Sabi Ko Nga
Ni Jonalyn Bautista
Sabi ko nga, alas-otso tayo
Oo, nangako na naman ako
"Peksman," sabay taas pa ng kamay
Na pang-"Panatang Makabayan."
Pero balik sa dati kong gawi
Lakad-takbo para 'di mahuli
Nagdarasal, sana'y tulog ka pa
Kaysa mamuti ang iyong mga mata.
Takbo 'ko dito, takbo 'ko doon
"Para" 'ko dito, "Para" 'ko doon
Heto na, nahihilo na ako
"Teka, time first," sabay peace sign pa 'ko.
Pagdating ko, akala wala ka pa
Sabay abot ng papel ng tindera.
Nasabi'y, "Wow. Umalis ka na pala.
Pero, at least sa 'ki'y may liham ka."
Akala ko may emergency lang
O kaya'y may migraine ka na naman.
Pero sa sulat mo'y, "Ayaw ko na."
Sabi mo pa'y sawang-sawa ka na.
May mga relasyong humahantong para sa ikabubuti. Maging masaya ka man o hindi.Planado ng Diyos ang lahat ng ito. Huwag malungkot pagkat mahal ka Niya. :)
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteLahat ng pangyayari sa ating buhay ay may kadahilanan. Hindi palang siguro natin malalaman sa kasalukuyan pero balang-araw ito'y ating maiintindihan.
ReplyDeleteAng pagpapahalaga na ginagawa ng isang tao para sayo, ay ang pagpapahalaga din na gusto niyag maramdaman mula sayo.
ReplyDeleteMahirap mag-ipon ng tiwala. Taon ang nagugugol kaya't nararapat lang na kung ano ang lumabas na salita sa iyong bibig ay marapat lamang na iyong tuparin.
ReplyDeleteAng sakit. Wala mang permanente sa mundo kundi pagbabago, mananatili padin akong nakakapit na may "forever". :)
ReplyDeleteMasakit man isipin ang mga ganiyang bagay lalo na't lalayo ang isang taong naging bahagi ng ating buhay, ngunit atin na lamang iisiping may mas maganda pang plano ang Diyos sa atin.
ReplyDeleteLahat ng bagay ay nangyayari ng may dahilan. Kaya siguro nangyari ang bagay na ito ay may plano ang Diyos na mas makabubuti sayo.
ReplyDeleteMatuwa ka, pagkat ikaw ay inilayo ng Diyos sa taong di nararapat para sa iyo. Marahil kung magpapatuloy pa ang inyong relasyon ay maaaring mapahamak ka o mapunta ka sa isang kalagayang di mo magugustuhan. :)
ReplyDeletePanget na kaugalian iyong palitan at nang sa mga susunod ay walang taong muli pang masaktan.
ReplyDeleteSa halip na malungkot ay magpasalamat na nangyari ito. Tandaan na nangyayari lamang ito upang tayo'y makapulot ng aral at gamitin ang mga aral na iyon sa susunod.
ReplyDeleteLimutin ang mga masasakit na alaala at magpasalamat na siya'y iyong nakilala. Pagkat sa iyong buhay, marami ka pa namang makikilala.
ReplyDeleteMahirap talaga kapag sinimulan mo ng mangako, kasama na dito ang pag-asa ng taong pinangakuan mo. Magandang maging aral sapagkat ang salitang pangako ay hindi basta-basta dapat binibitiwan dahil may kalakip itong responsibilidad. :)
ReplyDeleteMay mga bagay na para sa atin mahirap tanggapin, pero kailangan. Ang isang bagay naman hindi lang yan basta basta nangyayari nang wala lang, palagi yan may dahilan. :)
ReplyDeleteHindi sa lahat ng pagkakataon ay nakukuha natin ang lahat ng gusto natin, sadyang parte na ng katotohanan ng buhay ang mga pagkakataon kung saan ay kailangan nating magparaya at tanggapin ang realidad.
ReplyDeletesayang effort! gayun pa man, mabuti ng ikaw ay may ginawang paraan. mauwi man sa wala ang lahat, may ginawa ka padin at hindi ka talo dun. kanyang kawalan iyon.
ReplyDeleteKapag nawala sa atin ang isang bagay, hindi tayo dapat malungkot sapagkat patunay lamang iyon na may ibang nakalaan para sa atin na masmakakabuti pa. Ang importante ay hindi ka nagkulang sa pagbibigay halaga sa kanya, dahil siya rin ang tiyak na masmanghihinayang sa inyo sa huli.
ReplyDeletemapapawi rin ang kalungkutan sa pagadating ng panibagong tauhan sa iyong istrorya. panahon lang ang kailangan
ReplyDeleteAw. :( Pero okay lang yan ate. Kasi kung sa simpleng pagkikita nyo'y di na nya kayang maghintay pano pa kung pang matagalan na hintayan na diba? Saka walang permanente sa mundo, kaya kung ano man ang nararamdaman mo ngayon ay paniguradong magbabago sa pagdating ng panahon. :)
ReplyDeletemasakit, pero mas maganda nang tinigilan na nga ang pag-iibigang walang konsiderasyon at walang pagkakaunawaan. :'(
ReplyDeleteKay hirap talagang maghabol sa taong ayaw magpahabol. Kahit anong bilis pa ang 'yong gawin, hinding hindi mo sya aabutan. May mga bagay sa mundo na hindi man natin maintindihan ang dahilan bakit ito nangyari, e dapat pa rin nating ipagpasalamat. Sa tulang ito, makikita natin na ang taong nang-iwan ay walang kahit katiting na lakas ng loob upang siya ang magsabi ng personal na ayaw na niya. Hindi ba, napaka-bastos lang ng kanyang ginawa? Isa sa mga tunay na basehan ng pagmamahal ng isang tao ay ang kanyang attitude sa paghihintay. Ang tunay na nagmamahal e kayang maghintay gano man katagal ito dumating. Kaya nga may phrase na "True Love Waits" e kasi nakakapaghintay ang tunay na pag-ibig. <3
ReplyDeleteaww... relate. ganun talaga. may mga tao talagang nagsasawa rin. napapagod rin sa kaiintindi satin. matuto din kasi tayong magpahalaga sa efforts ng iba. kasi hindi ka namn niyan pag-aaksayahan ng panahon kung hindi ka mahalaga sa kanya. ^_^
ReplyDeletemahalaga talagang pahalagahan natin ang mga bagay at tao na nasa sa atin pa. kahit kasi mahal tayo ng isang tao darating pa rin ang araw na mapapagod sila lalo na kung hindi natin nabibigyan ng halaga.
ReplyDelete