Ama
ni Weslie Ena Maquirang Teologo
Ang unang lalaking
ating nakasama
Sa pagtatapos ng gabi mag pa sa umaga
Sa oras na bakante, sa atin ay nag-aaruga
Ang natatanging kalaro, ang tangi kong ama
Sa panahong wala siya sa ating piling
Pag galang at respeto, di dapat limutin
Walong oras bawat araw, sakripisyo para satin
Para sa kinabukasang pilit niyang aabutin
Sa kanyang pagsisikap, upang lahat maibigay
Maging luho man ito o kinakailangan
kasama ng ina sila'y nagtataglay
Ng likas na kalinga at wagas na pagmamahal
At sa paglaki at pagsuong sa buhay
Laging nandyan siya, patuloy na umaalalay
At sa ating isipan natatak, nagtaglay
Maging katulad niya, uliran at mapagmahal
Sa pagtatapos ng gabi mag pa sa umaga
Sa oras na bakante, sa atin ay nag-aaruga
Ang natatanging kalaro, ang tangi kong ama
Sa panahong wala siya sa ating piling
Pag galang at respeto, di dapat limutin
Walong oras bawat araw, sakripisyo para satin
Para sa kinabukasang pilit niyang aabutin
Sa kanyang pagsisikap, upang lahat maibigay
Maging luho man ito o kinakailangan
kasama ng ina sila'y nagtataglay
Ng likas na kalinga at wagas na pagmamahal
At sa paglaki at pagsuong sa buhay
Laging nandyan siya, patuloy na umaalalay
At sa ating isipan natatak, nagtaglay
Maging katulad niya, uliran at mapagmahal
Ako may hinangad ko ang magkaroon ng amang gagabay sa akin. Maswerte ka at mayroon kang amang laging andyan sa iyong tabi. Siguro sa akin ang Diyos ay may nais iparating. Salamat sa iyong tula.
ReplyDeletekay dakila ng ating mg ama :) atin silang mahalin at pahalagahan kahit ano pa man ang ating pagdaan.. honor our parents
ReplyDeleteSina Papa, Tatay o Ama, sila ang naging unang lalaki sa buhay natin kaya dapat silang pahalagahan at igalang. Mahalin natin sila at ipagmalaki sa buong bayan. :)
ReplyDeletemasuwerte k kaibigan sa iyong ama, dahil ang ama mo ay huwaran at dapat gayahin ng iba.
ReplyDeleteDapat talaga silang parangalan at pasalamatan dahil sa sakripisyong gingagawa nila. :)
ReplyDeleteAng bawat taong nagkaroon ng mabuting ama ay masuwerte ngunit bawat ama ay dapat pahalagahan dahil kahit na hindi mabuting ama ang iba, sila ay isa sa mga dahilan kung bakit mas nanaisin mong magpakabuti bilang isang indibidwal.
ReplyDeleteNainggit ako dito, wala kasi akong ama ee. sayang di ko siya nakilala
ReplyDeleteWala talagang mas hihigit pa sa pagmamahal ng isang ama. Grabe mga sakripisyo nila para sa pamilya. 'Di man laging sinasabi ng papa ko sakin na mahal niya ko.. araw araw ko naman nararamdaman at higit pa iyon sa mga salita :D <3
ReplyDeleteMaswerte talaga ang mga anak na nagkakaroon ng matino at responsableng ama kesa sa mga ibang amang naatim na iwan ang anak at sumama sa iba at magpakasaya. Hindi man ako naging maswerte kagaya ng iba pero masasabi ko na masnabigay at nahigitan ng aking pinakakamamahal na ina ang kayang ibigay ng aking ama, umaapaw at walang hanggang pagmamahal at pag-aaruga. :) bukod tangi ang aking ina <3
ReplyDeletena-miss ko bigla ang Tatay ko. :(
ReplyDeleteMuli kong naalala ang mga pasakit na binigay ko sa aking ama, hindi ko man lang napansin ang paghihirap na kanyang ginagawa para sa amin.
ReplyDeletedapat na magpasalamat tayo sa kanila dahil kung hindi dahil sa kanila ay wala tayo dito. huwag mahiyang iparamdam at ipakita kung gaano natin sila kamahal. :)
ReplyDeleteproud to be a papa's girl :) ang unang nagmahal at gumabay sa akin. Ang humubog upang ako'y lumaking matapang at matatag. Ang makita silang masaya ni mama ang pinamalaking tagumpay ko bilang isang taong nilalang upang sila'y alayan ng pagmamahal at pagpapasalamat :) <3 hart hart
ReplyDeleteNagkakasundo tayo. Ganyan din kasipag ang aking ama kahit may dinadamdam siyang sakit. Kakulitan ko din siya maging sa mga seryosong usapan o kalokohan.
ReplyDeleteTama! nakagisnan ko din ay ang aking ama kaya kitang kita ata damang dama ko ang pagpapahalaga ng isang ama sa kanyang mga anak.
ReplyDeleteMiss ko na tuloy yung papa ko :( Apat na taon na siyang wala dito, Nasa ibang bansa para masuportahan kami :(
ReplyDeleteMaganda at consistent ang pagpapakita ng emosyon sa akda. Kaya lamang ay may mga kulang at di wastong mga bantas, na importante at dapat ikonsidera sa pagsusulat. Gayunpaman, magaling!
ReplyDeleteMaswerte ang mga anak na nakakaranas ng ganyang ama. Kaya sana pahalagahan natin sila habang sila'y naririyan pa.
ReplyDeleteNakakamangha ang paglalahad. Maraming mga anak ang maaantig sa iyong akda. Natouch ako. :)
ReplyDeleteAng ating mga ama ang tanging lalaki sa mundong ito na ipaglalaban tayo sa lahat ng mga haharapin nating mga kagipitan. Napakaganda ng tulang ito, dapat nating mahalin ang ating mga magulang.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteAng ama natin ang unang lalaking minahal natin at hindi tayo sasaktan magpkailanman. laking pasasalamat ko na magkaroon nang isang ama na may mabuting puso sa kanyang pamilya na handang danasin ang lahat nang hirap sa buhay maibigay lang ang magandang buhay sa kanyang pamilya. Itong tulang ito ay tunay napakaganda at ang bawat nilalaman ay totoo
ReplyDeleteAma, sila ang ating unang pag-ibig =) Mahirap maging haligi ng tahanan. Kaya nararapat lang na irespeto, mahalin at pahalagahan natin ang ating ama, pati na rin ang ating ina :)
ReplyDeleteAng ating ama ang nagsusumikap na magtrabaho para sa atin. Pahalagahan natin sila at pasalamatan dahil sa kanilang pagsusumikap at pagmamahal. Tayo'y mag-aral ng mabuti at magtapos dahil isa yan sa mapapamana sa atin ng ating mga magulang. Pasalamatan natin ang ating mga ama na nagsusumikap na tayo'y patapusin ng pag-aaral.
ReplyDeleteAng ating ama ang nagsusumikap na magtrabaho para sa atin. Pahalagahan natin sila at pasalamatan dahil sa kanilang pagsusumikap at pagmamahal. Tayo'y mag-aral ng mabuti at magtapos dahil isa yan sa mapapamana sa atin ng ating mga magulang. Pasalamatan natin ang ating mga ama na nagsusumikap na tayo'y patapusin ng pag-aaral.
ReplyDelete