Lazada

Monday, March 2, 2015

MAKINIG KA SA SINASABI NGMAGULANG MO

MAKINIG KA SA SINASABI NGMAGULANG MO
ni Jean Pauline Ventula

Makinig ka sa sinasabi ng magulang mo
Kasi magulang mo sila

Makinig ka sa sinasabi ng magulang mo
Sila ang nagpalaki sa’yo

Makinig ka sa sinasabi ng magulang mo
Sila ang nagpapakain sa’yo

Makinig ka sa sinasabi ng magulang mo
Sila ang nagpapa-aral sa’yo

Makinig ka sa sinasabi ng magulang mo
‘Wag mo munang isipin ang pag-ibig

Makinig ka sa sinasabi ng magulang mo
Bata ka pa, mag-aral ka muna

Makinig ka sa sinasabi ng magulang mo
Lolokohin at gagamitin ka lang niyan

Makinig ka sa sinasabi ng magulang mo
Para hindi ka masaktan

Makinig ka sa sinasabi ng magulang mo
Dahil sa huli, malalaman mo na tama sila

Makinig ka sa sinasabi ng magulang mo
Dahil alam nila ang nakakabuti para sa’yo

Makinig ka sa sinasabi ng magulang mo
Dahil kung ‘di mo alam, mahal na mahal ka nila

9 comments:

  1. Ang ating mga magulang ay ang ating mga unang guro na nagturo ng tama at mali. Ayaw nila tayong mapahamak at mawala sa tamang landas kaya't paslamat tayo sa mga magulang na buong pusong nagmamahal ng totoo sa kanilang mga anak. Sila ang gumagabay sa atin araw-araw malayo man sila sa ating tabi. Ito'y isang tulang magbubukas ng ating isipan na dapat matuto tayong makinig sa ating mga magulang kahit tayo'y matanda na dahil sila ang nakakaalam ng makakabuti sa atin.

    ReplyDelete
  2. Hindi natin dapat binabalewala ang mga sinasabi ng ating mga magulang, dahil higit kanino man, sila ang nakakaalam ng tama.

    ReplyDelete
  3. Ang magulang natin ang mas nakakaalam kung anong mas nakakabuti para sa atin. Lagi silang nagpapayo at nagbibigay ng sermon sapagkat ayaw nila tayong masaktan at mapariwa sa buhay.

    ReplyDelete
  4. Dapat nating igalang ang sinasabi ng mga magulang natin dahil alam nila ang mas makakabuti sa atin. Dapat natun silang sundin dahil mas alam nila ang ginagawa nila kaysa sa atin. Dapat nating isipin na sila ang ating mga magulang at gusto lamamg nila na mapabuti tayo t malagay tayo sa maayos na pamumuhay.

    ReplyDelete
  5. Marahil nga ay magalit sila satin ngunit kanilang lang naman iniisip ang ating kapakanan at magandang kinubukasan natin. Ayaw lamang nila malihis ang ating landas sa masamang bagay kaya nila tayo ginagabayan ng lubusan. Ganyan ang pagmamahal nna ibinibigay satin dahil anak nila tayo at wala silang hinangad kundi ang maandang kinabukasan at kasiyahan mo. Kaya ating tandaan na kung wala sila. Di tayo mabubuhay sa mundong ito. At isang inspirasyon at aral ang nagbigay sa akin ng tulang ito. Napakagaling! :)

    ReplyDelete
  6. Ang mga magulang ko, para sa akin, ang pinakamahalagang biyaya na natanggap ko. Oo nga't sabi nila na hindi mo mapipili ang mga magulang mo. Pero kung sakali mang dumating ang panahon na papiliin ako kung sino ang gusto kong maging mga magulang, sa kanila parin ako babagsak.

    ReplyDelete
  7. Ang magulang ang pinakamahalagang tao sa mundo na para sayo, una sa lahat sila ang taong nagbigay buhay sayo. Pangalawa sila ang nag-aruga nung mga bata ka pa at gumamot ng iyong mga sugat kapag nadadapa ka, nagluluto kapag nagugutom ka. Pangatlo itinatama nila ang iyong mga kamalian dahil ayaw nila na ikaw ay mapahamak sa kahit anong aspeto ng buhay atnaging gabay sayong paglaki. Panghuli, sila ang nagmahal sayo ng buong buo, na lahat ng magustuhan mo para sayo ay sisikapin nilang ibigay kaya mahalin nating mabuti at todo ang ating mga huwarang magulang.

    ReplyDelete
  8. alam ng magulang ang makabubuti sa kanyang anak ☺

    ReplyDelete
  9. hindi ka kaylanman ipapahamak ng iyong nagmamahal na magulang kaya dapat mo silang sundin.

    ReplyDelete