Lazada

Sunday, September 7, 2014

Panahon na! ni Christopher Mapang

Panahon na!
ni Christopher Mapang


Kahit saan ka man tumingin,
Basura'y 'di mawala sa paningin.
Ngunit kung inyong iisipin,
Sino nga ba ang may salarin?

Tapon dito, tapon doon
Hindi matapos-tapos na pagtapon
Kasabay ng pagdami ng populasyon,
Problema'y 'di mahanapan ng solusyon.

Kung mayroon mang dapat sisihin,
Walang iba kundi mga tao rin
Mga taong bulag-bulagan sa katotohan
Mga taong salat sa kaalaman.

Panahon na para sa pagbabago
Ito ang hakbang na nararapat
Panahon na para kumilos tayo
Bago pa mahuli ang lahat.

20 comments:

  1. Problema ngang kinakaharap ng mundo ito. Simpleng pagtapon ng isa ay maiipon na magiging sanhi ng nararanasang problema sa basura. Pagbabago ay magsisimula sa sarili. :)

    ReplyDelete
  2. Malaking problema ang polusyon. Basura na nagreresulta ng baha. Maganda ang ipinapahayag ng tula.

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. Sana may kaluluwa ang mga styro, plastic cups, plastic spoons and forks o kaya para tapos ang problema, lahat na lang ng basura, na kapag hindi sila itinapon ng maayos, magmumulto sila doon sa taong gumamit sa kanila na para bang humihingi ng disenteng "libing." :D

    ReplyDelete
  5. Jona tama ka..dahil tao o bagay lang ito, dapat may pinaglalagyan para may kaayusan, isama na rin natin ang katahimikan :D

    ReplyDelete
  6. Tama. dahil iisa lang ang ating mundo at tayo tayo na lang din ang dapat magpanatili ng kaayusan nito.

    ReplyDelete
  7. Hindi na dapat magsisihan sa kinahihinatnan ng ating kapaligiran. Magkaroon tayo ng malasakit. Sa lipunan ay huwag maging pasakit.

    ReplyDelete
  8. Simulan natin sa ating mga sarili ang pagbabagong ating hinahangad.

    ReplyDelete
  9. Lubos na sinasang-ayunan. Tayo mismo ang siyang may kagagawan ng mga pagkasira ng ating kalikasan, kaya tayo in dapat ang siyang kumumpuni nito.

    ReplyDelete
  10. Panahon na nga talaga upang tayo'y kumilos. Dapat magsimula ang pagbabagong ninanais mula sa ating mga sarili. Ang simpleng pagtatapon ng tama ng iyong mga basura ay malaking tulong na. Isipin naman natin ang mga susunod na henerasyon at ang proteksyon na ginagawa ng inang kalikasan para sa ating mga tao. Oras ng kumilos dahil kung hindi pa ngayon, magigising na lang tayo isang araw na ang mundo ay sirang-sira na at wala na ang kagandahang ating hinahangaan at pinagkukunan ng pangunahing pangangailangan.

    ReplyDelete
  11. Panahon na nga para sa pagbabago. Tayo ang may kasalanan sa mga problema ng kalikasan, dapat tayo rin ang gumawa ng paraan para ito'y masolusyanan. Disiplina dapat sa sarili, yung ang ating kailangan.

    ReplyDelete
  12. wala namang kakayahan ang kalikasan na linisin ang mga basurang hatid nating mga tao.wala din namang kakayahan ang mga hayop na alisin ang mga ito. ginawa tayo ng Diyos na naka-aangat sa iba, kaya naman marapat lamang na tayo ay maging responsable sa pangangalaga ng kalikasan.

    ReplyDelete
  13. Dapat umpisahan nag pagkilos sa sarili. DISIPLINA ang kailangan. Dapat itatak sa utak ng mga tao ang mawawala sa atin kapag pinagpatuloy ang kawalang pakialam sa ating paligid. Dito natin nakukuha ang mga kailangan natin pero ano ang ginagawa? nilalapastangan. Lahat tayo guilty dyan.. kahit nagtapon ka lang ng balat ng candy malaking epekto na yun sa paligid. Sana sa mga sakunang nangyayari ay matuto na tayo. :)

    ReplyDelete
  14. Ang pagliligtas sa kalikasan ay nag-uumpisa sarili—maging role model ang bawat isa para naman mahiya yung mga taong sige tapon lang dito, sige tapon lang doon. Umpisahan natin sa loob ng tahanan, sa paaralan, sa kalsada. Hindi naman siguro magbigat at mahirap na gawain ang simpleng pagtatapon ng basura sa tamang lugar. At saka hindi tamang idahilan na may mga metro aid at janitor naman kaya okay lang na magtapon tayo. Isipin niyo nalang kung gaano kadami ang taong padaan-daan lang at kung gaano kaonti ang mga metro aid at janitor. Trabaho nga nilang maglinis ng kapaligiran pero dapat natin silang tulungan kasi nabubuhay lamang tayo sa iisang mundo at lahat tayo responsibilidad na alagaan ito.

    ReplyDelete
  15. Oo, panahon na. Dapat nang kumilos bago pa mahuli ang lahat. Lalong lalo na ngayon sa panahon natin na napakalala na ng polusyon. Pero syempre, sa atin mag-uumpisa yun, sa mga simpleng bagay na gagawin natin, sa magtatapon ng basura sa tamang lagayan. Mula sa maliit ay makakagawa tayo ng malaking pagbabago.

    ReplyDelete
  16. Panahon na para isipin natin ang magiging kalagayan ng susunod na henerasyon. Panahon para isipin kung magiging ligtas pa ba ang magiging kalagayan ng mga magiging anak natin.

    ReplyDelete
  17. Tama. Panahon na para magbago, Panahon na para isipin ang ating Inang kalikasan.

    ReplyDelete
  18. Panahon na nga!
    Panahon na para sa pagbabago.

    Napakaganda ng iyong tula.

    ReplyDelete
  19. Kung meron mang tamang panahon para dito, ito ay ngayon na.

    Sana maisip ng lahat ang mga effects na mangyayari sa atin lalo na sa mga ginagawa natin.

    Sana mabasa ng iba ang iyong tula. Makakatulong ito lalo na kung didibdibin nila ang bawat salita na sinasabi mo. :)

    ReplyDelete
  20. Ngayon na ang panahon upang magbago at magkaroon ng disiplina ang mga tao. Dapat tayong magtapon ng basura sa tamang basurahan at kung ito'y gagawin ng lahat ng tao magiging malinis ang ating kapaligiran.

    ReplyDelete