ni Christopher Mapang
Ang hirap paniwalaan
Na dati ay hindi ka makita
Sa pag-aakalang ako’y nag-iisa
at walang masasandalan
Sa katotohan ako’y naging bulag
Ikaw pala’y nasa aking tabi lamang
Mabuti na lang ako’y nagising
At nalaman ang tunay na nadarama
Walang katulad itong nadarama
Nais kong iyong malaman
Na minsan sa aking buhay
Nadama ko ang tunay na ligaya
Kailanman hindi ako nakatagpo
Ng isang katulad mo
Na alam ang aking buong pagkatao
Salamat, aking nagtapuan aking hinahanap
Ang sarap sa pakiramdam
Na ikaw ay makita
Na ikaw ay mapakinggan
Ito ay dahil sa’yo.
"Ang hirap paniwalaan
ReplyDeleteNa dati ay hindi ka makita
Sa pag-aakalang ako’y nag-iisa
at walang masasandalan. . ."
Naalala ko iyung isa kong tula:
"Minsa'y napalingon sa iyong gawi
Ilang taon nang nagsama, ngayon lang napaisip
Bakit puso'y laging iniibig
Ang malayo't hindi malapit?" :)
HUGOT PA, Chris. XD
hoy, walang hugot 'yan Jona HAHAHAHAHA Mas hugotera ka kaya. :P
DeleteMarahil ang sumulat nito ay umiibig sa dating kaibigan lamang sa kanyang paningin. Pagtibayin mo ito Christopher dahil hindi hadlang ang distansya kung tunay ang nadarama. :)
ReplyDeleteHindi ko na matandaan kung may hugot ba talaga 'to nung ginawa ko 'to pero feeling ko wala. HAHAHA Walang akong masabi. Basta ang alam ko, masarap mainlove. <3
ReplyDeleteNang dahil sa isang tao, nabibigyang kulay ang ating mundo. Nagkakaroon tayo ng dahilan upang mabuhay ng masaya.
ReplyDeleteMinsan talaga hindi natin nakikita na ang taong matagal na nating hinahanap ay matagal ng nasa ating harap. Nakakatuwang malaman na natagpuan mo ang taong sayo ay lubos na magpapaligaya.
ReplyDeleteSa wakas at nakita mo rin ang nasa harap mo na hindi mo nakita noong naghahanap ka ng ibang tao para sayo.
ReplyDeleteSigurado masaya ka! :D sana lahat tayo makahanap ng taong magpapasaya sa tin palagi :)
ReplyDelete"Kailanman hindi ako nakatagpo
ReplyDeleteNg isang katulad mo
Na alam ang aking buong pagkatao
Salamat, aking nagtapuan aking hinahanap"
kailan kaya? kailan ko din ito masasabi? haha
napakagandang tula, ramdam ang kaligayahan mo sa tulang iyong ginawa :)
Madalas talaga hindi natin napapansin yung tunay na nagmamahal at nagpapahalaga sa atin.Madalas pa ay huli na natin bago ito mapagtanto—saka lang natin siya napapahalagahan kapag wala na siya. Kaya maswerte yung mga taong saglit lang ang pagkabulag, yung mga taong agad na nakikita ang hinahanap nila na matagal na pala nilang kasama. Para sa lahat, matuto tayong magpahalaga sa mga taong nagpapahalaga sa atin dahil isang araw baka magising ka nalang at wala na silang habambuhay. ^_^
ReplyDeleteLabis akong natutuwa dahil sa tingin ko'y nahanap mo na ang taong para sa iyo. Sana ay lubos kayong lumigaya sa piling sa piling ng bawat isa! :)
ReplyDeleteMas madalas, kung sino pa iyong nasa ating tabi, sa ati'y nagmamalasakit ay sila pang hindi natin madama at nakikita. Sa bandang huli, ang importante, tayo ay nagsisi at namulat sa katotohanan na may mga taong handang sumalo sa atin kahit hindi natin sila napapansin.
ReplyDeleteMinsan ang taong mas nakakaintindi saatin ay nandiyan at nagaantay lang. Matutong magbigay halaga sa mga taong dumadating sa buhay at huwag kakalimutang pasalamatan sila.
ReplyDeleteInspirado. Ramdam din kita. hahahaha! Ipabasa mo sa kanya.
ReplyDeleteKung para kaninuman ito.
Titingnan mo nalang ba? Baka sa sunod na sulyap mo sakanya masaya na siya sa iba. :)
ReplyDelete