Lazada

Saturday, September 27, 2014

Buhay ng Isang Ulila ni Raquel Balatinsayo

Buhay ng Isang Ulila ni Raquel Balatinsayo

Ang hirap mabuhay
kung wala na ang iyong itay at inay
lalo na sa mundong maingay
at sa iyo ay walang aalalay

Ang mundong sana'y makulay
para sa batang malay,
ngunit dahil walang gabay
isip ay napuno ng lumbay

Mundo'y sinisi sa pagiging ulila
sa karahasan ng mundo'y nagpasasa
hanggang isip ay maalila ng sugal at serbesa
at sa mapusok na mundo ay nagpadala

Kinahantungan ay mabaho at maliit na selda
na puno ng harang san man banda
buhay ay tuluyang napariwara
kung sana ay hindi nawalan ng kalinga

Nagkaroon sana ng maaliwalas na kinabukasan
buhay na mayroong matuwid na daan
nagabayan sana upang maging maayos na mamamayan
at magiging malaking pakinabang para sa bayan

19 comments:

  1. Kahit ika'y naulila na, nandiyan pa naman siguro ang mga totoong kaibigan na hindi mang-iiwan sayo :)

    ReplyDelete
  2. pakatatag ka po :) kapit ka kay GOD

    ReplyDelete
  3. Tunay ngang mahirap ang mamuhay ng mag-isa pero wag sanang malimutang magtiwala sa nasa itaas. Isa pa, ayos lamang ang magkamali dahil iyon ang paalala na tayo'y tao lamang. Ang mahalaga ay mayroon kang natutunan at iyon ang lagi dapat tinatandaan.

    ReplyDelete
  4. May dahilan ang lahat ng bagay, pangit man o maganda. Huwag gawing dahilan ang naging mapait na sitwasyon sa halip ay gawin itong inspirasyon sa pagahon sa buhay.

    ReplyDelete
  5. Ang tao ay hindi kailanman nauulila sapagkat hindi siya kailanman iiwan o pababayaan ng Panginoon. Kailangan lang nating masumpungan siya. Manalig at magtiwala sa Kanya. :)

    ReplyDelete
  6. Iyong basahing nilalaman ng Isaiah 43:18-19. Huwag tayong mabuhay sa nakaraan. Ano man ang iyong pinagdadaan ay may kaakibat na pagpapala. May dahilan kung bakit iya'y nangyari sa iyo. Huwag tingnan ang negatibong parte lamang nito. :)

    ReplyDelete
  7. May darating at darating na aagapay sa oras ng pagkalumbay. Huwag nawang mapugto ang hibla ng pag-asa.

    ReplyDelete
  8. mahirap talaga ang walang magulang pero hindi malilihis ang ating landas kahit wala sila kung mayroon tayong matatag na pananampalataya sa Itaas :)

    ReplyDelete
  9. Pinakamahalaga sa lahat ang pamilya para magabayan tayo at hindi mapunta sa landas na malungkot at mahirap.. Kaya dapat tayo ay magpasalamat sa pamilya natin at ipanalangin ang mga batang nasa kalye na naghahanap ng mga taong mag-aaruga at magmamahal sa kanila.

    ReplyDelete
  10. Mahirap pag wala kang magulang ngunit maaari mo itong gawing kalakasan imbis na maging kahinaan sa pagsabak sa buhay. Huwag sumuko.

    ReplyDelete
  11. magulang ang siyang nagsisilbing ating mga paa at kamay sa ating buhay.
    ang mamuhay ng walang magulang ay sadyang napakahirap ngunit kalian man ay hindi dapat ito maging hadlang sa ating hangarin na umunlad.

    ReplyDelete
  12. Ang mga ganitong pangyayari sa buhay ang sa ati`y nagpapatibay at nagpapatatag para harapin ang mas mabibigat pang hamon ng buhay.

    ReplyDelete
  13. maswerte ako dahil hindi ako naging ulila pero alam ko ang pakiramdam ng mga taong ulila dahil marami sa kanila ay nakadaupang palad ko na sa aking mga paglalakbay sa mga nakalipas na taon.

    ReplyDelete
  14. Ulila ma'y maaari pa ring magkaroon ng tuwid na daanan. Wala mang magulang na taga-hubog, nariyan ang lansangang isang dako ang maaaring matutuhan. Kailangan lang manindigan. Batid ko ang hirap kaya sa mga ulila'y di rin masisisi kanilang kinahihinatnan.

    ReplyDelete
  15. Totoong mahirap ang lumaki ng walang ama at ina. Maging ako'y hindi ko magawang maisip kung ano ang buhay ko kung wala sila. Kaya ang aking payo, ay habang maaga pa lamang ay ipabatid mo na kung gano mo sila kamahal.

    ReplyDelete
  16. Talaga namang mahirap mabuhay ng walang taong nag gagabay. Kaya naman saludo ako sa mga batang independent. Nagagawa nilang magtagumpay sa mabuting paraan kahit walang nag gagabay.

    ReplyDelete
  17. Kung ako ang nasa ganyang kalagayan, hindi ko maisip kung paano ko gagawing mabuhay ng mag-isa. Kaya nga, hangga't nandito pa ang ating mga Ina't Ama, gawin na natin ang lahat upang maipakita at maipadama kung gaano natin sila kamahal. Kahit sa simpleng mga bagay lamang. "Ma! Pa! Love you! <3"

    ReplyDelete
  18. Huwag susuko sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

    ReplyDelete
  19. Ramdam ang emosyon sa tula ngunit do ito ganoon kalakas. Gayunpaman, mahusay! Ang mga magulang ang ipinagkaloob ng Ama upang maging gabay natin. Kung wala sila tunay na mahirap ang buhay. Kaya't magpasalamat tayo pagka't nananatili sila sa ating buhay at tayo'y kanilang ginabayan. Maraming salamat po, Mama at Papa.

    ReplyDelete