Lazada

Saturday, September 27, 2014

Unang sayaw ni Raquel Balatinsayo

Unang sayaw ni Raquel Balatinsayo

Gabi na halos
ngunit kasiyaha'y di parin tapos
bawat sayaw ay para bang nilulubos
dahil ang oras ay kapos

Habang ako ay naglalakad lakad
at kung saan saan napapadpad
paikot ikot sa sayawang malapad
aking hiling ay biglang natupad

Nang may humawak sa aking palad
at sayawan ako'y kinaladkad
paa ko'y hinayaang sumadsad
dahil sa gwapong mukhang sa akin tumambad

Aking kaibigang pinapantasya
ang sa aki'y yumaya
tuloy ngiti sa aking mukha
buong gabi di na nawala

Bawat galaw
sa unang sayaw
ay magiging parte ng kahapon
na sa puso ay pang habang buhay ay nakabaon

18 comments:

  1. Panginoon pa rin ang gumagawa ng iyong istorya

    ReplyDelete
  2. Nakakatuwa dahil halos magkatulad ang ating karanasan sa unang sayaw.

    ReplyDelete
  3. Nakakatuwang basahin ang akda. Mararamdaman ang nais ipahiwatig ng may akda. Hindi ko maiwasang maalala ang tamis at kilig ng aking unang sayaw.

    ReplyDelete
  4. nagbalik ang masayang karanasan ko sa aking unang sayaw sa pagbasa ko ng akdang ito.

    ReplyDelete
  5. Aking muling naalala mga karansan ng aking unang sayaw. :)

    ReplyDelete
  6. Ang ganda Raquel. Ngayon ko lang nakita 'to Galing mo.

    ReplyDelete
  7. Ipinadama mo sa iyong mga mambabasa ang kilig na iyong nadama sa unang sayaw. Magaling! :)

    ReplyDelete
  8. ang ganda, naalala ko naman tuloy yung "huling sayaw" ko sa crush ko nung JS hehe

    ReplyDelete
  9. muli tuloy nagbalik ang kilig nang maalala ko din ang aking unang sayaw! <3

    ReplyDelete
  10. magaling!!! salamat sa tulang ito. may naalala ako. ^_^

    ReplyDelete
  11. habang binabasa ko ang tula, nararamdaman ko rin ang kilig na naramdaman ng manunulat. maraming salamat.

    ReplyDelete
  12. mahilig akong sumayaw.... ng waltz, iyon lang kasi ang alam kong sayawin at matagal ko nang hinihintay yung taong maisasayaw ko ng parang nakalutang sa ere ang aming mga paa....

    ReplyDelete
  13. Naalala ko yung memories ko na nung highschool at nung JS prom. Galing! :)

    ReplyDelete
  14. Ramdam ang tono at emosyon ng akda. Kaya lang ay may mga verb confusions. Gayunpaman, maganda ito.

    ReplyDelete
  15. May mga inappropriate terms man ay naiparating pa rin ang emosyon ng tula higit sa lahat ang kilig ng pangunahing tauhan. :)

    ReplyDelete
  16. Saktong sakto 'tong tula na 'to sa naramdaman ko nung nag-JS ako. Medyo nakakatuwa na naaaalala ko dahil isa 'yon sa mga pinakamasayang nangyari sa akin. Nakakalungkot rin isipin dahil hanggang doon nalang iyon. Hindi na pwedeng maulit, at hindi na pwedeng balikan. :)

    ReplyDelete
  17. Naaalala ko yung JS ko, isa talaga ito sa pinaka masayang gabi ng aking buhay ☺

    ReplyDelete