Lazada

Sunday, September 7, 2014

Paalam! ni Aira Charloth Padua

Paalam!
 ni Aira Charloth Padua



Minsan ako ay tunay na nalito
‘Di maintindihan ang laman ng puso
Mga panahon ako ay nahihilo
Isipan at damdamin ay gulo-gulo

Sa tulong ng malapit na kaibigan
Sa akin ay kanyang pinatunayan
Na hindi pag-ibig ang nararamdaman
Ito’y dulot ng sobrang pag-iisip lamang

Dalawang araw ang aking itunuon
Ngunit ang aking puso’y  ‘di tumugon
Hindi maaaring maitali sa kahapon
Dahil dama ko na ang langit ngayon

Ako ay pawing nadala
Ng kalokohan at pangutya
Ngunit sa likod ng aking mga mata
Purong pagkakaibigan at walang malisya

Paalam na sa munting damdamin
Mga gumugulo sa atin, ‘wag isipin
Iisang pag-ibig lang ang hangarin
Wala nang iba, kundi sa kanyang piling

7 comments:

  1. Habang binabasa ko ang iyong tula Bb. Padua, pumasok sa isip ko ang salitang "tukso". Oh kay hirap talaga kapag puso na ang tumibok, nagkakagulo na. Minsan, tunay na pala ang iyong nadarama at minsan nama'y hindi. Kaya marapat na maging maingat sa inyong mga aksyon. :))
    Anyway, isang magandang tula. Ipagpatuloy lang 'yan.

    #HugotPaCharloth
    #Puso

    ReplyDelete
  2. Dumarating talaga ang punto na ikaw ay maaaring malito lalo na sa pag-ibig. Dahil ang damdamin ay madaling malinlang ng mga simpleng bagay na bago sa atin. Kaya tama ang kanyang ginawa. Maka-ilang ulit na isipin at timbangin ang tunay na dapat na madama. :)

    ReplyDelete
  3. May mga pagkakataon talagang inaakala natin na pagmamahal na, iyon pala ay pagkakaibigan lamang na binigyan ng ibang pagpapakahulugan. Mabuti na lamang ay maaaring sa pagkalito'y mamaalam ng hindi pagkakaibigan ang namamaalam.

    ReplyDelete
  4. Ganun talaga ang buhay. Maaaring ikaw mismo ang malito sa sarili mong pag-ibig. Ngunit dapat laging tandaan. Ang pag-ibig ay dumadating hindi dapat hinahanap.

    ReplyDelete
  5. Bakit ganun? Hindi ako maka-relate? Haha! Ang masasabi ko lang, subukan mo munang magpakalaya sa mga ganyang bagay. May mga bagay din na ikakasaya mo.

    ReplyDelete
  6. tama!!! hindi porket magkaibigan kayo, close sa isa't-isa at laging magkasama tas hinahanap-hanap mo siya lagi, eh pag-ibig na agad. marahil ay patunay lang iyon na isa kang tunay na kaibigan na sa kanya'y nag-aalala, may pakialam at pinapahalagahan mo siya at ang pagkakaibigan niyo. ^_^

    ReplyDelete