Paalam Kaibigan
ni: Christian I. Sierra
Unang araw mo sa amin
Binago mo ang aming gawain
Dinagdag ng kulay
Ang munti naming buhay
Pagmamahal mo'y walang kapantay
Walang kapalit sadya lang tunay
Walang pagod sa pagbabantay
Masigurado lang ang kaligtasan
Walang tulad ang pagmamalasakit
Pag-iingat sa kanila'y paulit ulit
Nais lang na ika'y mapalapit
Sa mga anak naming makukulit
Mundong nagsimulang lumungkot
Panghihina mo'y nagbigay takot
Pagluha namin hindi mapigilan
Munti naming kaibigan, kami'y iniwan
Mga alaala mo'y hindi malilimutan
Lalo na sa iyong kakulitan
Laking pasasalamat na ika'y pinahiram
Matalik kong kaibigan, paalam
ni: Christian I. Sierra
Unang araw mo sa amin
Binago mo ang aming gawain
Dinagdag ng kulay
Ang munti naming buhay
Pagmamahal mo'y walang kapantay
Walang kapalit sadya lang tunay
Walang pagod sa pagbabantay
Masigurado lang ang kaligtasan
Walang tulad ang pagmamalasakit
Pag-iingat sa kanila'y paulit ulit
Nais lang na ika'y mapalapit
Sa mga anak naming makukulit
Mundong nagsimulang lumungkot
Panghihina mo'y nagbigay takot
Pagluha namin hindi mapigilan
Munti naming kaibigan, kami'y iniwan
Mga alaala mo'y hindi malilimutan
Lalo na sa iyong kakulitan
Laking pasasalamat na ika'y pinahiram
Matalik kong kaibigan, paalam
Ang buhay ay may hangganan. Hindi lamang natin alam kung kailan tayo nakatakda.
ReplyDeleteMaaaring mawala ang mga mahal natin sa buhay ngunit mananatili ang kanilang alaala sa ating puso't isipan.
ReplyDeleteAng pagmamahal ay hindi tumitigil sa pagkawala ng isa -nananatili ang pag-ibig sa puso at alaala sa isipan.
ReplyDeleteAng pamamaalam ay hindi ibig sabihi'y katapusan. Ito'y natural na karanasan lamang ng bawat nilalang na nagmamahal.
ReplyDeleteNaalala ko dito yung kaibigan ko "noon". Ewan ko ba! Bigla nalang kaming hindi na nagpansinan pagkatapos ng graduation nung highschool.
ReplyDeleteGanyan talaga ang buhay, may mga nauunang namamaalam ngunit mga alaala nila'y mananaig pa rin sa atin
ReplyDeleteMay mga bagay na sadyang hindi mo na maibabalik ngunit ang mga alaala sa mga ito ay mananatili.
ReplyDeleteSa kanyang naiwang alaala'y tiyak na may natutunan. Nais niyang magpakatatag ka't ipagpatuloy mo ang iyong huhay.
ReplyDeleteMawala man siya sa pisikal na kaanyuan, sigurado akong ang alaala niya'y mananatili sa inyong mga puso't damdamin.
ReplyDeleteHuwag malungkot sa pagkawala ng kaibigan pagkat hindi naman mawawala ang alalang iniwan niya sa iyong buhay.
ReplyDeleteNawala man siya sa pisikal na mundo ngunit hindi sa mga alaalang nagdurugtong sa inyo.
ReplyDeleteMalungkot ang mawalan ng kaibigan, lalo na kung marami na kayong pinagsamahan. Ngunit, ang mga alaalang kanyang iniwan; mananatili pa rin sa iyong puso't isipan.
ReplyDeleteMahirap mag-paalam sa isang tao na sobrang naging malapit sa atin. Oo, masakit, pero kailangan natin ito tanggapin. Basta lagi natin tatandaan: mawala man ang kaibigan, ang kanilang alaala ay lagi naman nariyan.
