ng bayan kung meron kang "uhaw". Uhaw para sa pag-aaral na sa kahit nasaan ka man, maiisip mo na napakasaya ngang mag-aral. Eskolar ng Bayan!!!!!!
ReplyDelete