Lazada

Sunday, September 7, 2014

KULANG ni Paula Meneses

KULANG 
ni Paula Meneses

Daming nangyayari, pero laging may kulang 
Di mapayapa, aking puso't kasipan 
Laging maingay, puno ng kaguluhan 
Kaya patuloy, ako sa paghahalungkat 

Araw-araw, kay daming inaatupag
Puro "bakit", naman ang naiiwan
Walang kahalagahan, akong maramdaman
Laging pulot, pansamantalang kaligayahan 

Ngayon, nang Sya'y makaharap 
Kay rami kong, dapat na bitawan 
Hindi mabilang, aking natutunan
Patuloy nadadapa, at aking paglumbay
Akala ko kasi, ako na'y matatag 
Patuloy nais kong isipin, "ako ay kulang"
Kulang, tuwing di Sya kabilang sa samahan 
Araw-araw, ako'y bagong nilalang!

11 comments:

  1. Ang tanging kulang at di maikailang na puwang sa buhay ng bawat tao. Ang Diyos lamang. :)

    ReplyDelete
  2. Diyos ang sagot sa lahat. Siya ang magpupuno at magbubuo sa ating pagkatao.

    ReplyDelete
  3. Sa buhay ay palaging may kulang. Kung kaya't andiyan ang Diyos upang punuin ang lahat.

    ReplyDelete
  4. Lagi natin tatandaan sa lahat ng bagay Siya'y ating karamay. Pagpalain!

    ReplyDelete
  5. Maganda ang menshe ng tula.. minsan sa buhay ng isang tao ,susubukan niya kumpletuhin ang kanyang mga naisin mag-isa subalit tandaan na tanging ang Panginoon lamang ang may kakayahang kumpletuhin tayo.

    ReplyDelete
  6. Amen. Hindi makukumpleto ang buhay ng isang tao kung walang Siya. At sa kahit anong oras, lagi natin Siyang maasahan. :)

    Overall, nice job Paula. :)) #MakaDiyos

    ReplyDelete
  7. Wala nang kulang saiyo simula noong tinanggap mo Siya sa buhay mo.

    ReplyDelete
  8. Tunay ngang tanging ang Panginoon lamang ang maaaring makapagbuo sa atin at sa ating pagkatao. Kung wala Siya'y wala rin tayo. Magandang pampukaw sa damdamin at kaisipan ang akda. :)

    ReplyDelete
  9. Totoo n laging prang may kulang kung wla ang Diyos sa atin.

    ReplyDelete
  10. Kahit anong mangyari, kung Siya ay nasa tabi, walang di imposible. :)

    ReplyDelete
  11. Huwag magamba, sa Diyos ay tumawag. Kakulangang iyong nadarama, punan mo ng mataimtim na pananampalataya.

    ReplyDelete