Ika’y karamay sa hirap at ginhawa,
Pampawala ng antok,maaasahang tunay.
Mawala na lahat pagdating sa puyatan
‘wag lamang ikaw, mahal kong kape.
Bawat baso antok naglalaho,
karagdagang lakas at pawi ng pagod.
sa bawat paglasap ng kapeng umuusok,
Utak ko’y biglang nagiging alerto.
Mapait ma’y nakaka-adik
ang kapengbarakong paborito natin.
Mayro’n namang matamis kung ayaw ng mapait,
ngunit hinay lang kung ayaw magkasakit.
Ayan na! ayan na nga
parating na ang inaasahan
nating mga masisipag na mag-aaral,
walang iba kundi ang katakut-takut na puyatan.
“Kailangang matapos, walang tulugan!”
“Bukas na ang pasahan wala pa ‘kong gawa!”
Huwag mag-alala ‘pagkat may karamay,
ang kapeng pampalakas at laging maaasahan.
hayyy buhay, kape ang ginagawang pampagising :))) pray
ReplyDeleteGatas naman aking karamay pagdating sa mga puyatan. <3
ReplyDeleteAko'y hindi umiinom ng kape. :) Tara, Milo! :D
ReplyDeleteKaakibat sa bawat puyat ang kapeng di ka bibiguin. Kape pa. :)
ReplyDeletetama :) kape ang karamay ng mga mag-aaral na matiyaga, gaya ko hahahaha. Kape tayo mga tiser ng bayan :)
ReplyDeletemapapaso ka minsan sa ngunit itong ang mas magbibigay sayo ng buhay para magpatuloy :)
ReplyDeletebasta may kape magagawa lahat ng dapat tapusin sa isang araw. :)
ReplyDeletekape pa mga titser ng bayan!
Hindi ako nainom ng kape! Ayoko ng lasa. Haha! Pero, milo ang nagpapagising sa aking kaluluwa tuwing ako'y magpupuyat. Ayun lamang.
ReplyDeleteMasarap ang kape dipende sa timpla,
ReplyDeleteTapangan ang kape para sa malalimang puyat
makrema nalang kung mababawang puyat lng
Minsa nagkakape ako kapag kailangan na kailangan, Mas masarap pa din timpla ni mama kesa sa kahit anong kape dito sa mundo. :D
ReplyDeleteLabis akong naka-relate dahil mahilig ako sa kape. Napansin ko lang na walang organisasyon ang mga ideya, metapora, at mga supporting details ng akda. Gayunpaman, maganda ito.
ReplyDeleteMarami nga namang sa kape ay kumakapit. :) Pampasigla't panggising sa mga inaatok na tuktok. Makatotohanang lubos ang iyong tula.
ReplyDeleteAng kape ang aking naging karamay sa mga panahong may dapat na tapusing gawain. Dapat parangalan ang KAPE. Isa kang tunay na mapagmasid iha. :)
ReplyDeletekapeng barako kaagapay sa pag-aaral :)
ReplyDeleteHindi ako mahilig sa kape, ngunit namamangha ako sa taglay nitong aroma na nakapagpapagising sa inaantok pang kaluluwa.
ReplyDeleteBagamat sa ibang saknong ay nawawalan ng tugma, mahusay ang pagkakagawa ng tula. Naiugnay ko ang sarili pagkat mahilig ako sa kape at ito rin ang karamay sa panahon ng puyatan sa paggawa ng takdang aralin. Mahusay!
ReplyDeleteAng taong hapit, sa kape kumakapit. Kape talaga ang karamay ng mga taong inaantok pero may kailangan pang gawin. Pero dapat, hindi natin tinatabi yung kape sa ginagawa natin, baka kasi matapunan :)
ReplyDeleteKape lang muna. Gra-graduate rin tayo! :)
ReplyDeleteKape lang muna. Gra-graduate rin tayo! :)
ReplyDeleteKonektadong-konektado ako sa tulang ito dahil ahilig ako sa kape, ang bawat saknong na nasambit sa tulang ito ay tama. Kape ang kakampi natin para malabanan ang puyat at pagod.. Konting tiis lang.. :)
ReplyDeleteKaibigan natin ang isang basong puno ng kape. Isang yakap sa bawat higop. Nakakaginahawa ang init nito lalo na sa mga panahong ako'y malungkot. Saludo ako sa kanya 😉😊
ReplyDelete