ReplyDeleteIsa pang katotohanan na ang lahat ng bagay ay may hangganan, ang bawat sandali ay hiram lamang kaya naman sulitin natin ang bawat minutong lumilipas upang kapag ito ay mawakasan na, may mga magagandang alaala pa rin tayong magugunita.
ReplyDeleteHindi talaga maiiwasan ang katapusan, maaaring wala na siya ngunit kung tunay siyang minahal at pinahalagahan, sa iyong puso siya'y mananatiling tuluyan. :)
ReplyDeletehabang may panahon n kasama mo pa ang iyong mga kaibigan, wag sayangin ang oras n kayo'y magkakasama :)
ReplyDeleteAng mga bagay sa mundo ay hindi pangmatagalan, lahat ay may katapusan. Habang nariyan pa ang mga taong mahal natin at nagmamahal sa atin, iparamdam natin sa kanila ang kanilang importansya. Maaaring nawala man sila, pero mananatili pa rin ang mga masasayang alaala :)
ReplyDeletemasakit mawalan ng isang tao o ng isang bagay na talaga namang importante sayo. lalo na kung ito'y nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay mo. pero sa pagkawala nito ay hindi pa ito dulo. pagkat sa iyong buhay magkakaroon ng panibagong yugto.
ReplyDeleteTama bang ito'y para sa isang aso? :) Sadyang kay hirap nga ang mawalan ng alaga lalo na kung nakita mo kung paano siya pumanaw. Alam ko sapagkat narasanan ko. Isipin mo na lang ang masasaya niyong alaala at isipin mong mas makakabuti na rin iyon sa kanya:)
ReplyDeletehindi mo man siya nakikita pero binabantayan ka niya. (pwede manakot? joke. haha)
ReplyDeleteMararamdaman ang bahid ng lungkot dala ng pagkawala ng munting kaibigan. Hindi talaga maiaalis ang mga pangyayaring natural na nagaganap. Gayon pa man, hindi natin maiaalis ang katotohanang mas nakikita natin ang halag ng sino man o ano man kung ito ay biglaang lumisan. Ang importante ay may ala-alang maiiwan at hindi kailan man lilisan kahit na naising iwaksi man.
ReplyDeleteNaalala ko ang mga kaibigan ko dati. Lumisan din sila ng kay tagal-tagal ngunit sila'y bumalik. Laking tuwa ko noon. Sana sa'yo din.
ReplyDeleteMagkaroon ng pagkakataong makasama ng lubos ang mga kaibigan sa ngayon para maraming ala-alang babalikan ng tanaw.
ReplyDeleteNapakaganda ng iyong tula. Nakalulungkot isipin ang pag-iwan sa atin ng mga matalik nating kaibigan.
Lahat talaga ay naglalaho :) pero mapalad ka at nakilala at nakasama mo siya kahit sa maikling sandali...pero matanong ko lamang ah, paumanhin pero isa ba itong aso? kung sabagay kahit kami ay itinuturing na namin silang kabilang sa pamilya :)
ReplyDeleteNakakalungkot. May mga bagay na lubha nang napamahal sa atin ngunit sila'y maaga ding kinuha sa atin. Ngunit pisikal lang naman ang nawawalan ng buhay, ngunit sa puso natin, alaala nila'y mananatiling gabay. :)
ReplyDeleteMay mga pagkakataon talagang tayo'y naiiwan ng mga taong napamahal na sa atin. Ngunit tandaan natin na kung sila man ay lumisan, di sila lubos na umalis pagkat silay habambuhay na nakatatak sa ating puso't isipan.
ReplyDeletesa tingin ko, ang tulang ito ay patungkol sa kanyang alagang aso.. mas mabilis ang isang taon para sa isang aso ngunit nagagawa nitong lahat para sa kanyang amo.. maganda ang pagkakagawa sa tula dahil marami itong pwedeng ipahiwatig.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDelete