Lazada

Sunday, September 7, 2014

Aruga by: Christian I. Sierra

Aruga
by: Christian I. Sierra

Pagmulat ng mata sa umaga
Tinig mo'y hinahanap sa t'wina
Haplos ng kamay na may mahika
Sakit ay nawala na parang bula

Tila isa kang hulog ng langit
Bigay na regalo ng Diyos sakin
Payo at turo ginawang awit
Walang sawa't tigil sa pagsambit

Minsan nagkamali at nabulag 
Masamang bisyo, laging hinanap
Ngunit hinabol ako't niyakap
Mga salita'y nagbigay liwanag

Liwanag sa daang tinahak ko
Hindi iniwan saan man dako
Magandang buhay iyong plinano
Nais lamang mabuhay ng wasto

Salamat, salamat oh, Inay
Pagmamahal mong walang papantay
Bitbit lagi ang turo at gabay

Aking aalahanin habang buhay

26 comments:

  1. Tunay na pag-aaruga, kay Inay nga naman talaga makakamtan. Magaling ang pagkakagawa sa akda. :)

    ReplyDelete
  2. huwag baliwalain ang turo ng mga magulang dahil magagamit rin ito balang araw.

    ReplyDelete
  3. Ang magulang ang nagsisilbing gabay sa atin. Tunay ngang hindi mapapantayan ang kanilang pagmamahal.

    ReplyDelete
  4. Walang makakatumbas sa pagmamahal ng isang ina. Napakagandang mensahe ang naipahayag sa tluang ito.

    ReplyDelete
  5. Mahusay. May makabuluhang mensahe para sa lahat.

    ReplyDelete
  6. Walang katulad at iba nga talaga ang pagmamahal ng isang ina kaya nararapat lamang na suklian natin ang ibinigay nilang pagmamahal at pag-aaruga sa atin.

    ReplyDelete
  7. Tulad ng isang ilaw sa tahanan ang gabay sa atin ni ina. Sila ang makakasama mo sa kasiyahan o kalungkutan man.. na sa piling nila ay di ka kailanman malulumbay.

    ReplyDelete
  8. Utang natin ang lahat kay Inay. Dapat lang na pasalamatan. Ating suklian ng pagmamahal. :)

    ReplyDelete
  9. Kahit na nakagagawa tayo ng mga kasalanan na maaaring ikasama ng loob ng ating mga magulang, hindi pa rin mahihigitan ng mga bagay na iyon ang pagmamahal nila para sa atin.

    ReplyDelete
  10. Ating mahalin ang ating magulang pagkat sila ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay.

    ReplyDelete
  11. Ina. Isang makabuluhang salita. Siya lang ang nagbibigay ng aruga na hindi mo mahahanap sa iba. Napakagandang mensahe, mga ina ay talagang dapat ipagmalaki.

    ReplyDelete
  12. Ang ating mga ina ang nagsisilbing ilaw ng tahanan. Magandang paalala ang naturang akda para sa kabataan. Huwag sana nating kalimutan ang mga pangaral ng ating mga mapagmahal na ina. Mabuhay ang ating mga nanay!

    ReplyDelete
  13. Tunay ngang walang tatalo sa ating mga ina. Hindi matutumbasan ng kahit anong halaga sapagkat ang magkaroon ng tulad nila ay isang napakalaking kayamanan na. Dapat na ipagpasalamat sa Diyos at ipagmalaki. Magandang pagpupugay para sa kanila ang akdang ito :)

    ReplyDelete
  14. Walang katulad ang pagmamahal at pagaaruga sa atin ng ating ina. Hindi niya tayo hahayaan mapariwara. Lagi siyang nariyan para tayo ay gabayan.

    ReplyDelete
  15. Napakaswerte mo sapagkat may magulang kang gumagabay sa iyo. Patuloy kang minamahal at inilalayo sa masasamang bisyo. Kaya't sila'y iyong pahalagahan at pakinggan, dahil ang mga magulang mo lang ang tangi mong matatakbuhan.

    ReplyDelete
  16. Ang mga payo ng ating mga magulang ay huwag kalilimutan pagkat ito ay magagamit natin habambuhay, maituturo din natin ito sa mga susunod pang henerasyon.

    ReplyDelete
  17. Tunay na walang makakapantay sa pagmamahal ng isang ina. Walang kahit ano mang bagay ang maihahambing sa kanya. Hindi ka niya kailanman pagtataksilann dahil tanging magagandang hangarin ang gusto niya para sa iyo. Ikaw ay sadyang hndi niya iiwanan, kahit ano man ang mangayari.

    ReplyDelete
  18. Ang ating mga ina'y mahalin at pahalagan. Iisa lamang sila at tunay na walang makakapantay.

    ReplyDelete
  19. wlang kapantay ang pagmamahal ng ina sa kanyang anak... buhay man handang ibigay para sa munting mahal.

    ReplyDelete
  20. Walang makahihigit sa ating mga ina.

    ReplyDelete
  21. Tunay ngang ang pagmamahal ng isang ina ay walang pasubali. Kahit magkamali ka ng paulit ulit ay tatanggapin ka parin niya kahit anong mangyari—hindi ka niya ipagtatabuyan at itatakwil sa halip ay pangangaralan ka pa niya at ituturo ang tamang landas. Kaya mahalin natin ang ating mga nanay. ♥

    ReplyDelete
  22. Wala talagang hihigit na pagmamahal sa pag-ibig ng isang Ina. Tunay silang ilaw ng ating tahanan. :)

    ReplyDelete
  23. Walang anumang akda ang papantay sa isang akdang sa magulang inaalay. Hindi lang basta ilaw ng tahanan ang mga nanay bagkus ay mga haligi na rin paminsan-minsan sa ilang mga pagkakataong kinakailangan.

    ReplyDelete
  24. Tulad mo ako'y may ganito ring tula na iniaalay sa aking Ina. At tunay na dapat lamang silang pasalamatan sa lahat ng kanilang mga ginawa at patuloy na ginagawa para sa atin.

    ReplyDelete
  25. hangga't may oras at pagkakataon pa tayo ay magpasalamat na tayo sa kanila. at wag kakaligtaang ipakita at iparamdam kung gaano natin sila kamahal. :)

    ReplyDelete
  26. Wagas na pagmamahal <3 Lahat ng anak ay nagsasabing nanay nila ang pinakamapagmahal, mabait, matiyaga. At walang nagkamali sa kanila. :) Kakaiba at walang katulad ang pagmamahal ng isang ina. Walang katumbas. Walang kasing tamis. Tunay.
    Salamat sa munting paalala.

    ReplyDelete